Chapter 16

10.6K 348 32
                                    

Pinihit ko ang doorknob ng aming pinto at automatik na napatingin sila Mommy at Daddy na ngayon ay nanunuod ng HBO sa living room namin. Nakaakbay si Daddy kay Mommy at parehong nakataas ang mga paa nila sa center table namin. Lumapit ako sa kanila at humalik sa pisngi.



"6 pm. What took you so long? Hindi ba kanina pang 4:30 ang tapos ng klase mo?" Aakyat na sana ako sa kwarto ko para makapagbihis ngunit napahinto ako sa tanong ni Mommy. Umupo ako sa tabi niya at yumakap sa kanya.



"Nagmeeting po kami sa Principal's Office para sa nalalapit na pageant, My. Si Baby Jerrick?" Inayos ni Mommy ang gulo-gulo kong buhok at inamoy pa niya ito. Tumingin ako kay Daddy at seryoso naman itong nakatitig sa TV kaya naman na -curious ako sa pinapanuod nila. Divergent.



"When's the pageant? Tulog na ang kapatid mo. Sobrang likot, kahit ako napagod." Siguro nga ganun talaga kapag isang taon at tatlong buwan na ang bata lalo na kapag lalaki. Sobrang likot at medyo maingay na rin kahit na wala kang naiintindihan sa mga sinasabi ni Baby Jerrick.



"Next month, My. We have 4 weeks preparation." Tumayo na ako para makaakyat sa kwarto ko. Ngunit pinigilan ako ni Daddy.



"Hindi mo ba lalambingin ang Daddy?" Yumakap ako saglit kay Daddy bago umakyat sa kwarto.



Ramdam na ramdam ko ang pagod nang marating ko ang kwarto ko. Napangiti ako ng bahagya ng sumalubong sa akin ang kulay pink na kwarto ko. I really like it here. Nagshower ako ng saglit at saka dumapa sa kama. Maya-maya ay kakatukin na naman ako nila Mommy para sa hapunan.



Muling bumalik sa aking isipan lahat nang nangyari kanina at mga pinag-usapan namin ni Caleb. Hindi ko alam kung magiging masaya ako dahil sa wakas, napansin na niya ang pagtingin ko sa kanya o magiging malungkot dahil sa sitwasyon na nais niya at meron kami.

Napatihaya ako at lumapit sa aking bag ng marinig ko ang tunog ng aking phone. Binasa ko ang text na aking natanggap.



Caleb:

I'm home, sweetheart. Can I call?




Napakagat labi ako habang nakangiti matapos mabasa ang kanyang text. Wala pang isang minuto ay nakita kong muli ang pangalan niya sa screen ng phone ko. Tumatawag na siya.



"Hello?" Mahina kong bati.



"Hi, where are you?" Dumapa ulit ako sa kama at yinakap ang pinakamalapit na unan.



"Room. Ikaw?" Hindi siya sumagot. At tanging mahinang pagtawa lamang niya ang narinig ko sa kabilang linya.

ALEXISWhere stories live. Discover now