[42.1] Tagaytay Escapade

Start from the beginning
                                    

"Sige na, kuha ka na."

I looked to him unbelievingly, "Seriously?" He nodded. "Hati nalang tayo sa bill..."

Umiling naman siya. "Ako ang magbabayad."

"Eeeeh!"

"Ako nalang talaga...."

"Ikaw na nagtutulak ng cart, tapos ikaw pa magbabayad? Swerte ko naman yata nun..."

Tumawa na naman siya tapos ay pinisil niya yung pisngi ko. "Worth it naman eh, basta ikaw..." Tapos inayos niya naman yung bangs ko. "Ako nga ang maswerte eh, kasi kasama kita."


OH MY... Gosh! Weg ke nge! Kinikilig ang pisngi ko dun eh!

I elbowed him jokingly. "Austin, 5% added..."

"50% na?"

Tumawa lang ako tapos ay naglakad na sa aisle, kunwari namimili na ng cupcakes pero ang totoo.... Uwaaaah! Nagsosomersault ang internal organs ko. Austin naman kasi eh!

Almost 45 minutes din yata kaming nag-grocery. Nakakatuwa kasi nagkakasundo kami ni Austin sa pagpili ng pagkain. Gaya nga ng sabi niya, siya yung nagbayad ng pinamili namin. Good for 2 days yun, kasi hanggang bukas kami mag-i-stay sa Tagaytay. What if si Nathan yung ininvite ko noh? Tapos sinama niya si Chelsea... Tapos, maglalambingan at maghaharutan sila sa harapan ko... Tapos, ako naman nakatitig lang sa kanila... Tapos... Tapos... Tinapos ko ang buhay ni Nathan dahil sa sobrang inis ko!

Yan po ang mga 'what ifs' na nabubuo sa utak ko kaya 'di siya ang ininvite ko.

Ayos ng si Austin ang sinama ko, tutal naman, kumportable na akong kasama siya. And to tell you guys honestly, yung about sa percentage na sinabi ko. Sinabi ko lang na 45% na siya kasi.... Wala lang... Nakikita ko kasi yung effort ni Austin. Napapasaya niya ako, tapos pakiramdam ko sobrang special ko sa treatment niya sa akin. Special treatment na hindi pangfriendzone kagaya ng iba dyan.

Kakalabas lang namin ng Hypermarket at papunta na sa exit nang biglang higitin ni Austin yung wrist ko. Pagtingin ko sa kanya, nakita kong nakatingin siya sa Pizza Hut. He looked at me and gave me a 'Wanna eat?' look.

"May pagkain na tayo, Austin..."

"Masarap kumain ng pizza eh." Yung boses niya parang nagpapaawa. Cuuuuuuuute mo Austin!

"Mauubos na pera mo..."

"Magwiwithdraw nalang ako. Ano, gusto mo kumain?" Sabay ngiti niya sa akin ng pagkagwapo-gwapo. Minsan napapaisip ako eh, malakas din kumain si Austin but you know what? Nagtataka ako kung saan napupunta ang fats niya.. Kasi ako, sabi nila sa pisngi ko raw.

"Libre ko nalang... Tutal naman, nagke-crave na rin ako sa pizza." Napatingin ako sa katawan niya. No malice ha? Napakabuff ng katawan niya. Tingin ko naman, wala siyang unwanted fats. At malay ko ba, baka may abs din siya. Aaaaaaaaaabs!

"Ayoko... Ako na manlilibre."

"Ako na..."

"Ako na..." Pumunta na siya sa likuran ko tapos ay hinawakan niya ang balikat ko sabay tulak papasok ng Pizza Hut. Wala naman masyadong kumakain kaya hindi na kami nahirapan na humanap ng table. Tataba lalo pisngi ko nito 'pag kasama ko si Austin. Lol.

Magkaharapan kami ni Austin ng pwesto sa table. Nilapitan agad kami nung waiter at binigay yung menu' pero hindi na yun tinanggap ni Austin kasi alam niya na yung order niya. Madalas siguro siya kumain ng pizza kaya kabisado na niya yung menu'.

"Kaye Anne, ayos lang ba talaga na kasama ako dun?" Yung boses niya, parang worried.

"Ano ka ba, mababait sila. Ayos na ayos yun!"

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Where stories live. Discover now