Chapter 4

117 4 0
                                    

(A/N: Okay, balik tayo sa araw ng may bumisita sa mansiyon ng Gutierrez. :) Ang araw ng pagdating ng fiancée ni Riz.)

AJ’s POV

 

 

 Grabe lang, sobrang karangyaan ang makikita sa mansiyong ito. Alam ko namang Don siya pero iba talaga pag nakita mo mismo ang tahanan nila.

 Saan ako ngayon? Sa langit. :D Siyempre joke lang. ^_^ Nandito ako sa marangyang mansiyon ni Don Martino Gutierrez.

 Paano kami nagkakilala?

 Eto flashback a year ago…*

Nagta-trabaho na ako noon sa ospital na kasalukuyang pinapasukan ko.

 

Hospital.

 Ang busy na naman namin, paano, kali-kaliwa ang sinusugod ngayon, yung totoo? Sabay-sabay ba nagpa-plano ang mga taong ‘to ng maaksidente at magkasakit? Pero joke lang yun. ^_^

 I know my duty, to serve people whole-heartedly. Nuxx :)

 Public hospital lang ‘tong sineserbisyuhan ko, dati nagbalak ako lumipat sa private, para naman tumaas ang salary ko, ang hirap pa naman ngayon ng buhay.

 Kaso nga lang, ewan ko, na-attach ako sa hospital na ‘to, actually sa lahat ata ng public hospital na nabibisita ko kapag nagre-relieve kami sa mga in-need na hospital at kulang na kulang sa tao.

 Parang yung obsession lang ng kapatid ko sa mga bata sa ampunan? Ganun, nasa dugo na ata namin ang charity e. :D

 Si Ednel, volunteer naman yun lagi sa Red Cross, o di ba? Kami ng mababait na magkakapatid. :D

 Siguro kasi, maranasan mo ba namang mawala lahat sa inyo e, hindi ka ba makakaramdam ng kirot pag nakakakita ka ng mga taong hirap at ikaw e kaya mo namang makatulong pero walang ginagawa?

 Hindi man namin napag-uusapan ‘tong magkakapatid, pero alam ko, lahat ng ginagawa namin ngayon sa mga buhay namin, na all are positive naman, as of now, sigurado akong dahil ‘to sa mga napagdaanan namin.

 At masaya naman kami ngayon kahit wala na kaming magulang, basta kumpleto kaming magkakapatid.

Akin Na Lang Po Siya (ON-HOLD)Where stories live. Discover now