Chapter 19

9K 291 16
                                    

A/N:

Sobrang tagal na walang update dahil sobrang busy; general assembly, thesis defense at team building. Ang tangin nakakaalam ng sched ng update ay ang mga friend ko sa facebook account ko.

So kung gusto niyong malaman kung kailan ang update at nangyayari sa author, please add her facebook account: 

Delphanie WP

Search, add as friend! 

Thank you :)

**************************************


Isang sermon ang inabot ko sa Office ni Miss Menchie. Hindi na ako nagtaka pa dahil alam kong may mali naman talaga ako. Maling paghintay ang isang tao ng mahigit dalawang oras tapos hindi pa nagpapaalam. Kaya naman hindi na ako nakaimik pa sa mga sermon ni Miss Menchie sa akin.


"I'm really sorry, Ma'am." Tanging ang katagang ito ang nasabi ko sa harapan ni Miss Menchie. Kitang-kita ko ang pag-iling niya ng paulit-ulit. Tila sinasabi ng kanyang mga mata, na hindi tama na ako ang napili niyang maging representative.


"Sige na. You two, proceed to room 301-A. Siguradong andun na ang coach niyo." Hindi ako tinapunan ng tingin ni Miss Menchie. Tanging kay Caleb siya nakatingin kahit na parehas kaming kinakausap. Kaya naman ramdam na ramdam ko ang pagkadismaya, galit at inis ni Miss Menchie sa akin. Yuyuko-yuko tuloy akong lumabas sa office ni Miss Menchie.


Dumating kami sa room 301-A ni Caleb at nadatnan namin ang ilang mga upuan at isang lamesa na tanging naroon sa loob ng room. An akala ko ba ay andito na ang magtuturo sa amin ni Caleb? Agad akong nakaramdam ng kaba. Kung kanina ay nawala sa isip ko ang tungkol sa amin ni Caleb, pero ngayong kami lang ang andito sa loob ng isang room, ay bumalik lahat-lahat sa akin.


Hindi dapat ako makaramdam ng kahit anong kaba. Galit ako at iyon ang nais kong malaman niya! Ngunit ang taksil kong puso, ay ayaw paawat sa kabang nararamdaman. Mas namutawi ang kaba kesa sa aking puso. Dahil alam kong isang kibot niya lang, boom! Mawawala na ng tuluyan ang tinong natitira sa aking puso.


Umupo ako sa pinakasulok na parte ng classroom. Hinila ko ang isang armchair upang hindi ako mangalay sa pagtayo. Akmang yuyuko ako sa desk ng upuan para magtulog-tulugan, ngunit natigil ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking balikat. Nanatili akong nakayuko ng bahagya at hindi siya nililingon.


Alexis, galit ka! Galit!


"What you've done was so immature, Alexis!" May diin ang bawat bitaw ng kanyang salita. Kahit na marahan ang pagkakahwak niya sa aking balikat, ay hindi ko pa rin maiwasan na maramdaman ang galit niya dahil sa tono ng kanyang salit.


"So immature, that I wanna punish you." Nanlaki ang aking mata at inangat ko ang aking tingin sa kanya. Punish me, Caleb Ezekiel? Really?


"Nakakatuwa ka naman..." Sarkastikong sabi sa kaya. Inangat ko ng konti ang aking labi para ngumiti sa kanya.


"Hindi nga ako pinarusahan ni Miss Menchie, tapos ikaw ang magpaparusa sa akin? Ha! Nahihibang ka na!" Pinagtaasan ko muna siya ng kilay bago inirapan.


Walang hiyang lalaki ito! Siya pa ang may ganang pasakitan ako, dahil hindi sa pagsipot?! Ang kapal talaga ng mukha!

ALEXISHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin