"Anooo?" atat na tanong ni Beth
"Bakit gabing-gabi na nasa kalsada pa ako. Puta ba daw ako?" sgot ni Io na may namumuong luha na sa gilid nang kanyang mga mata "Puta ba ako Beth?" tanong nito
"Gaga! Ikaw 'tong naturingang may mas utak sating dalawa tapos ako pa tatanungin mo niyan! Malay ko ba kung anong ginagawa mo sa gabi, baka nga nagpuputa ka?" sagot ni Beth "Saka bakit ka masasaktan kung hindi din naman pala totoo, kung hindi ka naman pala talaga ganun? 'Di ba? Tama ba ako?" dagdag pa nito
"Tama ka! Hindi nga naman ako puta! Pero ang sakit lang kasi parang ganun yung tingin niya sakin. Hindi ko matanggap, dun ako nasasaktan!" sabi ni Io kay Beth habang unti-unti nang pumatak ang luha ni nito sa kanyang pisngi
"Io! May point naman din si Heinz sa sinabi niya. sinong matinong babae ang pupunta sa bahay nang lalake sa ganoong kadelikadong oras nang gabi. Paano nga din naman kung mapahamak ka? Kung may ibang lalaking humablot sa'yo? Ending isa ka nang puta! Yehey!" pagbibiro ni Beth habang nakataas ang dalawang kamay "Echos lang. Pero hinde mo nga ba naisip yung mga bagay na yun?" pahabol ni Beth
"Hindi kasi nga nasaktan ako sa salita niyang yon atsaka 'di ba nga may gusto akong malaman sa kanya?" sagot ni Io "Pero Beth bakit ganun? Hindi ko siya magawang matanong? Hindi ko siya magawang komprontahin at malaman sa kanya ang totoo" malungkot na tanong ni Io kay Beth
"Hayy naku. Kung hindi mo naman pala din kaya na alamin sa kanya ngayon, antayin mo na lang na siya mismo ang magsabi sa'yo" sagot ni Beth sabay higa sa kama niya
"Huh? Ee paano yung nararamdaman ko ngayon? Ipagsasawalang bahala ko na lang?" naguguluhang tanong ni Io "Kahit na alam kong may something nga at posibleng tama ka sa mga sinabi mo, sa mga nalaman niyo? That I'm not the only one T_T" dagdag ni Io
"Ano ba? Mahal mo pa din naman siya 'di ba?" tanong ni Beth "Kung ano sa tingin mo ang tama yun ang sundin mo. Pero hindi ibig sabihin na tama ang sinabi ng puso mo, tama na din ang desisyon nang isip mo. Timbangin mo ang bagay-bagay Io. Mahirap kapag puso lang parati at ganun din kapag isip lang din" sabi ni Beth habang nakatingin kay Io nang diretso dahil gusto niya na tumagos ang lahat ng kanyang sinasabi dito "At the end of the day, ikaw pa din ang magdedesisyon ng lahat ng bagay sa buhay mo Io. Pero sana siguraduhin mo na yung mga desisyon mo ay yun talagaang sa tingin mo ang nararapat gawin, dahil wala kang ibang sisihin kundi sarili mo lang din" dagdag pa ni Beth
"Anong gagawin ko kapag nakita ko siya? Anong ikikilos ko? Itratrato ko? Mga sasabihin ko?" nag-aalalang tanong ni Io
"Maging normal ka. Umakto ka na parang walang nangyari, na ayos pa din ang sa inyong dalawa. Itrato mo siya na parang wala kang nalaman na hindi mo pa din naman nakukumpirma ang bagay na yun. Sabihin mo sa kanya yung mga sinasabi mo sa kanya dati. In short, mahalin mo pa din siya gaya ng dati, partida, pag ginawa mo yan makokonsensya yun at siya pa mismo ang magsasabi sa'yo" sagot ni Beth habang nakapikit na ang mga mata "Act like his girlfriend, not his wife" pahabol ni Beth
"Ano? Bakit naman ako aastang asawa? Hindi namn niya ako fiance 'di ba??" naguguluhang tanong ni Io
"Hayy naku. Ang talino sa mga subjects, bobo sa pag-ibig! Mag-aral ka na lang wag ka nang magboyfriend!" pilosopong sagot ni Beth "Ang ibog kong sabihin dun ay be a girlfriend. Be sweet, be loving, be caring at ang huli sa lahat be daring. Yan ang katangian nang isang girlfriend. Wag kang magpaka-wife na caring nga pero over-protective naman, loving nga pero sagad sa buto ang selos, sweet nga pero paranoid naman, daring nga pero wala nang thrill, at ang pinakahuli sa lahat 'wag kang nagger. Ayaw ng mga lalaki sa nagger!" litanya ni Beth
