Chapter 18

10K 347 36
                                    

Author's Note:


Add niyo ako sa facebook: Delphanie WP

Follow niyo rin po ako sa Intagram at Twitter: @delphanie16

Next update ay kapag maraming nag-add sa facebook. Hahaha. Jk. Love you all!

Vote and leave you comments! Thank you.


xoxo, 

Miss_Sixteen

********************************

Dumating ang sundo ko, ngunit hindi agad kami umalis. Sinabi ko sa driver namin na maghintay muna kami saglit kasi magkikita pa kami ng kaklase ko. Ngunit ang totoo niyan, nagbabaka sakali ako. Nagbabaka sakali na dumating si Caleb matapos niyang mabasa ang text ko at ako naman ang bigyan niya ng oras.


Ngunit lumipas na ang isang oras, walang Caleb na nagpakita. Huminga ako nang malalim para pigilan ang mga luha na nagbabadyang pumatak.


"Kuya, tara na po umuwi. Nagtext sa akin na hindi na daw makakarating." Palusot ko. Tumango naman ang driver namin at saka pinaandar ang sasakyan.


Hindi ko mapigilan ang mapaisip habang nagbibiyahe kami pauwi. Ano kaya ang ginagawa ni Caleb o ginagawa nilang dalawa at bakit ni isang reply man lang ay wala akong makuha? Alam kong mali ito, hindi dapat ako magdemand pero sadyang hindi ko maiwasan. I've been longing to be his, to feel how to be Caleb's girlfriend. Kaya kahit ganitong, set-up ay pinatulan ko na.


Nakatulog ako nang gabing iyon, habang naghihintay ng text man lang galing sa kanya. And yes I was hoping for a reply tomorrow. Pero wala. Kaya naman kinaumagahan sa school, ay para akong namatayan. Ni hindi ko magawang ngumiti kahit na maraming bumabati sa akin. Tumatango lang ako sa kanila ngunit hindi ko magawang suklian ang mga ngiting binibigay nila sa akin.


"What's with that long face?" Bati sa akin ni Bea pagkarating ko sa classroom. Tamang-tama naman na kami lang dalawa ang tao sa loob nito. Napaaga yata kaming dalawa ah!


"Have you been in love? Badly smitten with someone, someone who's taken?" Dere-deretso kong tanong sa kanya. Ni hindi ako tumingin kay Bea habang tinatanong ko siya.


"Alexis, is this all about Caleb again?" Malamya akong ngumiti sa kanya. Agad na nag-init ang sulok ng aking mata nang marinig ko ang pangalan ni Caleb.


Huminga ako nang malalim at sa paghinga ko, isang luha ang pumatak sa aking mga mata.


"Bakit ba tayong mga tao, mahilig magkagusto sa mga taong may mahal na iba? Bakit nagmamahal tayo ng taong alam nating hindi na pwede? Kasi Bea..." Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Pinunasan ko ito ngunit agad din namang kumakawala ang panibagong luha.


"Stop crying, Alexis. What's the matter? Ano ba talaga ang problema?" Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya. Handa na ako, handa na akong sabihin lahat sa kanya. Ang hindi ako handa ay kung lalayo sa akin ang best friend ko dahil sa pinasok kong gulo.


"Kasi, kasi Bea... ang sakit na kasi. Yung umaasa ka ng katiting na oras dahil alam mong pangalawa ka lang. Bea, me and Caleb are to –"

ALEXISWhere stories live. Discover now