chapter 73

89.6K 1.6K 116
                                    

 CHAPTER 73

AGATHA'S P.O.V.

Napakalamig, napakatahimik at napakadilim ng dinadaanan ko ngayon pero hindi ko magawang magmadali sa paglalakad.

Pakiramdam ko ay lumulutang ako, nawawala ako sa sarili. Hinahayaan ko lang ang mga paa ko kung saan ako dadalhin nito.

Hanggang ngayon tulala pa rin ako sa mga sinabi sakin ni Alexis. Naisip ko na sana nagsisinungaling na lang siya. Kasi alam mo 'yon... nagiging malinaw nga ang lahat sa'kin pero hindi ko alam kung ano ang dapat gawin.

Hindi ko akalain na ganoon na pala ang nararamdaman sa'kin ni Uriah noon pa lang sa kabila ng pagkatao ko. Akala ko balewala lang ako sa kanya dahil masungit at lagi siyang galit sakin.

Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nandito na ako sa tapat ng bahay namin. Pagkapasok ko agad na bumungad sakin si Chuchi na halatang masaya sa pag-uwi ko.

Tumakbo siya palapit sa'kin. Pinagmamasdan ko lang siya habang patalon-talon na halatang gustong magpakarga.

" Chuchi..."

Habang pinagmamasdan ko siya'y naramdaman ko na naman na maluluha ako, hindi ko maiwasang 'di masaktan. Kung buhay lang sana si Sheria malamang mas maayos ang lahat. Malamang kasama n'ya din ngayon si Chuchi.

Pakiramdam ko inagawan ko pa ng alaala si Sheria kay Uriah dahil nasa akin ngayon si Chuchi.

Binuhat ko si Chuchi at niyakap nang mahigpit.

" Kaya ba malapit ka kay Uriah huh Chuchi? Dapat bang ibalik kita sa kanya?"

Napapikit ako habang yakap-yakap siya. Iniisip ko pa lang na mawawala sa'kin si Chuchi ay hindi ko na kinakaya. Sa totoo lang, napakalaking tulong n'ya sa'kin dahil kahit alam kong 'di siya nagsasalita at nakakaintindi, nasasabihan ko siya ng mga problema ko na hindi ko kayang ikwento sa mga taong nasa paligid ko. Dahil alam ko kahit kailan ay hindi n'ya ako ta-traydurin at lolokohin.

Binitiwan ko na siya at binaba. Feeling ko kasi hindi siya nakahinga sa ginawa ko.

" Sorry Chuchi."

Hinaplos-haplos ko na lang ang balahibo n'ya. Hindi na rin natuloy ang pagtulo ng luha ko. Bumalik ata sa loob ng katawan ko. Siguro nga... Kasi feeling ko din dehydrated na ako. Ilang araw na akong umiiyak ngayon ko lang narealize.

Ay ano ba 'tong nararamdaman ko. Nagu-guilty ako habang kumakain. Nagu-guilty ako sa ginawa ko kina Chin.

" Ang sarap pa naman ng luto n'ya."

Kinuha ko ang cellphone at tinawagan siya kaso out of coverage. Mamaya nan-rape na siya. Abnoy din kasi 'yon. Tinext ko na lang siya at sinabing bumalik na dito. Syempre nag-sorry na rin ako at sinabing 'wag na sabihin kay Mom ang nalaman at ginawa ko.

Kailangan makabalik siya dito bago makauwi mamayang madaling araw si mom. Yari ako 'pag nalaman niyang pinalayas ko si Chin.

'Pag nalaman n'ya kasi na ginawa ko 'yon ay malalaman n'ya na alam ko na ang lahat. Nagbago na kasi ang isip ko. Hindi ko na sasabihin kay Mom na alam ko na ang lahat. Ayoko na mag-alala siya. Kakausapin ko na siya at hindi na ako magtatampo sa kanya.

Maya-maya ay umakyat na ako sa kwarto ko. Masyado ng gabi pero 'di pa rin ako tulog. Hinahantay ko si Chin, e.

Habang nag-aantay ako naisip ko na naman ang Glefficial. Kumusta na kaya si Mars? Gusto ko na siyang dalawin. Kahit na ganoon ang ginawa nila sa'kin ay nag-aalala pa rin ako sa kanila.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon