Chapter 37

4K 123 69
                                    

"Alexis." Bumalik ako sa aking tamang pag-iisip ng muli nyang banggitin ang pangalan ko. Inayos ko ang aking postura. Akmang haharap na sana ako kay Edward para muling magpaalam ngunit natigil ako ng magsalita si Edward.

"Oh you know her, Caleb?" Kita ko sa mga mata ni Edward ang pagtataka. Hinihintay kong sumagot si Caleb ngunit hindi siya nagsalita.

"We were schoolmates before, nung highschool." Ani ko. Ako na lang ang sumagot para iwas na sa mga susunod na tanong.

"Nice seeing you again." Plastik kong bati sa kanya.

"Edward, I'll go ahead. Andito ang bestfriend ko. See you around." Buong tapang akong dumaan sa harapan nila Caleb kahit na ramdam na ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay.

After all those years, andito pa rin sa puso ko ang galit dahil sa ginawa ni Caleb. He is one of the reasons, kung bakit hindi ko na kasama ang ama ko ngayon. Isa siya sa naging dahilan ng pagkabagsak ko. Hindi dapat ako manginig sa kanya, o makaramdam ng takot. Siya ang dapat makaramdam ng mga ito! Dahan-dahan kong ibinaba ang tray sa lagayan ng mga kinainan sa canteen. Huminga ako ng malalim...

"Alexis, play it cool. Your time for revenge will happen soon..." Paalala ko sa sarili ko. Lumabas ako ng hallway na hindi nilingon ang mga varsity maging si Edward. I checked on my phone to see kung nagmessage na ba sa akin si Owen. I see one and it is his picture with his suit and tie.

Ang pogi naman!

Simpleng reply ko sa picture niya. Nakangiti ako habang naglalakad sa hallway. Nawala lahat ng nararamdaman ko dahil sa sinend sa akin ni Owen na picture. Mas naramdaman ko tuloy ang pagka-miss ko sa kanya. How long should I wait until he visits me here?

I was happy walking alone with the thought of my boyfriend, ngunit nasira ito nang makita ko sa harapan ko si Caleb. Tumigil ako at hirap siya. Inobserbahan ko ang aking puso kung anong nararamdaman ko ngayong kaharap na siya, ngunit tanging galit lang ang pinapahiwatig nito.

Ano bang kailangan ng lalaking ito at ang lakas ng loob humarap sa akin? Tumaas ang kilay ko.

Isang minuto. Dalawang minuto. Walang nagsasalita. Nakatitig lang siya sa akin. Well, I won't speak too, lalo na at wala naman akong magandang sasabihin sa kanya. So I decided to walk straight and pass through him. Ngunit bago ko pa siya malampasan, nagsalita na siya.

"Kailan ka pa bumalik?" Mahinahon nyang tanong.

"Why'd you ask?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. At marahang tumawa.

"Why? Why are you even standing in front of me? Ang kapal naman ng mukha mo." May diin ang aking mga salita sa aking huling sinabi sa kanya.

"Isa lang ang tanong ko, kailan, pero ang dami mo ng nasabi."

Tugon niya.

"Importante ba kung kailan ako bumalik?" Nakita ko ang paglunok niya. Hindi siya nakasagot.

"You are just wasting my golden time." At umalis na ako sa harapan niya.

Ang dami-dami ko pang gustong sabihin. Gusto ko siyang sumabatan. Gusto kong magalit sa harap niya. Gusto ko siyang sisihin sa maagang pagkamatay ni Daddy. Gusto kong ibuhos ang tunay na galit na naipon sa aking puso.

Gusto ko ng makawala sa poot at galit.

Ngunit alam kong hindi ito mawawala hangga't hindi ako nakakaganti sa kanila. I don't know on how can I have my revenge. But I have to do my revenge!

Nagkita nga kami ni Bea sa labas ng school. Bahagya siyang tumawa sa kwento ko na nagtagpo muli ang landas namin ni Caleb.

"This is so funny! Haha. Your ultimate crush, ever. So how was it? You know, the feeling of seeing your ultimate crush after long years." Sabay halakhak niya. Bastos na kaibigan! Sa halip na damayan ako sa galit na nararamdaman ko, heto siya at halos mamula sa kakatawa. Di mo alan kung kinikilig o nang-aasar lang.

ALEXISWhere stories live. Discover now