Chapter 3

14.7K 396 30
                                    

"You know how much I hate competing and be a representative of the school! Ayaw kong maikumpara kay Mommy lalo na kapag natalo ako sa laban. Alam kong kung ano-anong sasabihin ng iba na hindi ako kasing galing niya or anything! That's why una pa lang nirereject ko na ang mga inaalok sa akin."

Paliwanag ko kay Bea habang kumakain kami ng meryienda sa canteen. Sabi niya ay may idea na siya kanina pa kung bakit ako pinatawag pero hindi niya talaga muna sinabi sa akin dahil baka hindi ako sumipot sa office ni Miss Menchie.

"And what now? Bakit ka napapayag?"

Kinuwento ko sa kanya lahat ng napag-usapan namin kanina sa office ni Miss at kung paano nanganganib ang aking class standing. Alam na alam niya na ayaw kong mapapahamak ang aking class standing dahil mas lalong nakakahiya kapag hindi ako naging katulad ni Mommy.

Ito pala ang epekto nang magaling pareho ang magulang. Takot ka na bumagsak at doble pressure. Hindi naman ako pine-pressure ni Mommy at Daddy, pero bilang isang anak nila, I know I have to do the same and leave the same legacy.

"So kahit sa pageant ikaw na ang representative? Eh di wow!" Sabay tawa ni Bea. Tiningnan ko lang siya nang masama pero nagpatuloy parin siya sa pagtawa.

"Wow ha! Sige lang tawanan mo ako!"

"Eh kasi naman, ano kaya ang itsura mo kapag naka-two piece? I've seen you on long gown, pero kapag two piece? Hindi pa, wala pang nakakakita ng sexy body mo kahit ako na bestfriend mo!"

Hindi ako mahilig mag-two piece or anything na sexy na damit. Bihira rin akong lumabas ng naka-shorts. Most of the time, I wear dresses na hindi revealing ang dating at hindi ganoon kaikli. Tumaas man ang haba nito sa tuhod ko, pero never itong tumaas nang kalahati sa legs ko.

Kapag nasa bahay lang ako saka ako nagsho-shorts. Turo kasi sakin ni Mommy na kung ayaw kong mabastos, magsuot ako nang disente at yung rerespituhin ako nang mga tao sa paligid.

"Damn you! Pati ikaw nagpapantasya sa katawan ko? Ewww ha, Bea! Kakadiri ka!" Napuno nang tawanan ang buong meryienda time namin ni Bea.

"Yuck! Baka naman may peklat ka sa katawan kaya ayaw mong magpakita man lang ng legs at ayaw mong magswim wear?"

Napailing na lang ako. Peklat? Hindi uso yun sa akin. At siguradong kapag nagkapeklat ako, ipapagamot agad ito ni Mommy.

Matapos ang 30minutes break namin sa hapon ay nagdiretso na kami ni Bea sa last subject namin, Physics. Sino bang tanga ang naglagay ng physics sa hapon, eh kakaantok na nga ang oras na yun tapos nakakaantok pa ang subject?

Kahit na pahikab-hikab ako sa klase ay pinilit ko pa ring makinig. Naudlot ang paghikab ko nang biglang may nag-excuse sa akin sa kalagitnaan nang klase. Laking pasalamat ko at may nagligtas sa akin sa nakakantok at boring na klaseng ito.

"Pinapatawag po siya sa Principal's Office." Sabi ng isang babae na malamang inutusan ni Miss Menchie. Tinanguan lang ako ni Ma'am Thea at saka ako lumabas nang room.

"Salamat at niligtas mo ako sa nakakaantok na klase na yun..." Nag-inat inat pa ako habang naglalakad patungo sa office. Ni hindi man lang ako kinausap nitong babaeng kasama ko ngayon. Hindi ko siya kilala pero naka-uniform siya na katulad ko.

"Salamat ha? Buti di napanis ang laway mo. Bye!" Binuksan ko ang pinto nang office na tatawa-tawa. Ang sama ko talaga!

"You seem happy, Shea."

"It's Alexis. Alexis!"

Napatigil ako nang mapansin kong hindi lang pala kami ni Miss Menchie ang nasa loob ng office niya. Napangiti ako nang makita ko ang isang nilalang na biyaya ng Diyos sa mata ng mga babae. Sa ayos palang ng kanyang uniporme ay iba na ang dating niya pati ang kanyang pagkakaupo. Kahit na nakaside view siya, kitang-kita mo ang tangos ng kanyang ilong at ang malalantik nitong pilik mata. Lalong nagpadagdag sa kanyang kagwapuhan ang kanyang medyo brown niyang buhok.

ALEXISWhere stories live. Discover now