Chapter 32

4.8K 187 55
                                    

"What are your plans now?" Tanong ni Paul. Andito kami ngayon sa isang coffee shop na malapit sa school. Dapat wala sila dito at hindi ko sila kasama pero dinamayan nila ako sa hirap na nararanasan ko ngayon.

Nagkibit-balikat na lang ako dahil ako mismo ay hindi ko alam ang gagawin ko. I want to disappear but I know it won't solve any problem. At saka, ako si Alexis! Matapang at walang inuurunga, so why back down? Yes. I am Alexis Martinez. I went back to my senses at alam ko na ang isasagot ko kay Paul.

Tiningnan ko siya ng diretso sa mata at saka ngumiti. "Paul, I am Alexis. I know what to do now." Nakangiti si Paul sa akin habang umiiling. Hindi makapaniwala sa aking simpleng sagot.

"Ano, Alexis? Dehado ka na nga dito. Paano kapag nalaman ito ng nasa office? Maaaring iharap ka sa kinauukulan!" I know my friends are all concern about me, but my instinct says I can handle this! Trust me.

Napalingon ako sa katabi ni Rose, si Bea. Halos mainis ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay iyak pa rin siya ng iyak! Tila siya ang nadehado at humaharap sa matinding issue sa school. Pero sa likod ng pagka-inis ko sa kanya ay ang tuwa na makitang sobrang concern sa akin ang bestfriend ko. Ito ang pagkakaiba namin ni Bea, palaban ako. Siya naman ay hindi. Masyadong iyakin!

"Bea, stop crying. Dapat nag-attend ka na lang ng klase kung iiyakan mo lang ako." I am not at her. Concern lang ako na baka hindi siya makahinga ng maayos kakaiyak niya. Mahina rin kasi ang isang ito physically!

"I-I can't, Alexis. I just can't believe –"

"Bea... ang tagal na nating magkaibigan at alam mo ang kaya kong gawin." Inabot ko ang kamay niya at pinisil ito bilang patunay na kaya ko ang sarili ko.

"What if you transfer –" Ani Rose.

"If you are going to suggest that kind of shit, then no! Parang ipinakita ko sa kanila na totoo ang nangyare kaya ako lilipat. That is a big no! I will go on with my studies here. Isa pa, graduation is nearing. Konting tiis na lang at college na tayo." Dumating ang mga order naming frappe at natahimik kaming lahat. Sa katahimikan namin ngayon, ay tila milyong-milyong idea ang sumasagi sa aking isipan. Hirap na hirap akong itimbang ang sitwasyon tapos naisip ko pa ang scenario na baka nga makarating ang nangyari sa upper management.

Wala akong nagawa kundi ang huminga ng malalim at manalangin ng saglit.

Panginoon, if this is the price I have to pay for all of my dirty games, so be it. But please don't leave me nor forsake me.

Gumaan ang aking pakiramdam sa aking munting panalangin.

Kinaumagahan, nagulat ako na lagat ng barkada ko ay naghihintay sa akin sa salas. Lahat sila ay ready na pagpasok sa school.

"Anong meron? Bakit andito kayong lahat? Wala naman akong invitation sa inyo this breakfast ah." Sabay-sabay kaming tumawa. Kaya kinatapusan ay sabay-sabay kaming kumain ng agahan. Very light ang environment. Alam ko naman ang dahilan kung bakit sila andito sa bahay. Bukod sa gusto nila akong sabayan sa pagpasok, alam kong gusto nilang masigurado na maayos akong makakapasok ng school.

Hindi ko ikakaila ang kaba na naramdaman ko habang papasok kami ng school. Pero taas noo pa rin ako habang naglalakad. After all, I got my friends!

Isang linggo ang lumipas na walang nangyaring kakaiba o masama sa akin. Sa tingin ko ay unti-unti nang namamatay ang issue between me and Caleb. Halos isang linggo ko ring hindi nakikita si Caleb. Marahil ay parehas naming iniiwasan ang isa't-isa.

"Alexis, pinapatawag ka sa Principal's office." Tumigil saglit si Ma'am Landicho sa pagtuturo niya upang tingnan ang nagsabi nito na nasa labas ng pintuan ng aming silid-aralan.

ALEXISWhere stories live. Discover now