Prologue

137 5 2
                                    

PROLOGUE

 “Hindi ko na po talaga alam ang gagawin ko. *sob* Nahihirapan po akong pumili. *sob* Mahal ko po siya, mahal na mahal. Pero paano na lang po? Paano?”

 “Hindi naman Siya magagalit sa’yo kung susubukin mo rin mahalin ako. Subukan natin, subukan natin..”

 At nakita ko siya, lumuluha gaya ko.

--

 “HOY! Baklang to! Akala mo nakakatuwa ka pa ha? Pwes, para sabihin ko sa’yo, pagod nakoooo! PAGOD NA KONG HABULIN KA PA!! AYOKO NAAAAAAA!!”

 “HOY KA DIN! DESPERADANG EBA! ABA’T AKALA MO GANUN NA LANG YUN? HINDI, HINDI PWEDE, HINDI MO KO PWEDENG IWANAN, MALANDI KA! MATAPOS MO KONG AKITIN, MAG-IINARTE KANG GANYAN?? ABA NAMAN, TEH! MAHIYA KA ‘NO! HALA, TARA DITO, SINASAGOT NA KITA!!”

--

 “Haay, naku. Ang lalaki ng problema nila. Bakit di na lang nila ako gayahin? Peaceful ang buhay. Walang pino-problema. Problema lang talaga yang pag-ibig na yan, tsk.”

 “Then you’re not that problematic huh? Pwes, edi bibigyan kita ng sakit sa ulo.”

 “At sino ka naman?” Tanong ko sa babaeng nagtatago sa dilim, pero pamilyar sa’kin ang boses niya e.

 “Ahm, ang magbibigay sa’yo ng sakit sa ulo. Stefani Johannes, at your service. *wink*"

Akin Na Lang Po Siya (ON-HOLD)Where stories live. Discover now