chapter 11

133K 2.1K 63
                                    

CHAPTER 11

" Good eve sir. Dominic." bati sa kanya ng mga bantay. Wow, kilala siya dito. Sabagay parang parati sila nandito e.

" Hi Doms!"

"Dominic, good to see you!"

Tumatango, ngumingiti at kumakaway siya sa mga bumabati sa kanya. Sobrang dami nakakakilala sa kanya, talagang sobrang friendly niya. May mga iilang artista pa akong nakita na nakabatian niya, nakakatuwa. Hindi ako masyadong fan ng mga artista, okay na sa akin 'yong makita lang sila. Pero 'yong mapapafangirl hindi ko pa ata nagagawa iyon. Tsaka nakakahiyang lumapit sa kanila. Ang daming tao dito.

Biglang hinawakan ni Dom isang kamay ko para hindi ako mawala sa gitna ng dami ng tao. Nasa unahan ko siya ngayon at hinahayaan ko lang siyang dalhin ako. Medyo nabigla ako ulit pero napangiti nalang ako habang tinitignan ang kamay niyang nakahawak sakin. Umakyat kami ng hagdan, it's like a mezzanine, napatingin ako sa baba saglit at stand out ang kagwapuhan ni Mars sa baba na nakikipag sayaw sa mga babaeng nakapalibot sa kanya.

Napailing nalang ako pagkatapos pumasok kami sa VIP room. Teka, familiar sakin 'tong room na to e. Yeah! Dito nila ko dinala nung dinukot nila ako.

" Hey bro!" bati sa kanya nila Jonas tapos nagfist bump sila,'yon siguro 'yong batian nila. Kumpleto pala silang anim ngayon, umupo kami ni Dominic sa tabi ni Kurt. Buti pa si Kurt puro kain lang ang gusto.

" You want?" tanong niya.

" Yes! I love it." kukuha sana ko ng french fries nang magsalita si Dominic.

" Wait, pwede ba sayo 'yan? Masyadong oily 'yan."

Actually bawal siya pero unti lang naman kakainin ko. Tsaka I eat that often times wala naman nangyayari sakin. Sino ba makakatanggi sa french fries? Nginitian ko lang siya, 'yong ngiting nanghihikayat sa kanya na hayaan niya akong kainin 'to.

" Sige, but not too much okay?"

Tumango tango ako at ngumiti siya sakin. Para tuloy akong bata na hapit sa fries. Napatingin naman ako kay Uriah habang ngumunguya, nasa harapan ko kasi siya nakaupo.

Tinignan niya lang ako saglit sabay kinuha niya ang alak niya at ininom 'yon. Ang dark talaga ng aura niya. Kakaiba talaga siya tumitig.

Tuloy pa rin ako sa pagkain habang nanunuod ng mga nagsasayawan sa baba. 'yong room kasi na to tinted glass 'yong wall para magkaroon ng view sa pinaka dance area. Acoustic nga lang gaya nung sinabi ni Mars. Speaking of Mars, andito na siya at mukhang enjoy na enjoy siya kanina sa pagsayaw sa baba kanina. Si Jonas naman ang nasa baba ngayon at may kausap na babae habang nakikipag inuman sa counter.

Sa ilang linggong nakasama ko na sila masasabi kong pumapangalawa 'tong si Jonas kay Mars, hindi lang sa babae kundi pati sa kadaldalan. Minsan nga akala mo ilang metro ang layo nila sa sobrang lakas nila mag usap at magtawanan.

Pero pag dating naman sa babae mas mukhang mahinahon si Jonas, hindi siya madalas makipag physical contact unlike ni Mars. Mapapapikit ka nalang sa pinag gagawa niya. Kahit papaano ay hindi naman na ako nakakaramdam ng takot kapag kasama sila, parang nakakaramdam ako na mabubuti naman silang tao kahit hindi sila ganoon ka-showy.

When GANGSTERS meet the SADISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon