Chapter 11

11.3K 387 36
                                    

“H-hi!” Mahinang bati sa akin ni Jay Cee. Napahawak siya sa batok niya habang mamula-mulang nakangiti sa akin.

“Why are you here? I mean, what brings you here?” Lumapit si Jay Cee sa amin.

“Lead guitarist and voca –“

“What?!” Sadyang nagulat ako sa sinabi niya. Sinadya niya bang magpakilala sa akin kanina dahil alam niyang ako ang magiging bagong bokalista nila? Siguro nga! Kaya niya siguro ako nilapitan tapos sasabihin pa niyang ‘I admire you a lot!’.

“And why are you here too?” Nawala ang aking haka-haka nang tanungin niya ako.

“You didn’t know?” Umiling siya sa akin.

“Dude, vocalist. Let’s get started. Palibahasa ang tagal mong nawala kaya hindi mo alam ang nangyayari sa banda natin!”

Matagal nawala si Jay Cee sa banda? So ibig sabihin talaga nito ay wala siyang kaalam alam. Ngumiti ulit si Jay Cee sa akin bago niya kinuha ang gitara niya sa tabi. This is really a small world! Sa bagay, hindi na dapat ako magtaka lalo na’t iisang school ang ginagalawan natin.

“I, 2, 1, 2, 3 Go~~” Tinatunog ng drummer ang kanyang stick habang nagbibilang siya. Kanina pa ako kinakabahan dahil sa dami ng tao dito sa school ground para masaksihan ang huling araw ng celebration ng school. Laking pasalamat ko nang hindi ako ang front act ng banda, kundi si Caleb.

Nagtatalunan ang mga tao dahil sa kanta at napapa head bang. Kahit akong andito sa backstage ay napapa head bang ng paunti-unti.

Tonight it’s very clear
As we're both lying here 
There's so many things I wanna say 
I will always love you 
I will never leave you alone 
Sometimes I just forget, 

 

Ibang-iba ang version nila sa kantang ito. Rock na rock ang dating kahit ang pag galaw ng bawat membro ng banda. Tamang-tama lang na sila ang front act dahil nai-set nila ang party mode ng mga tao.

“Hey babe!” Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Harry.

“You nervous?” Tumango ako at ibinalik ko ang akin panunuod sa stage. Maraming nakisabay sa pagkanta ni Jay Cee nang mag-chorus na ito.

Cause I am the man who will fight for your honor 
I'll be the hero 
That you're dreaming of 
Gonna live forever knowing together 
That we did it all for the glory of love 

 

Hinawakan ni Harry ang aking balikat at muli akong napatingin sa kanya. Inayos niya ang buhok kong nakatakas sa puyod.

“You can do it! I’ll be watching you over there.” Yinakap niya ako bago sya tuluyang umalis at pumunta sa karamihan ng tao. Nakita ko ang pagbati niya sa mga kaibigan nito. At sa aking pagtingin ay nahagip ng aking paningin si Caleb kasama ang girlfriend nitong si Eden. Napapaindak din sila dahil sa kanta.

Napairap na lang ako.

Ibinalik ko ang aking atensyon sa banda na nasa stage ngayon. Tuwang-tuwa ako sa kilos nilang lahat dahil feel na feel nila ang kanta at para silang may concert. Makikita mo ang mga babaeng halos gustong umakyat sa stage para lang makalapit sa banda.

ALEXISWhere stories live. Discover now