HaveYouSeenThisGirL Stories ♥

14.9K 57 9
                                    

Dahil hindi ko alam kung saan mag-uumpisa ito na lang ang una kong maisasuggest. Ang 'Diary ng Panget', ang pinaka una kong nabasang story dito sa Wattpad. Ito ang nag-udyok sakin para maging addict sa pagbabasa dito sa Wattpad!!!!

DIARY NG PANGET 1&2

Anyways, worth reading talaga yan! Maybe, some of you nabasa na ang mga stories nya. Syempre naman! Ang ganda ganda ng mga stories ni Ate Denny :'> Yung Diary ng Panget 1&2 and fortunately meron ding Season 3 ay super err' nakakakilig and nakakatawa! Prologue pa lang hahalakhak ka na! (di ako magpapaka Spoiler!) si Eya at si Cross ang bida na palaging nag aaway at si Eya na palaging tingin sa sarili ay pangit ay nainLOVE sa isa't isa. Basta maganda yan! 2 years ago ko na syang nabasa twice ko na din sya nabasa and napaka fresh pa din sa isipan ko yung katatawanan na iniwan sa isipan ko ng istoryang yan! Pati na yung tinanong ni Chad kay Eya na kung anong time na tapos sabi ni Eya oras na para mahalin na daw sya!! HAHAHAHA! Yung Pepper Spray- Cookie Monster yang yung mga salitang tatatak sa isipan mo!

***

SHE DIED

AY NAKO! Thumbs up talaga ako sa She Died ni Ate Denny napaka daming aral na matututunan. Sana nga lahat na lang tayo masubukang basahin at matapos yun! Panigurado mabubuksan yung isipan ng bawat isa sa atin. Yung story kasi ay umiikot sa isang anghel at isang rebel boy, kung paano pauunti unting nagbago yung takbo ng buhay ni rebel boy na si Eros sa tulong ni Eris. Oh diba ang ganda ng pangalan nila?! hehe

***

Voiceless & I met a Jerk whose name is Seven

Last year pinagpuyatan ko yung dalawang story na yan! Compiled nga lang so feel na feel ko magbasa. Pareho naman silang maganda, parehong may lesson lalo na sa huli. Yung Voiceless medyo nakaka inis yung guy (Hahahaha!) pero nakaka inlababo po! mehehehe :') Si Sync ata yung name (Jusko sana tama!) ay kasama sa isang banda na Syntax Error na kinababaliwan ni Momo na kapatid ni Memo (the mysterious one) mayaman naman si Momo pero pumayag syang maging katulong mapalapit lang kay Sync. Tapos.. basahin nyo na lang para malaman nyo kung sino at bakit VOICELESS ang title ng story ni ate Dennysaur :)))))))))

Yung I met a Jerk whose name is Seven Astute hihihi :'> nakaka awa kasi yung lead girl dito as far as I remember she tried to suicide. And sa huli wag kayong madisappoint may lesson dyan na napaka true lang talaga.

nasa external link po yung profile ni Ate Denny :) ABANGAN NYO DIN YUNG RELEASE NG LIBRO NG DNP! AND YUNG STORY NI MEMO CLARKSON! ANG ONE BAD MOVE :)

Recommended Stories :DWhere stories live. Discover now