chapter 82

104K 1.7K 123
                                    

CHAPTER 82

Napatitig nalang ako sa kanya sabay lunok. Hindi ako makapag isip ng maayos. Hindi ako nananaginip o nag iimagine, talagang magkayakap kami.
Nagulat na lang ako nung higpitan n'ya lalo ang yakap sa'kin kaya halos maubob na ako sa dibdib n'ya.

Oh my! Grabe talaga, nawala ang antok ko bigla dahil sa gulat. Kagigising ko lang pero parang luluwa na ulit ang mga mata ko.

Ang pintig ng puso niya, rinig na rinig ko at sobrang linaw. Iba pala ang pakiramdam pag ganito kayo kalapit ng taong gusto mo 'no? Yung 'di ka makapag isip ng dapat gawin, yung magugulat ka nalang pati pag hinga mo kakaiba na.

Tiningala ko ang ulo ko para tingnan ang mukha n'ya. Lalo nanlaki ang mga mata ko nung maya maya ay tila naingayan siya sa alarm at dahan dahan din niyang iminulat ang mga mata.

Pagkadilat na pagkadilat n'ya ay napatitig siya panandalian sa'kin hanggang sa mag sink in sa utak n'ya ang posisyon namin.

Ang laki padin ng mga mata ko habang kumukurap kurap. Ganun din siya at halata sa mukha n'ya ang pagtataka kung bakit kami magkayakap.

Kaya dali dali na akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at gumulong pabalik sa kabilang side ng kama. Nanatili akong nakatalikod sa kanya ng mga ilang segundo. Ang aga aga natataranta agad ako.

Sabay kaming napabangon at tila natulala. Walang nagsasalita samin. Magkatalikuran kami ngayon. Hindi ko magawang humarap dahil namumula ako. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at pinatay ang alarm.

Nakakaloka... Paano ako napunta sa tabi n'ya. Ang awkward. Ang puso ko, ayaw kumalma.

Di kaya...

" H-hoy! Anong ginawa mo? P-paanong nangyari 'yon!" Sita ko sa kanya.

" Nothing."

" Anong nothing! Ano may bumuhat sa'kin multo para itabi sayo? Wag kang liar! Anong ginawa mo? Nakakaloka ka, sabi mo 'no hug dahil di tayo tapos pag gising ko ganoon na. Wala kang isang salita." sagot ko.Nanatili pa rin kaming magkatalikod sa isat isa.

" Abnormal."

Nilingon ko siya at hinampas ng unan.

" Mas abnormal ka!" Sigaw ko sa kanya, may sasabihin pa sana ako nung bigla siyang lumingon.

" Sa sobrang likot mo nasipa mo lahat ng unan." Sabay tingin n'ya sa sahig. Sinundan ko ang tingin n'ya kaya nakita kong nagkalat nga sa sahig ang mga unan na nakalagay sa mga pagitan namin.

" At ako, nasipa mo ko kaya nalaglag din ako sa kama." paliwanag niya. Pero nawala ng kaunti ang kunot ng noo ko, ang pogi padin niya kasi kahit bagong gising.

Tinagilid ko ang mukha ko at nag-iwas ng tingin. Baka mawindang siya sa istura kong bagong gising. Pasimple kong pinasadahan ng kamay ang mukha ko at kunwari'y inihilamos 'yon sa mukha ko dahil sa inis, pero ang totoo ay magtatanggal lang ako ng muta.

" Weh? E, bakit ka nakayakap sakin! Kala ko bawal 'yon. Tsk Tsk..." sabay tingin ko sa kanya na may pang aasar saglit.

Napangisi siya bigla, "Tss. Ibang klase... Ikaw kaya unang yumakap sakin."
Tapos yung titig n'ya kakaiba. Hindi naman siya parang nang aasar, parang sa titig n'ya ay nagsasabi siya ng totoo. Nakakainis yung tingin n'ya.

" Asa ka!" Sabay talikod ko sa kanya.

" Ni hindi nga 'ko umalis sa side ko. Ikaw ang lumapit sa'kin habang natutulog tapos niyakap mo ko."
Yung tono n'ya ngayon parang nang aasar na." Grabe ka pala mangyakap, ang higpit." aniya.

When GANGSTERS meet the SADISTWhere stories live. Discover now