SECRET RELATIONSHIP BE LIKE

2 1 0
                                    

I have a boyfriend named Lexin. He's my long-time enemy before but I didn't expect that I will fell in love with him. But the thing is, our relationship is a secret.

"Vaaanceeee!"

I was busy reviewing my lectures when I heard a shrieking voice.

I know who she is. She's Chloe. My girl best friend.

Bigla itong tumabi sa'kin. Sus! Alam ko na kung anong sasabihin nito.

"'Wag ka nang magsalita, Chloe. Alam ko na kung anong sasabihin mo. Tungkol na naman 'yan sa napanood mong BL series." Sinimangutan ko siya.

Napakamot ito sa ulo. "Gusto ko lang naman i-share 'yung nararamdaman ko. Pakiramdam ko sasabog na 'pag 'di 'ko na-ikwento."

I sighed. "Next time na lang. Nagre-review ako para sa darating na exams."

Medyo nalungkot ang mukha nito. "Okaaay," sabi niya at bumuntong-hininga.

"Babe!" Napalingon kami ni Chloe at nakita si Dexter na naglalakad palapit sa'min.

Dexter is Chloe's boyfriend. He's one of my friends. Actually, apat talaga kaming magkakaibigan. Ako, si Lexin, Chloe at Dexter.

Dumeretso ito kay Chloe at yinapos ng yakap. Humalik pa ito sa pisngi.

Sana all.

"Vance, nasa'n nga pala si Lexin?" Tanong ni Dexter.

Speaking of Lexin, may usapan nga pala kami kanina. Magkita raw kami ng 11am sa secret place namin. Teka-- anong oras na ba?

Shit! Pasado alas-onse na!

"Chloe, Dexter, maiwan ko muna kayo." Nagmamadaling sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko.

"Teka, Vance. Sa'n ka pupunta? Hoy!"

Hindi ko na sinagot si Chloe at mabilis na lumabas ng classroom.

-----

"You're ten minutes late." Wika ni Lexin.

Kararating ko pa lang sa secret place namin dito sa university. Hingal na hingal pa ako dahil tumakbo ako mula classroom papunta rito.

Naabutan kong nakaupo sa bench ng rooftop si Lexin. Oo, rooftop ang secret place namin. Naka-crossed legs pa ito at madilim ang mukha. Nakabusangot ito dahil nahuli ako ng dating.

Tumabi ako sa kanya at isinakbit ang braso ko sa braso niya.

"Sorry naaaa. Hindi ko na kasi naisip kung anong oras na dahil busy ako sa pag-review, alam mo naman malapit na exams natin."

Lumabi pa ako matapos kong sabihin 'yon.

"Ano bang mas priority mo, ako o 'yang exams?"

"Asus! Nag-tampururut ka pa! Syempre, pareho. 'Yung exams kasi mahalaga, tapos ikaw mahal ko."

Napatingin siya sa'kin dahil sa sinabi ko pero iniwas niya naman agad.

"Banat ba 'yon? Ang mais!"

Corny raw?

"Totoo 'yon. Mahal kita. 'Wag ka na kasing magtampo, Lexin."

Hindi siya sumagot. Nakasimangot pa rin 'yung mukha niya.

Bigla siyang tumayo at mabilis na naglakad. Tumayo rin ako at hinabol siya. Hinigit ko siya sa braso at mabilis na iniharap sa'kin. Hinawakan ko ang batok niya at inilapit iyon sa mukha ko upang bigyan siya ng isang matamis na halik sa kanyang mga labi.

Tumagal iyon nang ilang segundo. Bumakas ang ngiti sa labi ni Lexin.

"Gagawin mo naman pala eh." Nakangisi ito ng nakakaloko.

My Cup of One-Shot Stories [2019-present]Where stories live. Discover now