MY PRIMO AMORE (My First Love)

2 1 0
                                    

I've been searching him. I've been longing for him. 6 years old palang ako simula nung makilala ko siya. Anak siya ng kumare ng mommy ko. Naging crush ko siya noon kasi siya palagi yung nagpoprotekta sakin kapag binubully ako ng mga kaklase ko.

Nung 8 years old na ako at 10 naman siya. Hindi ko akalaing sa isang iglap ay iiwan niya ako. Paggising ko na lang sinabi na lang sakin ni mommy na nag-migrate na daw sila sa America. Nalungkot talaga ako nung mga araw na 'yon. Hindi man lang siya nagpaalam sa'kin. Ewan ko nga bakit hindi man lang ako nakaramdam ng galit sa kanya.

Lagi kong iniisip na one day, babalik siya dito sa Pilipinas para magkita ulit kami. Pero 10 years na ang nakalilipas hindi pa din kami nagkikita. Wala pa din akong balita tungkol sa kanya. Minsan nga iniisip ko kung ano ng itsura niya at kung ano ng nangyare sa kanya.

'Magkikita pa kaya tayo, Yuhan Dela Vega?'

"Jehan anak, may balak ka bang lumabas dyan sa kwarto mo o wala? Kanina pa naghihintay sayo sa baba si Kisstelle." Natauhan na lang ako sa boses ni mommy na nasa labas ng kwarto ko.

"Lalabas na po." sabi ko sabay hinga ng malalim bago lumabas ng kwarto.

*****

"You know what, Jehan? Kalat na kalat na sa buong school natin na may new student daw na dadating ngayon. At sobrang gwapo daw nito! Yiiee! I really can't wait na makita siya!" Kinikilig na sabi ng beshie kong si Kisstelle. We are here at our school canteen, kasalukuyan kaming nagb-breakfast ngayon ni Kisstelle. Hindi pa kasi nagb-breakfast 'tong si Kisstelle kaya nagpasama siya dito. Nilibre niya ako kaya nagbreakfast na lang ulit ako.

Napairap na lang ako sa ere at saka ko siya binatukan. "Araaaay! Kahit kelan talaga napakasadista mo Jehan!" reklamo niya at sobrang nakakatawa na ngayon yung itsura niya. Ang panget kasi nitong beshie ko kapag nakasimangot. Oo, ganyan ako ka-supportive sa kanya. Haha.

"Eh wag ka kasing OA para hindi ka mabatukan!" singhal ko sa kanya.

"Eh sino naman ang hindi maeeksayt na makita ang gwapong new student dito sa school natin? aber?" -Kisstelle Marie

Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Sa totoo lang, isa din ako sa mga nai-excite na makita ang new student dito sa Gautami University. Pero hindi naman kelangang maging OA diba? Di tulad nitong beshie ko na sobrang OA, palibhasa mahilig sa mga gwapo! Pwe!

"WAAAAAAAHHHH!!"
"KYAAAAAHHHH!!"
"AAANNNGGG GGWWAAAAPPOOO!"

Nagitla kami nung biglang may nagtilian sa labas ng canteen.

"OMG bes! Nandyan na siguro yung gwapong new student! Tara daliiiii!" Hindi pa ako nagsasalita pero agad na akong hinila ni Kisstelle palabas ng canteen. Nagsilabasan din yung ibang mga students na nandito din sa canteen.

Nung nakalabas na kami, hinila naman ulit ako ni Kisstelle palapit doon sa mga nagkukumpulang mga estudyante.

Pinilit namang sumingit ni Kisstelle dun sa mga estudyante para lang makalapit sa gwapong new student kuno. Halos mabingi na ako sa lakas ng tilian ngayon sa hallway. At siguradong free silang magsisisigaw ngayon kasi maaga pa at wala pang mga teachers sa mga oras na 'to.

Dahil sa sobrang sikip nakabitaw ako sa kamay ni Kisstelle. Hindi ko na siya makita kasi pinagtututulak na ako ng mga ibang estudyante. Since cute ang height ko, hindi ko rin makita yung new student. At mas lalong hindi ko na makita si Kisstelle. Huhuhu. T^T

"Kissteeeelle!" Tawag ko pero hindi ko na talaga alam kung nasan na siya.

Hindi na rin ako makahinga sa sobrang sikip, pinagpapawisan na din ako. "Araaay!" Napasigaw na lang ako nung biglang may umapak ng malakas sa paa. Aray! huhuhu!

"Sorry miss." Narinig ko namang nagsalita yung babae na malapit sakin. Nginitian ko naman siya pero yung pilit lang.

"O-okay lang. hehe." Tipid na sagot ko. Sinabi kong okay lang pero ang sakit talaga! >____<

Nasaan na ba kasi si Kisstelle?!

