chapter 48

108K 1.7K 101
                                    

CHAPTER 48

AGATHA'S P.O.V.

Sunday morning ...

Kahit puyat ako at masakit ang mga mata ko ay pinilit kong gumising nang maaga. Kailangan ko magsimba ngayon.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Nararamdaman ko pa rin na namamaga pa ito.

Bago kasi ako matulog 'di ko napigilan at naiyak na naman ako hanggang sa makatulog ako. Ganoon kasi ako lagi, pag napagod kakaiyak makakatulog nalang bigla.

'yong mga sinabi n'ya... talagang nasaktan ako.

Sa dami nang tumatakbo sa isip ko parang tinatamad na ako gumalaw at gusto ko nalang ulit matulog. Parang may kung anong mabigat na nakadagan sa 'dibdib ko. Napatingin ako sa side ng kama ko, nang makita ko 'yon ay naalala ko 'yong araw na mapanalunan ko siya. Bumibigat na naman ang pakiramdam ko.

Kinuha ko 'yon at pinagmasdan. Naalala ko din tuloy ang mga nangyari noong araw na 'yon.

" Hoy minion, itatago na muna kita... tsaka na kita itatabi sakin pag okay na ako."

Itong minion na to, ito 'yong nakuha namin ni Uriah na premyo sa target shooting.

Katabi ko kasi lagi 'to matulog pati si Chuchi, pero ngayon kailangan ko na muna siyang itago.

Mas mabuti munang palipasin ko muna ang lahat. Alam kong apektado sila dahil hindi nagtagumpay ang mission. Hindi lang ako ang may problema.

Message received.

From: Dominic

'Good morning, do you feel better now? Don't think so much okay? :) Have a nice day.'

Napangiti ako kahit papaano nang mabasa ko 'yon. Hindi lahat ng tao mage-effort para itext ka sa umaga, pero si Doms talagang ginawa n'ya. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang pagiging positive padin kahit na nagfailed sila sa mission. Kakaiba siya sa lahat, talagang inborn na siguro sa kanya ang palaging nakangiti at positive sa buhay.

Bigla nalang tuloy ako may naalala ...

" Akin ka nalang ... akin ka nalang Agatha."

"Akin ka nalang ... akin ka nalang Agatha."

Biglang nawala ang ngiti ko at napalitan ng kaba. Kaba na naramdaman ko kagabi nang sabihin niya 'yon. Hindi ako nakasagot 'nyon dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin.

Pero inunahan na n'ya ako at sinabing hindi n'ya kailangan ng sagot ngayon.

Kung tutuusin maswerte ako na nandyan siya palagi sakin. Parang ang unfair ko sa kanya kasi mas nagustuhan ko si Uriah kaysa sa kanya. Ay hindi, talagang unfair ako sa kanya. Nagtataka nga ako kung bakit ganoon, e... 'di hamak na parang halos lahat na kay Doms na. I don't want to take him for granted. Siguro nga ganoon talaga, may mga bagay na mahirap intindihin at ipaliwanag.

'Good morning too :))) Medyo okay na ako. Sorry about what happened last night.'

Reply ko sa kanya.

Kumusta na kaya 'yong sugat ni Uriah? Hindi ko man lang nalaman kung bakit siya duguan kagabi. Sa totoo lang kasi, sa kabila ng mga sinabi sakin ni Uriah kagabi 'di ko pa rin maiwasan ang 'di mag alala sa kanya.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon