Thank You, Lord. You never failed on guiding me to the right path. I love You!

“Tito, anu-ano po ba papuputukin natin mamaya?”

“Naku Dan, hindi uso paputok dito sa bahay.” Feel at home na nga, feeling close din sila sa parents ko, and that’s what I love about them. Ramdam mong kapamilya/kapuso/kapatid/kabarkada mo talaga sila.

“Tito naman, siyempre sa labas tayo ng bahay magpapaputok.” Nagtawanan sila in fairness.

“Pilosopo ka talaga Matt!” Asar ko sa kanya habang kinakargahan ko ng juice ang mga baso nila. Strawberry, PF’s favorite.

“May batas po ba na bawal magpaputok dito sa subdivision niyo?”

“Wala naman anak,” yeah, parang anak na rin turing nila kay bes Kate ko. “Alam mo naman, ‘strict ang parents ko’,” malaki at mababang boses na asar ni papa pertaining to mama.

“Narinig ko ‘yun!” Ha-ha, lagot ka pa.

Aba’t to the rescue pa ‘tong si kuya Dan. “Ahhh, tita, baka naman po pwedeng magpaputok kaming ‘big boys’.”

“Hay naku, mamaya wala pang alas-dose kulang-kulang na mga daliri niyo.” Si mama-rawr, mama terror. Haha. When it comes to us, from head to toe ang care sa amin niyan ni papa. Kaya hanggang ngayon feeling ko baby girl pa rin nila ako, na-eenjoy ko naman pero minsan OA na rin. Still, I understand her. I’ll become a mother someday.

“I’ve been doing it since I was 10. Uso po sa amin ang paputok. Mga simple at safe na paputok lang naman po if ever payagan niyo po kami…please?” Sa puppy eyes ba naman ni Matt…medyo weakness ni mama ang mga foreigner. Naku, nagkakandarapa nga ‘yan kay Zac, aagawan pa ata si Kate.

Hmmm, ang itsura  ni mama, navavibes kong positive ang sagot kahit bitter ang face. “Ok, ok, ok, bahala kayo.” Yey!

“Talaga???” Asus, wagas maka-sparkle ang mga mata ni papa. Nilapitan niya si mama sabay hug. “Thank you,” kiss sa left cheek. “Thank you,” kiss sa right cheek. “Thank you,” kiss sa noo.

“Okay! Tama na ma-pa, nakakaumay!” On the other side, ang sarap nilang tignan na ganyan sila. Kahit may teenager na sila, PBB teens pa rin ang peg. Ang sweet.

How about you, Nick?

Oyeah, siya na naman ang naiisip ko. Eh paanong hindi? 2 weeks straight na kong walang contact sa kanya and that includes Christmas. Hindi man lang siya nag-text, or tumawag, or maski FB message man lang. Ni hindi nga siya nagbubukas ng FB ngayon. Minsan iniisip ko na lang nasa Mt. Apo siya, malayo sa kabihasnan. Tss.

Halos hindi ko na naramdaman ang oras. Busing-busy si papa sa pag-iihaw. Si mama naman todo halo sa tsokolate na pinakaabangan ng dalawang kapitbahay namin, yearly tradition na ‘yun. Todo paputok sina Matt at kuya Dan ng kwitis habang unli-lusis kami ni Kate.

“10…9…8…7…” Lahat kami sumisigaw, ngayon lang nag-ingay ng ganito ang bahay namin.

“6…5…4…” Yep, it’s almost twenty-thirteen.

“3…” WAAAAAAAAAAAA!!! My heart skipped a beat. And I was like… o_O Pero in fairness, kinilig ako, hinawakan niya ‘yung kamay niya. Ni Matt…ni Kate.

Sh!t. Too early Matt! I need to do something. Tumabi ako kay kuya. Sabay kuha sa kamay niya at itinaas ko.

“2...1! HAPPY NEW YEAR!” Tinignan ko ‘yung dalawa, itinaas din nila ‘yung kamay nila at kinuha ni kuya Dan ‘yung kamay ni Matt. Whew. Safe.

Ang saya lang talaga namin. I don’t regret my decision na dito sila mag-bagong taon. Siyempre, kain-kain din. Bidang-bida sa sarap ang tsokolate ni mama.

Hearts UnlockedWhere stories live. Discover now