Chapter 25

10.8K 229 45
                                    

Nagising ako sa sunod-sunod na tunog ng aking cellphone. Buong akala ko ay si Caleb, ngunit nakita ko ang registered number ni Daddy. Tumayo ako at saka sinagot ang tawag niya.

"Hello, daddy..."

"Anak, how are you there? Kakarating lang namin dito sa bahay."

"I'm fine, kayo po?" Wala pa namang isang araw kaming nagkakahiwalay ay ramdam ko ang pag-aalala sa tinig ni Daddy. Hindi man niya ito ipahalata, ramdam ko naman.

"Have you eaten, princess? Kumain ka ng marami dyan, at hwag magpapagutom. Ang mommy ay alalang-alala sayo at hindi kumalma kanina sa sasakyan –" Kumunot ang noo ko. Si Mommy talaga, masyadong paranoid.

"Dad, sabihin mo kay Mommy parte pa rin ng Pilipinas ang Tagaytay. Uuwi naman po ako dyan, at saka you can visit me anytime you want. May mga tourist attraction naman siguro dito. Kapag nakagala na po ako ay sasabihin ko sa inyo ang mga attraction dito, para makadalaw at makapasyal na rin kayo." I want them to ease their paranoid concern. Gusto kong iparating sa kanila na ayos lang ako at hindi mapasama ang mapalayo kahit minsan. Through this, I can be independent.

Natapos ang tawag ni Daddy na puro paalala. Hindi ko nakausap si Mommy kasi kasalukuyang pinapaliguan nito ang aking kapatid. Lumabas ako ng aking room, at unang bumungad sa akin ang mukha ni Caleb. Nakasandal siya sa pader na katapat ng pinto ng akin room habang nakapamulsa. Sinarado ko ang pinto.

"Kanina ka pa?" Nagsimula na kaming lumakad patungo sa elevator.

"Nope, just 10 minutes..." Napalingon ako sa kanya.

"I'm sorry, kinausap pa ako ni Daddy sa phone." Lumapit siya sa akin nang makasakay kami sa elevator. Naramdaman ko ang braso nito na unti-unting pumapalibot sa aking bewang.

"It's okay. Are you hungry? Nakapagpahinga ka ba ng maayos?" Nag-aalalang tanong niya. Ngumiti ako sa kanya at inihilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat saka tumango. Naramdaman ko ang halik niya sa ibabaw ng aking ulo.

Kinilabutan ako pero gusto ko ang binibigay niyang feelings sa akin. Two weeks of being free, I mean, him being free. Walang girlfriend, walang Eden. I am happy na ngayon ay akin siya. I know being this happy is so wrong, lalo na't committed siya. But I don't care! As long as he'll stay with me, I'll fight.

Sa isang 50's inspired dinner and ice cream parlor kami kumain ni Caleb. Geraldine's ang pangalan ng kainang ito na malapit sa Bowling Lane ng Sports Center.

"After nating kumain, pahinga tayo ng konti tapos tara magbowling." Sa tanang buhay ko hindi ko pa nasusubukan ang maglaro ng bowling. Tanging badminton lang ang nilalaro ko kaya I wanna try something new.

Sumang-ayon naman sa akin si Caleb. Kaya naman pagkatapos nga naming kumain, ay pumunta kami sa bowling lane. Hindi ko maitago ang excitement na nararamdaman ko ng marating namin ang lugar.

"Are you excited?" Tanong sa akin ni Caleb habang sinusuot ko ang proper shoes kapag nagbobowling. Inangat ko ang aking tingin sa kanya tumango habang nakangiti. Binalik ko ang aking tingin sa sapatos na aking sinusuot. Naramdaman ko na lumuhod siya kaya muli kong inangat ang aking tingin sa kanya.

"Let me, sweetheart." Lumapit pa siya ng konti at saka niya hinawakan ang tali ng sapatos ko. Hindi ko nagawang tumanggi sa kanya dahil bigla na lang niyang inayos ang tali ng sapatos. Natulala ako sa mukha niya. Ang makinis nitong mukha ay nakadagdag ng appeal sa kanya. Samantalang ang makakapal at malalantik nitong pilik mata ay nagbigay buhay sa magandang kulay ng mata niya.

Natigil na lang ako sa aking pagtitig ng nagsalita muli si Caleb, "There you go. Let's start the game?"

Hindi ko alam kung nakapaglaro na nito si Caleb. Kampanteng kampante niyang kinuha ang bola at pumuwesto sa tila starting lane ng laro.

ALEXISWhere stories live. Discover now