Chapter 38

1.9K 82 58
                                    

This is one of the most awaited day ko. Bago ako pumasok ng bahay pinaplano ko pa lang kung paano ako makikipagkita sa mga dati kong kaibigan ngunit ngayon andito na sila sa harap ko. Mom and Bea really did a great job in hiding this surprise get together!

"Hay naku, tatlo na ang anak niya." Ani Angelo. Pinag-uusapan nila ang isa sa naging kaklase namin.

"Eh si Lila, tanda niyo pa?" Tanong ni Trish. Sabay sabay kaming nagtawanan ng marinig ang pangalan ni Lila.

"Bakit sinali siya sa usapan?" Pasigaw pero pabirong sagot ni Angelo.

Si Lila ay lower batch namin noon, two years ahead kami sa kanya. At ang dahilan kung bakit naging ganun ang reaksyon ni Angelo ay dahil si Lila ay baliw na baliw kay Angelo. Na halos siya na ang nanliligaw dito. Pero itong si bakla, pinapahiya lang lagi si Lila kasi nga bakla pa si Angelo noong mga panahong ito.

"Umaaligid pa rin ba sayo, Angelo?" Tanong ko. Natahimik ang iba sa tanong ko. Wala naman sigurong masama sa tanong ko, dahil wala naman akong alam sa nangyari dito sa Pilipinas.

"Well, Lila's getting married." Sagot nila.

"Oh, really? Good for her. Naka-move on na siya kay Angelo." Sagot ko. Nagtinginan lang sila bago sila tumingin kay Angelo. I sensed something, bakit parang may kakaiba sa reaksyon nila.

"Spill the beans. What's wrong with Lila and Angelo?"

Binalot ng katahimikan ang buong bahay. Naghihintay ako sa sagot nila. Malungkot ang mga mata ni Angelo, samantalang ang iba ay halos hindi maipaliwanag ang itsura.

Napainom ng juice si Angelo bago tuluyang sagutin ang tanong ko, "She's my... ahm, wife."

Napanganga ako at halos bumilog ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Did I heard it right? Lila is Angelo's wife? Wait, he's married already?

"You're married already? Ha, I didn't know." I said happily. Pero napansin kong ako lang ang masaya sa grupo. Walang umimik at lahat sila nakatingin away from me and Angelo. Alright, I am so clueless right now!

"Carbonara, anyone?" Pagbabago ng usapan ni Bea.

"Tita made the best carbonara, kaya ko ginawang bestfriend si Alexis. Let's eat."

Nilapitan ako ni Bea at hinila papunta sa kitchen. Sa ginawa niyang iyon alam ko nang may deeper story kay Lila at Angelo.

Nagtayuan naman lahat, at sumunod sa amin para kumain. We talked about everything except Lila. The house was filled with so much laughter na kahit si Mommy ay napapangiti sa aming kwentuhan.

I was running too fast the next day, for I am late to my class. Late na nag uwian ang mga kaibigan ko kaya naman late na ako nakapagpahinga at nagising. I wasn't even able to put a light make up on my face. Twas so bare, na kita ang natural kong kulay at pagkapula ng pisngi.

I entered the back door and silently sat on the nearest chair at the back. Minor subject lang naman ito and kahit sino from different department ay kaklase ko.

"I won't act like this is a major subject. So for the whole sem, you will only work on one project only. Your seatmate will be your partner. Here are the instructions for your whole semester project." The teacher distributed the bond paper.

I looked on my left side and nakita kong magkapartner na sila nung katabi niya. Wala naman akong katabi sa right ko. But, no worries! I can work on my own. Which I think will be better than working with a partner from different department.

But then suddenly, may umupo sa right side ko. I didn't bother looking for his or her face. Napahinga na lang ako malalim.

"Nagkapartner pa nga, malas." Mahina kong sambit na may paghihinayang. Mas gusto ko kasi talagang mag isa na lang.

ALEXISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon