" Wow, sumagot siya."

" Oo nga, siguro nachachallenge siya kaya ganoon."

" Bumalik na ang math wizard, girls."

Manghang manghang sabi ng mga kaklase ko. Math wizard pala ang unggoy na 'to. Bakit 'di halata sa mukha n'ya? Wizard? Mas mukha siyang lizard na unggoy. Wala sa mukha niya ang interes sa pag-aaral.

" Himala Mr. Emperial! It's good to know na nakikisali ka na ulit sa discussion."

Really? Active pala siya sa discussion dati. Napaka misteryoso talaga ng dating ng lalaking 'to sa akin. Nahihiya naman kasi akong kausapin siya at magtanong ng kung anu-ano. Baka kung ano pa ang sabihin niya. Ayoko din naman na magtanong sa iba tungkol sa kanya dahil baka isipin na interesado ako sa unggoy na 'yon.

" That question was easy," sabat n'ya na akala mo ay tamad na tamad sa buhay. Napangiti pa ang iba at kinilig. Kumunot ang noo ko, ang yabang niya talaga.

Pasimple ko siyang nilingon, nilngon niya din ako at tumungo siya like saying 'Anong tinitingin tingin mo dyan'. Tinaasan ko lang siya ng kilay at humarap na ulit sa whiteboard.

" Hey." malumanay at mahina niyang sabi.

Muntikan na ako mapatalon sa kinauupuan ko. Nagulat ako sa biglaang paglapit at pagsalita niya sa likuran ko. Ang hilig talaga mang gulat nito, pero hindi ko padin siya nilingon.

" I won't let you win sadist." bulong niya at tonong nang-aasar.

Kaya pala siya sumagot para hindi ko makuha 'yong point sa recitation. Ang husay nitong lalaking 'to sa pang aasar. Hinawakan ko ang kunot kong noo at binabanat iyon. Mabilis akong tatanda ng dahil sa lalaking 'to.

Kailangan kong sumagot ng mabilis. Hinahamon ako ng Uriahnggutan na 'to! Kumuha ako ng panibagong papel, mukhang kailangan ko lalong magseryoso. Hindi hindi ako magpapatalo sa kanya.

" Okay next equation, using substitution get the value of a and b."

Mabilis akong nagsulat at halos sumakit ang daliri ko. Mabilis ko din tinype sa calculator ang given. I can solve this less than one min. Unti nalang ... okay done!

" x=3124 y=2537."

Napapikit ako sa inis. Naunahan na naman ako ni Uriah. Sa kanya lang talaga ako naiinis kapag sumasagot.

Agatha=3

Alexis= 3

Uriah=3

Jonas=2

Nicolo=1

Tuwang tuwa ang mga tropa ni Uriah, suportado nila ang boss nila. Close fight kami nila Alexis, kinakabahan na ko at the same time naeexcite lalo.

" teta is equal to 36. 21 degree" sabay naming sagot ni Uriah. Medyo pasigaw naming nasabi 'yong sagot. Dala na rin siguro ng pagmamadali. Pinagpapawisan tuloy ako nang 'di oras.

When GANGSTERS meet the SADISTOnde as histórias ganham vida. Descobre agora