Chapter 29

4.4K 148 29
                                    

Pinagmasdan ko ang aking telepono habang umiilaw at nagva-vibrate. Kinakagat kagat ko ang aking daliri dahil ako mismo ay gulong-gulo sa aking gagawin.


"Alexis, you know the game you are playing. Play hard to get this time." Sabi ko sa aking sarili. Hinayaan ko lang ang aking cellphone. Ang hirap pala maglaro nang ganito sa pag-ibig kapag gusto mo yung tao. Yung tipong iniisip mong hindi lang ito laro at nais mong seryosohin, pero alam mo sa sarili mong mali.


Napasandal ako sa headboard ng aking kama nang tumigil sa pagtawag si Caleb.


This is not good.


Kung hindi niya kayang makipaghiwalay sa girlfriend niya, kung hindi niya kayang piliin ako, ako na! Ako na mismo ang magtitigil sa larong sinimulan ko, sa larong parehas naming nilalaro.


Wala namang kami, hindi ba?


Una sa lahat wala dapat ako sa eksena ng buhay pag-ibig ni Caleb. Sanay na ako sa mga ganitong eksena na may girlfriend ang lalaki pero iba kasi ngayon. Ibang-iba dahil alam kong gustong-gusto ko si Caleb. Pero ang daya ng tadhana, kung sino kasi yung gusto mo, siya ang hindi mapapasayo.


"You are not answering my calls!" Ito ang bumungad sa akin kinaumagahan sa eskwelahan namin. Kakababa ko lang ng sasakyan at agad siyang lumapit nang makita ako. Hindi ba siya natatakot sa ginagawa niya na baka makita kami ni Eden?


I fix my shoulder bag saka ko siya tiningnan.


"And so? Ano ngayon kung hindi ko sinasagot ang tawag mo?" Pagtataray ko sa kanya. You know how to play, Alexis. You know the game.


"Anong problema mo, Alexis? Bakit ka ganyan –"


"Ako pa ang tinanong mo kung anong problema? Alam mo ang gulo mo kasi. You seem to like me but you love your girlfriend. You keep on chasing me, yet you can't leave your damn girlfriend. Ngayon, sabihin mo nga sa akin kung sino ang may problema sa ating dalawa?" Well, that speech leaves him speechless. I was waiting for an answer pero wala yata siyang balak magsalita.


Walang patutunguhan ang usapan ito.


Kaya ako na mismo ang tatapos.


"You know, I really like you. I can play the game and fight for you, for us. But you can't fight with me. Right?" Sa halip na lumayo ako sa kanya, unti-unti akong lumapit sa kanya. Isang hakbang, dalawa, tatlo, hanggang sa ramdam ko na ang bawat hinga niya sa pisngi ko.


By this time, alam kong nakuha ko na ang atensyon niya at atensyon ng ilang estudyante.


"Tell me, how does this feel? Yung ganito tayo kalapit. Does it makes your heart beats faster? Do you catch your breath?" Hinawakan ko ang pisngi niya.


A thousand of volts run thru my spine the moment I touched his face. Damn this man! I am in love now.

ALEXISWhere stories live. Discover now