chapter 31

124K 2K 145
                                    

CHAPTER 31

Walang nakakaalam sa kung ano ang ibinulong ni Dominic kay Uriah bukod sa kanilang dalawa.

Pagkatapos nun ay dali-daling tinapon ni Uriah ang yosi at hinigit si Dominic sabay suntok kaya natumba ito sa buhanginan. Napahawak ako sa bibig sa sobrang gulat. Bigla namang nagpanic sila Chin.

"Oh no!" –Nicolo.

'Pre, pre... tama na 'yan."

Halos mangatog ang katawan ko na makita silang nag-aaway. Mas nakakatakot pa 'to kesa sa mga gulong nasaksihan at naranasan ko noon.

Ganoon ba kasama ang sinabi ni Dominic para gawin niya 'yon?

Hinawakan ni Mars si Uriah sa braso at inaawat pero nagpumiglas siya kaya nabitawan siya.

Gigil na gigil si Uriah at nakakuyom ang panga, pagkatapos ay bigla siyang umalis.

Iniabot ni Jonas ang kamay niya kay Doms para tulungan tumayo ito. Dumudugo ang labi niya. Nilapitan ko kaagad siya.

" Okay ka lang ba?" natataranta kong tanong habang sinisilip ang mukha niya. Tumango lang siya at ngumiti. "Ano ba kasi ang ibinulong mo sa kaniya?"

Parang nakaramdam din ako ng kaunting hilo dahil sa ininom ko. Mga siraulo talaga, gusto pa yata nilang atakihin ako ng sakit ko.

"Just a reminder. Ikaw, okay ka lang?" sabi niya sabay ngiti.

Reminder?

Bigla naman kumunot ang noo ko at hinampas ko siya.

" Bakit?" nagtataka niyang tanong pero nakangiti padin.

" Nakuha mo pa talagang ngumiti ah!" pagalit kong sabi. Teka, bakit ba ako nahilo kaagad? Isang shot lang naman 'yon? Siguro nanibago lang ako.

" What's happening here?"

Tanong kaagad ni Alexis nang lumabas siya sa resthouse.

Mukhang nag-worry siya nang makita si Dominic na may dugo sa labi.

" Saan pupunta 'yong si boss?" –Chin.

" Magpapalamig lang 'yon ng ulo." –Ethan.

" Hay! Huwag na kayo masyado mag-alala. Ganoon lang talaga kami maglambingan... nagsasapakan... 'di ba pre? Hahaha." Sabi ni Mars sabay tango kay Dominic.

Si Dominic din ay tumango sa kaniya tapos ay tumawa na lang din.

Bakit ganyan sila? Ang lakas ng tama sa utak. Akala ba nila biro lang ang lahat at nakukuha pa nila gumanyan.

Nilapitan ako ni Chin, tinanong kung okay lang daw ba ako, baka kasi sumpungin daw ako bigla.

Hindi ba nila alam na kinabahan ako ng sobra. Nakakainis! Lumayo muna ako sa kanila at pinagmasdan ang dagat. Hindi pa ako makarecover sa nangyari kanina. Medyo hinahabol ko pa ang paghinga ko dahil sa inis.

Ibig sabihin alam din ni Doms na ako ang tinutukoy ni Uriah na kinaiinisan niya?

Hindi naman siguro bobo si Dominic para hindi magets na ako 'yon. Besides, nag-react kasi ako sa sinabi ni Uriah, kaya halata na ako nga ang tinutukoy.

When GANGSTERS meet the SADISTWhere stories live. Discover now