chapter 25

147K 2.4K 654
                                    

CHAPTER 25

CHIN'S P.O.V.

3:20 pm na, makaalis na nga for sure nandoon na 'yon sa resto niya. Gawain ko ang pumunta kina Jonas tuwing hapon kasi wala akong kasama dito sa bahay nila Agatha, kasi pag ganitong mga oras nasa penthouse 'yon ni boss Uriah.

At tsaka sa lahat ng Glefficial siya ang pinaka-close ko, siguro dahil may pagkakaparehas kami.

Isa na doon ang target shooting, gusto ko kasi mag-aral noon, e. Tsaka masarap tumambay kina Jonas ang daming pagkain. Alam ko, hapit ako.

" Good afternoon Ms. Chin."

Oh 'di ba kabog? Kilala na ako ng guards ng resto ni Jonas.

Minsan nga napagkakamalan kaming mag-dyowa ni Dude. Pero walang malisya, close lang talaga kami. Medyo gay daw kasi ako kaya gusto niya akong kasama. Ang dami ko kasing nakakahalubilong baklalu sa club kaya nahahawa ako sa mga salita nila at pagiging masayahin.

Ang akala ko nga ay bakla 'tong si Jonas, kasi gusto n'ya kasama 'yong baklain ang ugali, pero hindi. Super straight siya tsaka astig, maangas and papable!

Ang gulo ko lang. Sabi ko walang malisya sa aming dalawa. Pero may toyo ang utak niya, minsan nakikita ko siyang kinakausap 'yong gamit at pinapagalitan kapag naiinis siya.

Nung malapit na ako sa pintuan may napansin akong isang babae na nakatayo doon , tsaka wala na ang tatlong personal bodyguards ni Jonas.

Baka nagresign na, palagi kasi niya 'yon binubugbog para makatakas e.

Ang weird naman nitong si ate naka-black suit din.

Papalapit na sana ako ng pinto ng bigla siyang humarang.

Problema nito? Kaya 'yon pumunta ako sa kabilang side pero hinarangan niya rin ako.

Anak ng tinapa! Anong drama ni ate? Bagong bodyguard ata 'to ni Jonas.

"Problema mo teh?" sabay taas ko ng kilay.

Medyo tapang-tapangan ang peg ko ngayon. Pero hindi siya sumasagot. Nice talking ah! Bahala siya harangan niya ko jojombagin ko siya... aba! marunong ako mag karate. Ang dami kong alam sa buhay basta tungkol sa bugbugan, car racing, 'yong mga tipong lapitin sa gulong Gawain. Wala eh, ganoon talaga ko. Gusto ko maaksyon ang buhay.

Hahawakan ko na sana ang doorknob nung bigla niyang sinanggi ang kamay ko kaya naman dalidali ko ginamit ang isa ko pang kamay para buksan ang pinto pero masyado siyang mabilis.

" Aba ... Sinusubukan mo ko ah."

Pagkasabi ko noon binanatan ko kaagad siya ng karate skills ko. Sinabi ko naman sa inyo marunong ako magkarate. Sinipa ko siya pero hindi ganoon kalakas. Tsk! Wala pala 'to eh.

Pero bigla na lang siyang gumanti at ginamitan din ako ng karate.

Walanjo! Marunong din pala siya. Napangisi nalang ako. Mapapabalaban ako ng wala sa oras nito.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon