chapter 16

114K 1.9K 86
                                    

CHAPTER 16

" Hey! What the heck, did I tell you to sleep huh? Wake up!"

Sineswerte siya at nakuha pang matulog, nilapitan ko siya para gisingin. Kung pwede ko lang talaga siyang batukan, sipain, bugbugin kaso hindi ko kaya. Syempre babae pa rin 'tong sadistang 'to.

" Haist! Yari ka sakin pa 'di ka pa gumising!"

Singhal ko habang pabalik balik na lumalakad sa sala. Nahahawa na ata ako sa kaengotan ng babaeng 'to at nakikipag usap ako sa tulog. Pinapainit n'ya talaga ang ulo ko.

Sinilip ko ang mukha n'yang nakakabadtrip baka nagtutulugtulugan lang pero mukhang hindi.

Kumunot ang noo ko nang dungawin ko siya, hindi ba siya nahihirapan sa pwesto niya? Abnormal talaga. 'yong pwesto n'ya kasi ganito... nakadapa, 'yong mukha n'ya nakaharap sa sandalan ng couch, tapos gulo gulo pa ang buhok. Tsaka parang medyo nakakunot 'yong noo n'ya. Ibang klase.

" Zzz..."

What a talent, parang maton kung humilik.

Tignan ko lang kung 'di siya magigising pag sinigawan ko siya sa tenga, I take the best spot, umupo ako sa sahig malapit sa ulunan n'ya. Nilapit ko 'yong mukha ko sa tenga n'ya para sumabog ang eardrums n'ya.

" HOY GI---"

" Hmmmm."

Oh Shit! tumikom ang bibig ko, nanlaki ang mga mata ko, parang aatakihin ata ako, FCK! Para akong siraulo na hindi malaman ang gagawin.

Halos mapalundag ako sa gulat nang dumilat siya pero shit! Ano ba tong ginagawa ko. Bakit ganito nararamdaman ko, hindi ko magawang kumalas. Shit talaga! Sht !

This girl drives me crazy ...

MAHUHULOG PA ATA AKO SA SARILI KONG PATIBONG.

AGATHA'S P.O.V.

Kaya pala naiirita ako kanina pa... mukha na akong baliw dito sa banyo, hindi ko alam kung paano ako makakalabas. Asa naman kasi ako na bibilhan talaga ako ng unggoy na 'yon.

Buti nalang napansin ko na meron ako pag ihi ko. Parang dot palang naman siya pero much better kung may suot na ako, mahirap na matagusan. Kung itatanong niyo kung anong pwesto ko dito sa banyo ay 'wag na, nakakahiya.

Grabe ang sakit talaga. Parang pinipilipit, parang kinukudkod ng kalaykay at tinutusok ng sandamakmak na karamoy ang puson ko. Ay! ang OA ko lang, pero seryoso masakit talaga.

Hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ngayon, bakit ba kasi hindi ako nagdala ng napkin e.

" Hey! Buhay ka pa ba? Lapag ko nalang 'to dito sa harap ng pintuan. Bahala ka na."

Dali dali ako lumapit sa pinto, feeling ko nagkaroon ng himala. Hindi ko inaasahan na bibilhan n'ya talaga ako. Kaso baka pinagtitripan n'ya lang ako.

Dahan dahan ko binuksan 'yong pinto, meron nga nakita ko 'yong binili n'ya kaya dali dali ko kinuha 'yon.

" Thank you Lord!"

Iiyak na ba ako? Achievement 'to.

Pagkatapos ng orasyon sa banyo ay lumabas na ako, may bonus pa palang pain killer 'yon binili n'ya.

Napangiti ako habang tinitignan 'yon. Kahit gago pala siya maawain pa rin. To think na binilhan n'ya ng girl things ang alalay n'ya. Nakakahiya 'yon para sa kanila, pero to tell honestly natuwa ako doon. Makapagpasalamat nga...

" Nasaan na kaya si Uriah?"

Baka lumabas na naman 'yon siguro, nainom ko na 'yong gamot pero medyo masakit pa rin ang puson ko.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon