[42.1] Tagaytay Escapade

516K 10K 2.5K
                                    

[42.1] Tagaytay Escapade

***LATER THAT DAY

KAYE ANNE'S POV

"Kaye, nandyan na si Austin sa baba."

"Sige po, Yaya Vera. Just a minute."

Tinignan ko ulit yung mga dadalhin kong gamit for our Tagaytay trip. Meron na akong dalang 3 pairs of clothes, girly stuffs, Ipad, phone and of course, my wallet. Pupunta kasi kami ni Austin sa Tagaytay, weekend getaway lang. Yun kasi yung napagplanuhan nina Kurt para raw malayo muna si Gail sa stressful place of Manila. According to their plan, tatangayin raw nila Chloe si Gail papunta dun tapos susunod nalang ang X10... Surprise kuno. At kung bakit hindi ako sumabay kina Chloe papunta dun, well, kasabay ko kasi si Austin.

Kung bakit si Austin ang niyaya ko? Let's say, I'm helping him to prove himself the new him. At saka, sabi ng X10, yayain ko raw si Nathan na sumama... Eh sa ayaw ko nga na nandyan siya sa tabi-tabi kaya nagpalusot ako na busy yun sa girlfriend niya at yung kaibigan ko nalang ang yayayain ko. At first, ayaw pumayag ng X10, kasi nga maarte yung mga yun pagdating sa mga tao (Ang gusto nila ay close friends na), pero dahil sa makulit ako, napapayag ko naman sila.

Nang masigurado kong kumpleto na ang mga dadalihin ko ay bumaba na ako. Muntik ko pang makalimutan yung gift ko for Gail's baby shower. Yeah, baby shower to be held in Tagaytay. Nakita ko pa si Austin na nakaupo dun sa sofa. Nung makita niya ako ay nginitian ko siya, siya naman ay tumayo na at sinalubong ako dun sa hagdan.

"Hello, Kaye Anne..."

I smiled, kinuha niya yung hand bag ko. "Tara na, Austin? Baka kasi matraffic pa tayo on the way."

"Pwedeng dumaan muna tayo sa mall?"

"Bakit? Ano'ng gagawin mo dun?"

He smiled widely, "Masayang mag-foodtrip habang nagroroadtrip."

"I know right!"

Dito naman kami nagkakasundo ni Austin. Parehas naming bestfriend ang foods.

***

Dumiretso na kami sa isang mall, malapit sa subdivision namin. Medyo maraming tao ngayong araw, Sabado kasi. Nakakatuwa lang kasi maggogrocery na naman ako! Wala lang, taga-kain lang kasi ako, hindi naman ako yung namimili. Bwahahaha.

Pagkapasok namin sa Hypermarket ay kumuha na si Austin nung pushcart. Yan naman ang favorite ko eh, yung tagatulak ng cart. Ang cute kasi.

Nagsimula nang itulak ni Austin yung cart pero inagawan ko siya.

"Austin, ako nalang magtutulak."

"Ako nalang, Kaye Anne. Ikaw nalang yung kumuha ng bibilhin natin." Sabay tanggal niya ng dalawa kong kamay sa handle.Tinabig ko naman siya at tinulak na ang cart.

"Ako nalang... Malay ko ba kung anong bibilhin mo..."

"Kung anong gusto mo, bilhin mo..."

"Huwag mo kong tanungin kung anong gusto ko, baka 'di mo kayanin." And then I showed him my challenging smile.

Tumawa naman siya ng mahina. "Sige lang, pumili ka lang ng pumili. Libre ko!"

"Baka mabutas wallet mo 'pag binili ko yung gusto kong pagkain..." Tumingin ako sa paligid. Nasa aisle pala kami ng mga cupcakes. "Hindi ako choosy sa pagkain..."

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Where stories live. Discover now