Chapter 33

7.1K 217 180
                                    

Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Natatakot ako na ngunit masaya dahil may kakampi na ako. Kahit alam kong gulo ang dala nito, mas pinili ko pa ring papuntahin ang mga magulang ko sa school. Mom is wearing a red dress paired with black stiletto. While dad is just wearing a plain polo shirt and maong pants. Kung titingnan mo si Mommy ay tunay na matatakot ka. Sa aura at dating pa lang nito, makikita mong gulo ang dala niya. Iniwan niya ang nakakabata kong kapatid sa nag-aalaga rito.

My mom kept on talking while we're on our way. Hindi naman ganito noon si Mommy, pero siguro dahil alam niyang hindi pwedeng magalit si Daddy ay siya na lang ang nagsasalita for the sake of my Dad.

"Dad, ako na lang bahalang magssalita. Hwag tataas ang boses at magagallit. Alam mong masama ito sayo." Paalala ni Mommy.

Ang kabang aking nararamdaman ay nagdoble ng makarating kami sa school. Laking pasalamat ko ng nagsisimula na ang mga klase at walang tao sa hallway para pag-usapan an gaming pagdating.

"Ma'am, alam niyo po ang pinunta namin dito." Pasimula ni Daddy ng makarating kami sa office ni Miss Menchie.

"Yes, Mr. Martinez. I actually called the board member and Mrs. Ocampo. Parating na sila." Makikita mo ang tension sa mukha ni Miss Menchie. At tama nga siya, dahil wala pang limang minuto ay isa-isang nagdatingan ang mga board of members.

Nagpunta kami sa isang long table at doon kami umupo. Lumapit ang isang board member kay Miss Menchie at may binulong ito. Tumango si Miss Menchie at saka nagsimulang magsalita.

"Good morning, board member and Mr. and Mrs. Martinez. Yesterday, may unresolved issues tayo and we are here to fix everything. Sadly, Mrs. Ocampo will not be around today." What!?

"Do you think we can fix this issue without Mrs. Ocampo? Hindi yata, Ma'am. Andito kami para magkaliwanagan. Pinagtulungan kahapon ang anak ko dito sa board meeting!" Mataray na sagot ni Mommy. She even crossed her arms in front of him.

"At nasaan na yang si Mr. Caleb Arellano? Gusto kong nakaharap siya ngayon sa atin!" Dagdag ni Mommy.

Napalingon ang lahat ng bumukas ang pinto at pumasok si Caleb. Ikinagulat ko naman na kasama niya si Edhen at si Mrs. Ocampo. Taas noo ang paglalakad ng dalawa habang si Caleb naman ay tila walang pakialam sa nangyayari. Nagkatinginan kami ni Edhen at tumaas ang kaliwang kilay nito sabay rolyo ng mata. Umupo silang tatlo sa harapan namin.

"What happened to my daughter yesterday is very discriminating! Hinarap niyo ang bata sa board members na walang kasamang magulang? And you people! Isang panig lang ang pinakinggan niyo! Sana bago niyo hinarap ang anak ko dito, pinaalam niyo sa amin ang pangyayari!" Gigil na gigil si Mommy.

"We are very sorry for what –"

"Sorry? Pinahiya niyo na ang anak ko. Very unreasonable na pinatawag niyo si Alexis without knowing the other side of the story..." Napatingin ako kay Mommy ng marinig kong nag-iba ang tono ng boses nito. Agad ko siyang dinaluhan ng makita kong nagsimula ng tumulo ang mga luha niya.

"My child- my child here is being accused of –" hinawakan ni Daddy ang kamay ni Mommy at walang nagawa si Mommy kundi ang yumakap kay Daddy.

My mom acted so strong awhile ago, and now she's crying. Kahit kalian talaga ay iyakin siya. Bahagyang ngumiti sa akin si Daddy habag tinatapik niya ang likod ni Mommy.

"Why am I seeing dramas here?" Ani Mrs. Ocampo. Kaya naman napabitaw si Mommy sa yakap kay Daddy. Hinawakan agad ni Dad ang kamay ni Mommy. Marahil ay si Daddy naman ang magsasalita.

"I wanted to talk to you, Mr. Arellano. You accused my daughter, I mean, you told stories about how you got my daughter's virginity..."

"Ohmygod! The kid is a whore!" Nalaglag ang aking panga sa biglang sinabi ni Mrs. Ocampo. Nagsimula ang bulung-bulungan sa loob ng office. Nakita ko ang lihim na pagtawa ni Edhen. Si Caleb naman ay nakatitig lang at hindi ko siya mabasa. Tiningnan ko si Mommy at galit na galit siya. Akmang sasalita si Mommy ngunit isang matinding palo ang ginawa ni Daddy sa table dahilan para matahimik ang lahat.

ALEXISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon