Chapter 36

3K 103 54
                                    

My life has been a home-school routine for the past two weeks. Bea's been asking me out pero wala talaga akong balak lumabas sa ngayon. I just want to stay at home during weekends. Maging ang pag-aya sa akin nila Mommy ay tinatanggihan ko. Madalas naglalakad ako papunta sa pinapagawang bahay ni Mommy dito rin sa subdivision nila Tita Arra. Malapit nang matapos ang bahay at siguro sa susunod na buwan ay makakalipat na kami.

"How's DMU so far?" Tanong sa akin ni Tita Jen. Madalas ang barkada dito ni Mommy sa bahay ni Tita Arra. Sabi pa nila kapag daw natapos na ang bahay namin, siguradong lilipat na rin sila ng meeting place.

"Hmn, good?" I actually don't know how to evaluate DMU since two weeks pa lang simula nung nagpasukan.

"Uncertain huh?" Tumawa kami pareho.

The next day, ginawa ko ang routine ko bago pumasok sa school. Hindi na rin ako masyadong nagpapahatid sa driver nila Tita Arra dahil nagpaturo ako kay Bea kung paano magcommute. Saka na lamang ako nagpapahatid kapag late na ako sa aking pasok.

Unang subject pa lang, wala na agad professor. This is a minor subject kaya naman halo-halo ang courses na kasama ko. Kailangan daw kasi ito to get to know DMU more. More likely, values ang subject na ito at once a week lang nagmi-meet. Yung iba kong med. schoolmate ay walang ganitong subject since dito sila graduate ng college nila.

For one hour na walang professor, nanatili ako sa classroom. I don't want to roam around dahil siguradong papawisan lang ako. I get my phone and leave a message to Owen. I've been missing our late night video calls for the past days, dahil nag-iba ang schedule ng work niya.

Sa kalagitnaan ng pagbrowse ko ng aking facebook, nagulat ako ng may isang lalaki na nakadali ng aking phone dahilan kung bakit ito nahulog.

"What the!" Mahina kong sabi.

"Miss, sorry. Nadali sa bag ko, uupo sana ako dito, is this seat taken?" Sabay turo niya sa upuan na katabi ko. Tiningnan ko siya at hindi ko alam, ngunit ngayon na lamang ulit ako namangha sa isang lalaki nang ganito. Kitang-kita mo sa kanyang features ang pagiging pinoy lalo na at hindi siya ganun kaputian. Hindi na niya ako nahintay na sumagot sa kanya, sa halip ay umupo na lang siya sa tabi ko.

Ibinalik ko ang aking atensyon sa aking cellphone para imessage si Owen.

Lumipas ang isang oras at hindi na nga nagkaroon ng klase sa subject na ito. Isa-isa nang lumabas ang mga estudyante kaya naman tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Sa aking pagtayo, ay tumayo din ang lalaking katabi ko. Napatingin ako sa kany at ganun din siya sa akin.

"Lunch?" Huh? Tumaas ng bahagya ang aking kilay sa kanyang tinuran. Inaaya ba ako nito sa lunch? HIndi ako sumagot. Humakbang ako ng isa, ngunit naramdaman ko ang mainit niyang kamay sa aking braso nang pigilan niya ako.

"Sabi ko, sabay na tayo maglunch. Wala pa akong kakilala sa school na ito." Winaksi ko ang kanyang pagkakahawak sa akin at inirapan ko siya. I didn't bother saying a word. Why would I say yes to him? I am not the old Alexis. Ayaw kong magkaroon ng false hope ang lalaking ito dahil lang sa pumayag ako sa paanyaya niyang sabay kaming kumain ng lunch.

"Hey! We're the same here. Parehas tayong transferee. Wala pang kaibigan. Just wondering if maybe we can be friends? Hirap mag-isa sa school na baguhan ka." Nahabag ako sa kanyang sinabi. Tama siya! Napakahirap ng wala kang kakilala lalo na at baguhan sa environment na iyong ginagalawan. You need to learn things on your own, have your stuff complete dahil wala ka namang mahihiraman dahil wala kang kakilala. Tiningnan ko siya and somewhat, naramdaman ko ang nararamdaman niya bilang baguhan.

"Just trying my luck." Pagtaas pa niya ng kamay niya.

We went together sa canteen to have our lunch. Habang naglalakad, nakilala namin ang isa't-isa kahit papaano. His name's Edward, 3 years older than me. Halos masapok ko si Edward dahil hindi pala tunay na transferee siya sa DMU. Hindi siya Med Student. His course is somewhat related to business. Nagtagal siya sa college kasi gusto niyang maglaro lang ng maglaro ng basketball, kaya naman hindi siya nagfufull load ng mga subjects, Ngayon taon lang siya nagfull load dahil binigyan na siya ng ultimatum ng kanyang magulang na kung hindi aayusin ang pag-aaral ay ipapatapon siya sa probinsya at dun na lamang siya bibigyan ng trabaho.

ALEXISWhere stories live. Discover now