THE UNEXPECTED

2 1 0
                                    

I wrote this year 2019

-----

"I love you, Rodelyn."
"I love you too, Dwaine."

Matapos kong sabihin iyon kay Dwaine my crush ay dahan-dahan niyang inilalapit yung mukha niya sa mukha ko. Napapikit na lang ako dahil alam kong hahalikan niya ako. Ilang inches na lang at maglalapit na ang labi namin nang biglang-------

"Ouch!" Napasapo na lang ako sa ulo ko dahil sa isang malakas na batok. Kanino ba nanggaling yun? Ang shakeeeeet eh!

"Hoy ate gising na! Nananaginip ka na naman sa Dwaine na yon!" Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mataray kong bunsong kapatid na si Mary France.

"Bwiset naman oh! Maghahalikan na sana kami ni Dwaine eh!" reklamo ko.

"Maghahalikan? Eww!" Napairap na lang ako sa ere dahil naiirita lang ako dito sa kapatid ko.

"Che! Lumabas ka nga dito sa kwarto ko, ang aga aga nambibwiset na!"

"Isusumbong kita kay mama! Inaaway mo ko!

"Eh di magsumbong ka!"

"Talaga!" Sabi niya pa sabay dali-daling lumabas ng kwarto ko. Napahinga na lang ako ng malalim. Oo, ganyan talaga kami ng kapatid kong si Mary France. Pero kahit ganyan siya may pagkamaldita, lab na lab ko 'yan.

Natigilan ako nung bigla kong maalala yung 3 signs na hinihingi ko para sa crush kong si Dwaine.

Sign#1: Since Friday ngayon at hindi kami mag-uuniform, gusto kong makita siyang naka-blue na t-shirt. Diba kadalasan naman ng mga boys mahilig sa blue? Kasi manly daw ang color na 'yun

Sign#2: Dapat hindi siya late ngayong araw

Sign#3: And mamaya since exam namin ngayon, kapag humikab ako dapat ang sumunod na humikab sakin ay si Dwaine. Sa paraan daw kasi na iyon ay malalaman mong may gusto sayo ang crush mo. Haha. Oo isa iyong kabaliwan para sa iba pero para sa akin totoo 'yon.

At kapag natupad ang tatlong signs ko na iyan, I will confess my feelings for him. Aamin na ako kay Dwaine na gusto ko siya. Yiiiiee i'm soooo eksayted! Makaligo na nga.

*****

Nandito na ako ngayon sa Gautami University. At ang iniisip ko lang ngayon ay kung matutupad ba ang tatlong signs na 'yon. Feeling ko nga nanlalamig ako, siguro dahil 7am pa lang at medyo malamig pa.

Kasalukuyan na akong naglalakad sa open field. Todo smile ako ngayon. At grinigreet ko ng 'good morning' yung mga students na nadadaanan ko. Kahit na bad mood ako kanina sa bahay, at least dito mukhang magiging good mood ako.

"Araaaaay!" Bigla na lang akong napasigaw at natumba dahil sa isang bagay na tumama sa mukha ko. Agad naman akong napasapo sa mukha ko.

"Miss, I'm really really sorry, h-hindi ko sinasadya." Pinilit kong imulat yung mga mata ko at bumungad sakin si...

Dwaine. Oo, si Dwaine yung ultimate crush ko.

Agad naman akong napangiti sa kanya. Hindi ko alam pero awtomatikong gumalaw yung kamay ko at hinaplos yung pisngi niya. Oo, sobrang lapit niya sakin. Hindi ako makapaniwalang siya pala yung sumipa nung soccer ball at tumama iyon sakin. At dahil siya nga, hindi ko na lang iindahin yung sakit. At tatanggapin ko din yung sorry niya.

"Dwaine." Tawag ko sa kanya. Feeling ko nag-slow motion yung paligid at kaming dalawa lang ngayon ang tao dito sa loob nitong university.

"Dwaine? Miss, h-hindi ako si Dwaine." Parang biglang bumalik sa normal ang lahat dahil sa sinabi niya. Napapikit pa ako at muling iminulat ang mga mata ko at bumungad sakin ang lalaking inakala kong si Dwaine. Si ano pala, si Charles. Yung captain ng soccer team. Sikat din siya dito sa GU dahil bukod sa magaling din siya sa larong soccer, gwapo din siya kaya kinababaliwan din siya ng ibang girls dito. Pero sorry siya, si Dwaine lang ang gusto ko. Haha.

My Cup of One-Shot Stories [2019-present]Where stories live. Discover now