chapter 87

81.5K 1.5K 83
                                    

 CHAPTER 87

"1 2 3 smile." Sabay click ng camera ni Chin.

Walang katapusang picture taking ang ginawa namin pagkatapos ng ceremony. Ang sarap sa pakiramdam na graduate ka na, nakakalungkot lang din dahil goodbye Highschool life na.

"Oh yung Valedictorian and Salutatorian lang muna." Suggest ni Nicolo.

Agad na umalis sila Demi sa tabi ko ganoon din sila Jonas na nakatabi kay Uriah.

Napatingin kami ni Uriah sa isat isa at halatang parehas na nagpipigil ng ngiti. Ayan na naman! Inaasar na naman kami.

"Closer papa U !" Nicolo, habang iniikot ang lens.

Napapikit ako ng bahagya, naiilang kasi ako sa mga nang aasar, 'di ako makagalaw sa pwesto ko kaya naman si Uriah na lang ang lumapit sakin. Pasimple n'ya akong tiningnan at baling ulit ng tingin sa harap ng camera.

"Wag na kayong mahiya! Hahaha." –Mars.

"Teka lang." pamumutol ni Doms, bigla siyang lumapit samin at akala ko sasali sa picture pero inangat n'ya ang braso ni Uriah at agad na pinatong ang kamay nito sa balikat ko. Nanlaki ang mga mata ko, napatingala ako ng unti para sulyapan si Uriah, nakita ko siyang nakahawak sa batok at hinihimas himas iyon habang ang isang kamay n'ya ay nanatiling nakaakbay sakin. Tapos napangiti na lang siya dahil sa kalokohan ng mga kaibigan namin.

Nakita ko 'yong dimple n'ya, para na naman sasabog ang dibdib ko kaya naman napakagat ako sa labi. Pinipigilan kong ngumiti baka umabot hanggang tenga.

"Okay tingin na dito!" utos ni Nicolo, binaling ko na ang tingin sa camera. "Okay 1 2 3 smile."

Pagkatapos na pagkatapos ng pagkuha ng litrato ni Nicolo ay tsaka lang ulit ako nakahinga ng maluwag. Madalas ko naman kasama si Uriah pero bakit araw araw pa din akong kinikilig sa kanya kahit nga tingnan lang n'ya ko.

Halos umabot na ng daan daan ang pictures namin, natatawa ko dahil buwis buhay pa ang iba makasama lang sa picture. Oo nga pala, may picture kami ni Uriah kasama ang Mom namin parehas. Nakakatuwa lang, gaya nga ng sabi ko noon mabait talaga ang Mom ni Uriah, 'di siya tulad ng mga mayayamang magulang na mapag mataas. Nakilala ko na din 'yong mga Mom ng ibang Glefficial pati Mom nila Faye, Nicolo and Alexis. Si Alexis nakikisama naman sa picture taking pero mamaya maya ang alis, medyo ilang pa din siya pero atleast medyo na lang.

Speaking of Mom, nasaan na Mommy ko? Kanina andito lang siya kasama namin, e.

"Chin si Mom?" sabay kalabit ko sa kanya kaso busy siya sa pag posing.

"Andyan lang 'yon." Sagot n'ya habang nakatuon ang tingin sa camera.

Umalis ako sa pwesto ko at iginala ko ang paningin ko. Marami pa ding tao dito. Pero ang pumukaw ng pansin ko ay ang kumpulan ng mga babae doon. 'di sila mga nakatoga at pagtingin ko ng maigi napanganga ako sa nakita ko.

"Agatha tara na ano bang ginagawa mo d'yan." Sita sa'kin ni Kurt sabay tingin sa tinititigan ko. "Teka...pfft! HAHAHHAHAHA!" bigla siyang natawa ng malakas kaya naman napatingin dito ang iba naming mga kasama.

"Ayos. Hahahha!"

"Oh kabog! Ansabe ng mga Madam!" –Nicolo.

Natawa na lang ako habang pinagmamasdan sila Mom, nakakaloka magkakasama lang naman ang mga magulang namin at akala mo ay nasa photoshoot.

"Oh ganito naman." Sabay nag peace sign si Mom.

"Oh I like it." sabay gaya ng Mom ni Jonas pati ng ibang Mom.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon