chapter 65

84.7K 1.4K 135
                                    

CHAPTER 65

THIRD PERSON'S P.O.V.

Patuloy lang sa pag-iyak si Chin, habang si Dominic ay nagpatuloy sa pagmamaneho at si Ethan naman ay tinawagan ang mga kaibigan para pumuntang hospital.

" Kurt! Pumunta kang hospital, nasaksak si Mars... 'wag ka na madaming tanong!" gigil na si Ethan habang kausap sa telepono si Kurt. " O kaya maghanap ka ng pwedeng mapagkunan ng dugo, A-negative."

" Ah, e oo! Sige hihingi akong tulong sa iba nating ka brod."

" Balitaan mo ko."

" Oo, ano nga ulit blood type?" Natatarantang tanong ni Kurt.

" T*ng'n* mo ka Kurt! A-NEGATIVE!"

" Oo Sige na! Alis na ko."

" Magpamali-mali ka na naman masasaktan ka talaga sa'kin!"

Pagkasabi ni Ethan n'yon ay binaba na n'ya ang cellphone at sinubukang tawagan ang iba. Halos lahat sila ay 'di mapakali at halatang kinakabahan. Mabilis naman ng nag-maneho si Dominic kaso nagka-problema pagdating nila malapit sa may intersection road.

" Malas!" Sabay hampas nito sa manibela. " Damn it ! Kung kailan pa talaga nagmamadali."

Hindi sila makausad dahil sa nangyaring banggaan, madaming sasakyan ang nakatigil kaya napilitan itong mag U-turn at mag-iba ng daan. Mapapalayo sila pero 'yon lang ang option nila.

" Chin, huminahon ka... hindi basta-basta bibigay 'yon si Mars." pilit na pinapalakas ni Doms ang loob ni Chin.

" Ma-malayo pa ba tayo? A-anong sabi ni Kurt? May nahanap na ba siya huh?"

Kahit nagsasalita si Chin ay patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Naguguluhan pa rin sila dahil 'di nila akalain na magagawang saksakin ni Uriah ang kaibigan. Sinubukan nilang tawagan si Uriah pero hindi ito sumasagot.

Mahigit kalahating oras ang inabot nila bago makarating sa hospital, pagkatigil na pagkatigil ng kotse ay agad na bumaba sila Chin at tumakbo papasok.

Kabado silang lahat hanggang sa makita nila si Kurt na nakasandal sa pader at nakayuko.

Unti-unti silang napatigil na tatlo sa pagtakbo at nanatiling tahimik habang hinahabol ang paghinga nila.

" Kurt..."

Mahinahon ang pagkakatawag ni Ethan. Napalingon naman si Kurt at doon nakita nila na para itong umiiyak at namumula ang gilid ng mata.

" Ano nang nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Dominic. Nanatiling nakatitig sa kanila si Kurt hanggang sa tuluyan na rin tumulo ang luha nito. Yumuko lang ulit ito at 'di nagsalita.

Nang makita yon ni Chin ay unti-unti itong nanghina, sa reaksyon na nakita nila kay Kurt nakukutuban na nila kung ano ang nangyari.

Natahimik lang sila Dominic at Ethan at hindi magawang tumingin kay Chin.

" Okay na siya 'di ba?"

Nakangiting tanong ni Chin kay Kurt, kahit sa loob-loob n'ya ay alam niyang wala sa reaksyon ni Kurt na okay na nga si Mars. Pilit ang ngiti n'ya habang tumutulo ang mga luha n'ya.

Sinubukan ni Chin na maglakad palapit kay Kurt pero sa bawat paghakbang n'ya parang may kung anong mabigat sa dalahin n'ya.

Lalong lumakas ang pag-iyak ni Kurt at nanatiling tikom ang bibig.

Huminga nang malalim sabay napasuntok na lang sa dingding si Ethan.

" Buhay pa siya 'di ba?"

Banaad sa boses ni Chin ang panghihina. Hanggang sa unti-unti siyang napahawak sa dingding at pinipigilan ang sarili na tuluyang matumba.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon