chapter 60

97.2K 1.5K 123
                                    

CHAPTER 60

JONAS' P.O.V.

Badtrip naman tong araw na 'to!

" Nasaan na kaya si Uriah?"

Ang sikip. Takte 'yan, sa'kin pa talaga tumabi 'tong si Kurt.

Nagsisiksikan kami ngayong lima sa kotse ni Doms. Tiis tiis, dala ni Uriah 'yong isang kotse, e! Tinopak na naman 'yon.

" 'Wag ka nga sumandal sa'kin g*go!"

Kupal talaga to si Kurt, sasandal pa sa balikat ko. Nag-iinit ang ulo ko, may tama pa naman ako ngayon, halo-halo pa naman ang ininom ko kanina. Tumingin na lang ako sa labas, madilim na rin pala.

Sa byahe ay tahimik lang ang lahat, mga nakainom na rin kasi at idagdag mo pa na may nangyari kanina.

Sa totoo lang ay 'di ko inaasahan na madadakip nila si RC. Mabuti na lang talaga ay hindi kami pinarusahan ni Zeus ng malaman n'ya ang mga pinagagawa namin. The rest na usapan nila Uriah ay hindi ko na alam.

Napahawak ako sa noo ko, ang sakit na ng ulo ko. Napapikit ako saglit, naaalala ko 'yong mukha ni Uriah kanina ng kaharap n'ya si RC. Kung anuman 'yong mga sinabi ng tukmol na 'yon kay Uriah panigurado akong 'yon ang dahilan kung bakit natulala si pinuno. Kaya din siguro nagdilim ang paningin n'ya kanina.

" Nakapatay cellphone ni Uriah".

Reklamo ni Mars.

Mamaya kung ano na naman mangyari kay Uriah, sira-ulo din talaga 'yon. Kanina nang makita ko siya pakiramdam ko ibang tao ang kaharap ko kanina. Lalo na ng balakin niyang barilin si RC. Parang lalong nanaig ang galit sa kanya ng mga oras na 'yon.

" Tingin niyo tama pa ba 'tong pinagagawa natin? Gyera na 'to."

Tanong ko sa kanila. Napatingin lang sila sa'kin, habang si Doms ay tinignan lang ako sa rear view mirror. At si Ethan naman ay nanatiling nakatingin lang sa labas.

Okay. Nice talking sila.

" Sa simula pa lang wala ng tama sa ginagawa natin."

Oy sumagot si Ethan, kaso nakatingin pa rin siya sa labas. Mukhang malalim din ang iniisip n'ya lalo na ng matapos niyang kausapin sa cellphone si Agatha. Itong kupal na 'to kahit 'di siya nagsasabi nararamdaman namin kung gaano siya nag aalala para kay Agatha.

" Paano bang gagawin natin para maitama ang lahat? Nag-aalala ako sa pwedeng mangyari kay Agatha." -Mars.

Ang weird. Ang plano namin ay pahirapan ang babaeng 'yon pero ito kami ngayon, naguguluhan. Oh talagang may kabaitan pang natitira samin. Hindi naman namin akalain na magiging malapit samin si Agatha. Kakaiba talaga 'yong babaeng 'yon. Biruin mo naging kapatid n'ya ang masungit na si Ethan at nagkagusto pa sa kanya si Doms at ang malupit dito pati si Uriah nahulog na sa kanya.

Kaso hindi ko alam kung anong pwedeng gawin sa kanya ni Uriah lalo na napatunayan na rin ng lalaking 'yon na may kinalaman nga ang tatay n'ya sa pagkakagahasa kay Sheria.

" Ang tanga din natin, tayo din nahihirapan sa pinagagawa natin e. Dapat kasi 'di natin hinayaan na maging close tayo kay Agatha... oh paano 'yan? 'Pag inutos na satin na dakpin si Agatha tapos pahirapan, bugbugin, igapos tapos ..... aray!"

Sabay pa kami ni Mars na bumatok kay Kurt. Pero may punto nga siya, paano 'pag inutusan na lang kami bigla ni Uriah o Zeus ng ganoong bagay... magagawa kaya namin?

Pagkatapos n'yon ay nanahimik na naman kami, parang g*go lang talaga. Pero nami-miss ko na talaga si Demi, so gay takte! 'Di lang kasi ako sanay na hindi siya kasama lagi. Ano kaya ginagawa n'ya sa bahay ngayon? 'Di man lang ako tine-text kong nasaan na ako. Ano ba namang klaseng bodyguard 'yon. Dapat updated siya sa mga ginagawa ko.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon