Chapter 5

33 3 0
  • Dedicated kay Jewra Gutierrez Razon
                                    

5

 Natapos na ang klase ni Vhia kaya naman nagpasya siyang sumaglit muna sa mall na malapit sa unibersidad na pinapasukan niya.

 “Minsan lang naman ako mapadaan dito, window shopping lang muna para makapag-unwind,” nakangiting sabi niya sa sarili habang papasok na sa loob.

 Pumapasok din siya sa mga boutiques kapag may mga nakikita siyang magagandang damit. Nang mapagod ay kumain siya sa foodcourt. Mas gusto niya kasi yung mga pagkaing lutong-bahay kaysa sa mga fastfoods.

 Umorder siya ng lechong kawali, pakbet, kanin at ginatan.

 Hindi naman ako gutom, ei?

 Iniisip niya kasing i-“treat” na niya ito sa sarili total ay matataas naman ang nakuha niyang grado sa natapos na semestre. Kakukuha lang kasi niya ng report card niya kanina.

 Bitbit na niya ang tray ng pagkain niya ngunit napansin naman niyang wala atang bakanteng upuan.

 “Nyee, ano ba yan?! Wala na ba talagang mauupuan? Tsk.” Inilibot niya ang mga mata sa paligid para maghagilap ng kahit isang bakante. “Ahh, ayun!” May isang nakaupo sa mesa ngunit may isa pang upuan sa tapat nito ang bakante. Dali-dali siyang lumapit baka naman kasi maunahan pa.

 “Excuse me po, pwede bang maki-share? Wala na kasing ibang map-pwestuhan kundi dito. Ok lang?”

 “K.” Mahinang sabi naman ng lalaki matapos siyang sulyapan.

 “Salamat.”

 Tahimik naman naupo si Vhia. Pero dahil likas ang kabaitan niya, inalok niya muna ang katabi bago kumain.

 “Gusto mo?” Alok niya habang hawak ang mangkok ng lechong kawali.

 “No, thanks.” Sagot naman ng lalaki habang ipinapagtuloy lang ang pagkain nito.

 “Alam mo, ang sarap nito. Favorite nga ito nung ate ko tapos yung kuya ko naman sinigang at etong pakbet ang gusto ko naman. Pero lahat ata ng paborito naming magkakapatid paborito rin ng isa’t isa, hehe.”

 Tuloy lang naman sa pagkain ang lalaki at di siya pinapansin. Pero si Vhia…

 “Mas masarap kumain dito, ‘no? Kaysa sa mga fastfoods. Ahh.. ‘Yang laing na inorder mo, favorite ko rin yan e. Sayang nga lang kasi kanina ubos na. Ang sarap siguro kaya agad naubos.”

 Natural na lang talaga kay Vhia ang makipag-kwentuhan sa kahit na sino. Lalo kung nakakasabay niya sa pagkain.

 “Sorry, ang daldal ko ba? Sa bahay kasi namin, mas masarap ang kainan kung may kasamang kwentuhan. Kapag kasi ninanamnam mo ang pagkain, mas nalalasap mo ang lasa ng bawat sangkap na nilagay. Tapos nagkakaroon pa kayo ng malawak na komunikasyon ng pamilya,” kwento niya habang sinisimulan ng tikman ang pagkain niya.

 Ang daldal lang niya, di ba? Tsk. Sa isip naman ng lalaki.

 “Hmm..”

 Habang tahimik na rin niyang ipinapagpatuloy ang pagkain, tumayo na ang lalaki.

 “Grabe ha, hindi man lang niligpit yung kinainan niya. Tsk, iaasa talaga sa mga janitor. Hay..” Nakita niya kasing basta na lang iniwan ng lalaking kanina’y kasabay niya ang kinainan nito. Hindi kasi siya sanay na ganun, at least man lang e nililigpit niya sa isang tray ang mga kinainan niya.

 Matapos niyang kumain ay inilagay na nga niya sa tray ang mga pinagkainan niya at idinamay na rin yung sa lalaki kanina. Pagkatapos, inilagay niya ang tray sa dish counter kung saan naroon ang mga maruruming pinggan, mangkok, baso at kung anu-ano pang nagamit ng mga tao sa foodcourt.

Akin Na Lang Po Siya (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon