Chapter 9

11K 349 20
                                    

Naging maingay ang buong campus namin dahil sa tatlong araw na celebration ng foundation week. I know, it should be the whole week but Monday and Tuesday are for seminars ng school ng mga bisita ng school namin. Then the remaining days, ay hawak na ng student association.

Hindi kami madalas na magkasama ni Bea, dahil isa siya sa officer ng student association ng school namin. Kaya ito ako ngayon sa first day ng celebration, kasama si Harry.

Hindi ako yung tipo ng babae na PDA, pero itong si Harry pala may pagka-PDA. Dahil katulad ngayon, magkahwak kami ng kamay sa loob ng campus. Nagulat na nga lang ako nang maramdaman kong unti-unti niyang pinagsiklop ang kamay namin. Balak ko sanang bumitaw, pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya!

May kanya-kanyang pakulo ang bawat section at lahat sila ay nakakaaliw.

"Babe, try natin yung Math wizard game nila." Tinuro ni Harry ang isang booth kung saan maraming tao ang nakapaligid. Nabasa ko na Math Wizard Game nga ang tawag nila sa booth nila. Naglakad kami patungo sa booth na yun.

"Miss Alexis, sali po kayo sa game na ito. Worth P500 po ang price kung masasagot mo lahat ng tanong. Then P1000 po for the final round, kapag natalo niyo si Caleb or Eva." Ito ang bumungad sa akin pagkrating na pagkarating ko sa booth nila. Hindi ko kilala kung sino ang kumausap sa akin pero nginitian ko naman siya.

"You wanna try?" Tanong sa akin ni Harry. Umiling lang ako bilang tugon sa kanya. Ayaw ko naman kasi talagang sumali. Mag eenjoy na lang ako sa panunuod.

May ilang sumubok pero sa final round ay walang nakakatalo kay Caleb at Eva Ganun pala yun, pipili ka mismo kung sino sa dalawa ang gusto mong makalaban. Kung ako, siguro mas pipiliin ko si Eva! Napailing ako kasi sa galing nilang dalawa eh, sadyang walang makakatalo sa kanila. They are school's representative in Quiz Bee, what do you expect?

"Alright, mukhang walang makatalo sa mga champion natin at walang makakakuha ng 1000 pesos!" Napakunot ang noo ko nang biglang may naisip ako. Tumaas ako nang kamay bago magsalita.

"Make it P3000, I'll try to beat them!" Napalingon ang lahat sa akin at kahit ang announcer sa unahan ay napatigil at napanganga sa sinabi ko. Nakita kong nagkagulo ang mga nagma-manage ng game sa una. Malamang pinag-uusapan nila kung tataasan ba nila ang price nila.

"I'm sorry, Miss pero hindi pumayag ang ating management –"

"Sige, gawing P3000. Tig-one thousand kami ni Caleb na idadagdag sa cash price. But, " Nakita ko ang kakaibang pag ngisi ni Eva sa akin. Ramdam ko na may binabalak siya at handa naman ako para sa kanya.

"You'll fight the two of us." Ibig sabihin hindi ako makakapali dahil sila mismong dalawa ang magtutulong para manalo.

"You have to beat us, Alexis. Nagmamagaling ka rin lang naman so, kaming dalawa ang makakalaban mo. Final round na agad, no warm up questions!" Napailing ako at unti-unti kong binitawan ang kamay ni Harry. Tumingin ako kay Caleb at nakita ko ang pagtingin niya sa kamay naming magkahawak. Lumapit ako sa mini stage ng booth na ito.

"Baka nakalimutan mo kung paano umaangat ang rank ng school natin during the previous Quiz show. Ano nga ulit yung rank natin before nung wala pa ako sa game? Rank 9? Then nung nasa game na ako, nanalo pa tayo ng first place, di ba? Alright, no warm up questions, proceed in the final round!"

Nagpwesto ako kung saan nakaharap ako sa kanilang dalawa. Mas dumami ang tao kumpara kanina!

"Start the show." Rinig kong sabi ng management.

"Okay, easy question, a very easy one. How many 25centavo coins are there in P116.75?"

I immediately pressed the push button in front of me. "467 centavos. So elementary..."

Nakuha ko ang kauna-unang point!

"Find the largest integer n so that 2 raise to n divides 20!" Ito ang sumunod na tanong.

Unang pumindot si Caleb ngunit mali ang sagot niya. Naalarma ako ng pumindot si Eva at nakangiti sa kanyang pagsagot. "16." Kampanteng –kampante siya  sa sagot niya. Ngunit natawa na lamang ako ng marinig ko ito. Napailing ako dahil alam ko, alam na alam ko na mali ang sagot niya.

"Sorry, but it's wrong. You have the chance to answer." Sabay tingin sa akin ng host ng larong ito.

"18, it is!" Nakatitig ako kay kay Eva nang sinagot ko yan.

"Correct! 18 it is." Narinig ko ang malakas na hiyawan ng mga tao ngunit hindi ko inaalis ang aking paningin sa aking mga kalaban. Nakita ko ang paghawak ni Caleb sa kanyang labi at tila natatawa ito.

Naging mahirap ang mga sumunod na tanong at naging halinhinan ang aming pagsagot.

"Okay audience. Laman po si Alexis ng dalawang puntos sa ating mga kampyon! At para sa huling katanungan, worth 6points! Kung sino ang makakatama sa tanong na ito ay siyang tatanghaling champion." Nagsigawan ang mga tao. Para kaming nasa isang TV game show dahil sa daming manunuod.

"Last and final question. Hindi ko masabi kung madali ito o mahirap but alam kong kayang-kaya nilang tatlo. Paunahan na lang sa pagsagot." Maaaring hindi mahirap ang ibig nilang tanong at sadyang bibilisan mo na lang ang pagsagot. Nag-concentrate ako ng sobra. I need to win this game!

"My two-digit age (in years) is one short of a perfect square. The product of the digits in my age is my wife's age. The sum of the digits in my age is my son's age who is seven years older than my daughter. Her age is the sum of the digits in my wife's age. How old is my wife?" Algebra. Kung hindi ko nagkakamali ay Algebra ang tanong na ito. Dali-dali akong nag-solve. Dapat sigurado ako sa unang solve palang dahil kapag sumagot ako at mali, wala na! talo na ako.

Sumulyap ako saglit sa kalaban ko at napansin kong hindi nagso-solve si Caleb sa halip at nakatingin lamang ito sa akin na para bang pinagmamasdan ang aking sinusulat. Kinagat niya ang lower lip niya at saka tumingin sa ginawa ni Eva.

Huminga ako ng malalim bago pinindot ang push button.

"Yes Alexis? Your answer is?" Tanong ng host. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang buong paligid. Nakita ko ang pagkainis sa mukha ni Eva dahil sa naunahan ko siya. Pati na rin ang pagtahimik ng buong estudyante ay aking napuna. Lahat sila, lahat sila ay nag-aabang sa magiging sagot.

No,I can't be wrong. Hindi tapos ang pag-sosolve ko pero may naformulate na akong sagot sa aking utak. Tila sa utak ko itinuloy ang pagso-solve dahil sa takot na maunahan nila ako sa pagpindot at pagsagot.

Muli ay huminga ako nang malalim.

"32 years old." Nakita ko ang pagsulyap ng host sa kanyang kodigo. Maging sila Eva at Caleb ay nakatingin at nakaabang sa sasabihin ng estudyanteng host na ito.

Para kaming na sa isang tunay na game show at isang milyon ang mapapanaluhan. Lahat naging seryoso sa puntong ito.

"Ladies and gentlemen, we have a new champion, ALEXIS!"Nagsigawan ang mga estudyanteng nanunuod at may iba pang tumatalon-talon. Napapalakpak na lang ako dahil sa aking natamong tagumpay. Ganun din si Caleb na nakatitig at nakangiti sa akin habang pumapalkpak. Si Eva lang yata ang nakasimangot at agad nang bumaba sa mini-stage.

Inabot sa akin ang cash price na worth 3,000 plus picture with the students na nag-manage ng booth na ito. Lumapit sa akin si Caleb at inabot ang kanyang kanang kamay. Inabot ko ito at saka ngumiti sa kanya.

"Congratulation, Miss Math Wizard."

"Thank you."

Bumaba kami ng sabay sa stage at sinalubong naman agad ako ni Harry. Yumakap agad siya sa akin. Gustong-gusto kong kumawala sa yakap niya dahil alam kong malapit lang si Caleb. Alam kong nakikita niya ang pagyakap sa akin ni Harry.

"Aww, Harry..."

"I'm so proud of you, Babe." At hinalikan niya ako ng mabilis sa noo. Nanlaki ang mata ko hindi dahil sa halik, kundi dahil sa pinapanuod kami ni Caleb. Tumaas ang kilay niya at saka tumalikod sa amin. Hahabulin ko sana siya ngunit alam kong mali kapag ginawa ko iyon.

"Why'd you kiss me? Masyado kang PDA and I hate it!" Umalis ako sa harapan ni Harry. Iniwan ko siya sa gitna nang maraming ta.

Sa huli, nasunod pa rin ang kagustuhan kong sundan si Caleb.

Si Caleb Ezekiel, na hindi naman akin.


ALEXISWhere stories live. Discover now