CHAPTER 9
" What's the value of x to get the correct answer?" tanong ng aming teacher sa math.
Teka alam ko 'to, nag-isip akong mabuti. Kailangan kong makasagot dahil sayang ang recitation.
Nakita ko na nagsosolve na ang mga kaklase ko so I started to solve it on my mind.
" x= 17 ma'am." agad kong sagot.
" Correct Ms. Posadas, you got one point in recitation, okay, let's go to next equation."
Alam mo 'yong feeling na ikaw lang nakasagot ng tama sa math? Heaven. Iba talaga ang sayang naibibigay sakin ng Math, ito ang pinaka favorite kong subject sa lahat.
Nagpatuloy lang kami sa oral recitation, para kaming nasa game show nito. Kung sino kasi makakuha ng limang tamang sagot is exempted sa two quizzes namin.
" y= 156." medyo mayabang na pagkakasabi ni Alexis sabay tingin sakin. Magaling din pala siya sa Math. Babawi nalang ako next question.
" Ma'am ma'am! The answer is 45." sagot ng isa kong kaklase. Pero mali 'yong sagot n'ya. Sayang pero buti nalang alam ko ang sagot kaya nasagutan ko kaagad.
Yes! 2 points.
Alexis =1
Agatha=2
Nicolo=1
Nasabi ko na ba sa inyo? Medyo grade conscious din 'yang si Nicolo.
" Psh, siya na naman ang sumagot. "
" Wow galing ni Agatha."
Andyan na naman ang mga bitter and sweet kong classmates. Bakit 'di nalang kaya din sila sumagot. As of now tie na kami ni Alexis.
Alexis=3
Agatha=3
Jonas= 2
Nicolo=1
" The answer is -33.68." sagot ni Jonas, magaling din siya sa Math. 'Di na nakapagtataka kasi at his age ang dami na n'yang business. Magaling sa kwentahan.
" Wrong, no more other answer?"
Agad akong nag solve ng bago.Nalilito ako. Pahirap ng pahirap 'yong tanong.
" 34.65, I guess." Sagot ni Alexis kaso mali din, nagtry ako ng ibang method para gamitin sa problem. Napangiti ako agad ng makuha ko agad ang tamang sagot.
Magsasalita sana ako nang...
" 0. 213m." sumagot siya.
Nanahimik ang lahat , akala mo may anghel na nagsalita. Pero sa kabaligtaran.
Naunahan ako ni Uriahnggutan. Tumingin ako sa kanya kaso tinignan n'ya lang ako na parang nang aasar. Hindi ko naman siya pwede asarin dahil baka malaman na close kami, ay mali ata 'yong term ko. Simula noong pasukan ngayon ko palang siya narinig na sumagot sa isang tanong ng aming teacher.
BINABASA MO ANG
When GANGSTERS meet the SADIST
Romance[COMPLETED] Naging MAGULO ang BUHAY ko ng makilala ko ang mga MAAANGAS na to pero aaminin ko naging MASAYA ko ..may POSSIBILITY kaya na MAGUSTUHAN ko ang isa sa KANILA ? sabi sa LAW OF ATTRACTION . do OPPOSITE attracts . Ganun din kaya sa LOVE ? Thi...