"Oh, I see! Thanks bessy. Alam mo hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala kang hayup ka! Si Nesh kasi busy sa love life niya, buti pa siya walang problema" sabi ni Io sabay yakap kay Beth
"Io, walang forever! At kung meron man, it's a choice between the two of you" pagkokontra ni Beth "Tara na! Matulog na tayo, inaantok na ako!" suggestion ni Beth
"Ok bessy ^_^ Thank you" sagot ni Io sabay talukbong nang kumot "Ayy I forgot, love you bessy" dagdag pa nito
"Good night. Love you too" sabi ni Beth at tuluyan na ngang nakatulog ito
Tahimik lang na nakatingin si Io sa kisame sa kwarto ni Beth. Paulit-ulit niyang dinadama ang lahat ng sinabi ni Beth, ang mga payo at ang mga linya ni Beth. Naisipan niyang kunin ang kanyang cellphone para padalhan nang text ang taong dahilan nang kanyang pagiging malungkot ngunit sa kabilang banda ang nagdadala nang ngiti sa kanyang mga labi
To: BebeKo
Kauwe n ko. Gudnyt bebeko
Sent!
"Tama naman siguro 'tong ginagawa ko 'di ba? I'm acting like his girlfriend and not his wife sabi nga ni Beth" bulong ni Io sa sarili sabay pikit hanggang sa nakatulog na nga ito
Heinz's POV
"Boguz. . Uuwi na kami ni Biboy" sabi ni Ping
"Ohh. . . ge lang!" sagot ko. Ang sakit nang ulo ko ngayon! Fvcking Hangover!
"Gumising ka na daw pre. Kakaalis lang ni Harvey. Saka kanina pa ring ng ring yung cellphone mo" sabi naman ni Biboy sabay sara ng pinto sa kwarto ni Heinz at tuluyan na ngang umalis
"Ohh-oo. . n-naaa" sigaw ko dahil masakit pa nga din ang ulo ko at bumalik na lang ulit sa pagtulog
- - -
Hapon na nang tuluyan akong magising at agad akong dumiretso sa kusina para umiinom ng malamig na tubig para kahit papaano ay maibsan ang aking hangover
"Whoa!! Potaa. ." sabi ko pagkatapos ko uminom sa pitchel nang malamig na malamig na tubig. Pumunta ako sa sala at binuksan ang TV. Nagulat ako sa oras na nakita ko sa TV, mag-aalas sinco na pala ng hapon. Bigla kong naalala na may lakad pala kami ni Karin ngayon. Dali-dali akong umakyat sa aking kwarto para kunin ang cellphone ko pati na din ang aking charger. Nang makarating na ako sa sala ay agad akong naghanap ng pwedeng saksakan nang charger ko
Nang maisaksak ko na nga iyon sa saksakan ay agad ko itong binuksa. Ang daming text at tawag na nakita ko ngunit isa lang ang ikinagulat ko na nakatanggap ako nang text, at yun ay kay Io
From: Io Raja
Kauwe n ko. Gudnyt bebeko
Dahil dun ay nakalimutan ko ang mga mensahe ni Karin na agad kong pinagbubura. Isa lang ang sumagi ngayon sa isip ko, maling ilihim ko pa ang tungkol kay Karin. Mas masasaktan ko lang siya kung ganun pero ayoko pa din na mawala siya saken dahil mahal ko na din siya. Pero ewan ko ba naguguluhan pa din ako sa kung ano ang magiging final decision ko
Isa lang ang gusto kong mangyari. Habang hindi pa din ako siguro sa kung ano ba ang samin ni Karin, ayokong mawala ang kung anong meron samin ni Io
"Hayy. . . Bahala na!!"
--- END OF CHAPTER 29 ---
(A:N) Yeeeyy!! Nakapag-update na ulit for the 2nd time this week!! Continue reading and voting pati comment na din kayo. Enjoy readers and followers ^_^
VOUS LISEZ
Infinite Loop (on Going)
Roman d'amour*THIS IS SOMEWHAT BASED ON A TRUE STORY* the names of the characters in these story is altered so no names of anyone whom I know or you know is in it PRIVACY WISE :)
Chapter 29
Depuis le début
