chapter 58

106K 1.7K 230
                                    

CHAPTER 58

Napaisip bigla si Uriah sa kung sino ang taong nasa loob ng kwarto. Ngunit may kung ano pang bagay ang gumugulo sa utak n'ya. Bago pa siya tuluyang tumayo at pumasok sa kwarto ay naglakas-loob na siyang magtanong.

" Zeus, pwede po bang 'wag na nating idamay ang anak ni Brahmin..." napahinto si Uriah saglit dahil nag-iba ang tingin sa kanya ni Zeus. " Kung mapatunayan mang Black Apocalypse ang gumawa n'yon ... sila Brahmin na lang ang gantihan natin, 'wag na nating isali ang iba."

Kinuha ni Zeus ang bote ng alak at muling nagsalin sa baso n'ya .

" Gusto mo na siya? Bigla atang lumambot 'yang puso mo."

Tumingin lang si Uriah sa kanya ngunit hindi ito umimik. Sa titig ni Uriah alam na n'ya kung ano ang isasagot nito.

Napainom nang kaunti si Zeus at nag-iisip nang mabuti. Nagdadalawag-isip siya kung pagbibigyan ba si Uriah.

" She's not the subject here, sapat na 'yong mga paghihirap n'ya dati. Kaya wala ng sense kung idadamay pa siya since nandito na rin naman na si Brahmin."

Lakas loob na sinabi 'yon ni Uriah at alam n'ya din na maaari siyang pagbigyan sa hiling dahil alam niyang kailangan nila ang isa't-isa.

Kailangan n'ya si Zeus para makapaghiganti at kailangan siya ni Zeus para sa mga illegal transactions nito. Kapag si Uriah na ang mamamahala ng shipping company ay madali nang mailulusot ni Zeus ang pag-byahe ng mga illegal na bagay.

" Ngayon pa lang magsisimula ang tunay na laro Uriah. Let's talk about it later pagkatapos ng gagawin mo, baka magbago ang isip mo pag nakita mo na ang nasa loob ng kwarto."

Tumayo na si Uriah at nagbow kay Zeus, lumakad na siya papunta sa pintuan.

Naging palaisipan sa kanya kung sino ang nasa loob, inihanda na n'ya ang sarili sa kung sino ang makikita n'ya.

Bago pa siya tuluyang makapasok ay nagsalita ulit si Zeus.

" Just take your time son. Mag-uusap ulit tayo tungkol sa mga plano."

Hinawakan na ni Uriah ang door knob, pinihit na n'ya ito at dahan-dahan na binubuksan ang pintuan. Madilim, tila walang bintana ang kwarto. Pumasok na siya at sinara na ang pinto.

Kinapa n'ya ang switch ng ilaw sa dingding. At sa pagsindi ng ilaw doon tumambad sa kanya ang sorpresa ni Zeus.

Nasopresa siya sa kanyang nakita, nanatili siyang nakatayo sa pwesto at pinagmamasdan ang taong 'yon. Hindi n'ya inaasahan na makikita n'ya ito dito.

Tiningala ng taong 'yon ang kanyang ulo para tingnan kung sino ang pumasok. Doon nakita n'ya si Uriah na nakatitig sa kanya. Nakaramdam ito ng kaba sa kung ano ang pwedeng gawin sa kanya nito.

Dalawa lang sila ngayon sa kwarto habang nakatali pataas ang dalawang kamay at nakatayo.

" Hahaha... this is s*ck. Are you happy to see me?" napatawa na lang siya habang seryoso siyang tinitingnan ni Uriah. Tila pinapahalata niyang hindi siya natatakot.

Habang si Uriah naman ay dahan-dahan na sinasara ang kamao at madaling naglakad papunta sa taong nakagapos. Nang makalapit siya ay agad n'ya itong binigyan ng malakas na suntok.

Hinigit n'ya ito at tinignan nang matalim. " Tama ka, sa sobrang saya ko gusto kitang patayin."

Nakipagtitigan lang din si RC sa kanya nang masama at nagmamatapang. Kaya naman sinapak siya ulit ni Uriah.

" Makakalabas ka dito sa kwarto 'wag ka mag-alala... depende nga lang sa'yo kung mailalabas ka ng buhay o mailalabas ka ng patay. Kaya sagutin mo lahat ng tanong ko." Galit na sabi ni Uriah, napatingin ito sa kaliwang kamay ni RC na may tattoo at doon nakumpirma niyang miyembro talaga ito ng Black Apocalypse.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon