Chapter 2

148 5 5
                                    

2

AJ’s POV

 Ala-6 na pala. Kelangan ko nang ihanda ‘yong almusal naming magkakapatid. Aba’y malamang wala na kaming magulang, kaya nga ako ang maghahanda di ba? :-p

 Hays, buti na lang 2 years pa bago umalis si bunso dito, si bunso. Batang ‘yon, balak mag-madre. Hindi naman ako tutol dun. Kaya lang siyempre bilang ate, at bilang ako na rin ang nag-alaga sa kanya mula nang iwan kami ng mga magulang namin, masakit sa’kin yong mapalayo siya.

 “Hoy ate! OA mo mag-drama, aga-aga. Tss.”

 Epal naman ‘to si Ednel, kahit kelan talaga, naninira ng moment. -_-

 “Oh, bakit ang aga mo gumising, kuya? 10 pa pasok mo ngayon di ba?”

 Siyempre alam ko yung sched nilang dalawa ni Vhia. Malay ko bang may bigla na lang kumidnap jan sa mga yan. -_- OA na kung OA, at least nagpapaka-ate.

 “Tutulungan na kita.”

 “Ahh, sige. Sangag mo na ‘yong kaning lamig kagabi sa ref.”

 “Ok.”

 “Oy ate!”

 “Oh?” Maka-oy ‘tong batang ‘to. Parang di ako mas matanda sa kanya, in-ate pa ko. :-/

 “Matagal pa naman aalis si Vhia, ‘wag ka na mag-drama muna. OA mo e.”

 “Oo na. Nakakalungkot lang kasi, bunso pa naman natin yun. Ayaw mo rin naman mawala siya dito sa tabi natin di ba?”

 “Naman.”

 “Pero sabi nga ni Dada dati di ba? Make the most out of it. Hanggang kasama natin ‘yung mga taong mahal natin, dapat sinusulit natin. Dapat lagi nating iniisip na ito na yung last na makakasama natin siya. Para sa ganun, susulitin mo yung oras. Araw-araw.”

 Nagulat ako, bukod sa ang haba ng sinabi ng kapatid kong ‘yan ngayon na bihira talaga mangyari in our entire existence, e nabanggit niya si Dada. Ang tatay namin. Mula kasi ng mamatay ito, never niya binanggit si Dada. Iniyakan niya, oo. Nung inilibing na siya, pero pagtapos nun, parang wala na sa kanya kahit alam kong lungkot na lungkot siya nun.

 “E-ednel.”

 “O bakit ate? Sus, parang pinangaralan lang kita, kesyo e-emote-emote ka jan. Sige na, magluto ka na.”

 Aba’t inutusan ako? >.<

 Pero bale, at least hindi naman ganun ka-lungkot siya nung nabanggit niya si Dada. Nagma-mature ang kuya namin. OO NAMIN! Bakit ba, bata pa ko. -_- Panganay lang ako, pero di ibig sabihin bawal na magpaka-bata. ‘Kay??

--

THIRD-PERSON’s POV

Sa mansiyon ng mga Gutierrez…

 “RIZDEL MIGUEL!” Sigaw ng matandang Don sa natutulog na apo nito.

 “GRANNY! NATUTULOG PA PO ANG PRINCESS NIYO!” paos ang boses na sagot ni Riz (yan ang prefer niyang nick. Malandi e. -_-).

 “ANONG PRINCESS?! WALANG HIYA KA TALAGA! LALAKI KA! WAG KA NGA MANGARAP! GUMISING KA NA DIYAN! Darating na dito ang fiancée mo maya-maya lang.”

 “HUWAAAATTT?!!! Please granny, wag niyo na naman po ipilit ang fixed marriage na ‘yan! Andyan naman si Zielon para tumupad sa wishy-wish niyo e.”

 “Aba’t sino bang mas matanda?”

 “Kayo po.” Bulong nito pero narinig pa rin naman ng matandang Don.

Akin Na Lang Po Siya (ON-HOLD)Where stories live. Discover now