*****

"Besh! Ang gwapo talaga niya! Gusto kong mahawakan yung kamay niya kaso hindi ako makalapit sa kanya sa sobrang dami ng estudyante kanina." sabi pa ni Kisstelle pero hindi ako nakikinig sa kanya. Minsan kasi nakakasawa ng makinig lalo na't puro lalaki ang nabibigkas ng bibig niya.

Nandito na kami ngayon sa classroom. As usual kapag wala pang teacher ay ingay dito ingay doon. Kanya-kanya kaming ingay ngayon. Pero wala ako sa mood mag-ingay, ito lang namang si Kisstelle ang hindi matigil sa kakangawa.

"Wait lang besh, ba't bumitaw ka sakin kanina?" tanong ni Kisstelle. Napairap na lang ako sa ere.

"FYI nakabitaw lang ako sayo kanina dahil sa naiipit na ako ng mga estudyante, and you know what? hindi na nga ako makahinga kanina at meron pang tumapak sa paa ko." pag-aalburoto ko.

"So sad besh." sabi niya na parang natatawa, binatukan ko nga, nang-aano kasi eh.

"Guys, ma'am is here!" someone yelled kaya agad naman kaming nagsiayos at nanahimik.

"Good morning class!"
"Good morning ma'am!"
"Please seat down."
"Thank you ma'am!"

"So.. siguro naman nakita niyo na yung new student dito sa school?" tanong ng teacher namin na si Ma'am Frida.

Sumagot naman kaming lahat. "Hijo, c'mon, you're welcome here." sabi pa ni ma'am habang may kinakausap mula sa labas ng classroom. Pumasok naman ang isang lalaking matangkad, maputi, makinis ang balat, at higit sa lahat.... gwapo! Mukhang nahawaan na ako ni Kisstelle sa pagkahilig sa mga gwapo. Haha.

"Besh! Omg, kaklase natin siya!" tiling sigaw ni Kisstelle. Mas lalong nagtilian yung mga babae at bakla kong mga kaklase nung mag-smile siya. Natigilan ako kasi familiar sakin ang mga ngiting 'yon. Ang mga ngiting iyon ang bumihag sa puso ko. Pero hindi naman pwedeng maging siya ang childhood ko na si Yuhan. In-erase ko naman sa isipan ko ang isiping iyon.

"Hello everyone!" Masiglang sabi niya. Nag-'Hi' naman kaming lahat sa kanya.

"You know what class, you are all lucky kasi itong section natin ang pinili niya." Nagtilian ulit ang mga babae at bakla kong kaklase sa sinabi ni Ma'am Frida, pero mukhang mas nangibabaw ang tili ni Kisstelle. "Go hijo, introduce yourself." Tumahimik naman ang lahat at hinintay na magsalita ang new student.

"I am Yuhan Dela Vega. 18 years old. I came from Otashi University in America blah blah blah blah." Hindi ko na pinakinggan pa yung iba niyang sinabi. Dahil ang iniisip ko lang ngayon, nagbalik na siya. Bumalik na ang lalaking minahal ko. At sobrang saya ko ngayon, dahil hindi ko akalaing babalik ka...

Yuhan Dela Vega, my primo amore.

*****

Finally, lunch time na. Hindi na ako makapaghintay na kausapin si Yuhan. Halos hindi na nga ako makapagfocus sa discussion namin kanina kasi occupied niya yung utak ko.

Pinauna ko na lang sa canteen si Kisstelle. Sinabi ko na lang na may aasikasuhin lang ako pero ang totoo gusto ko lang talagang makausap si Yuhan.

Kaming dalawa na lang ngayon ni Yuhan ang natira dito sa classroom. Nagsilabasan na kasi yung iba. Lalakad na sana siya palabas kaso pinigilan ko siya.

"Teka lang!" Napatigil naman siya at lumingon sa'kin.

"What?" Walang emosyong sabi niya. Parang umurong yung dila ko dahil hindi ko masabi yung gusto kong sabihin. "Is there any problem?" Natauhan naman ako sa tanong niya.

"Uh---ahm.. H-hindi mo ba talaga ako nakikilala Yuhan?" Ewan ko pero kinakabahan ako.

"Tch. Syempre kilala kita." Nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi niya.

"Talaga?"

"Oo. Kaklase kita diba?" Sabi niya sabay marahang tumawa.

"P-pero maliban sa kaklase mo ako, h-hindi mo ba talaga ako nakikilala?" Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya.

"No. Your face doesn't sounds familiar." Seryosong sabi niya. "Miss, kung wala kang ibang sasabihin aalis na ako."

"W-wait lang!" Napatigil naman ulit siya pero hindi siya lumingon sa'kin. "Yuhan, ako 'to. Ako 'to si Jehan, yung kababata mo dati. Naalala mo pa ba nung 6 years old palang ako tapos 8 years old ka naman. Pinagtanggol mo pa nga ako noon sa mga nambubully sakin noon----" Natigil ako sa pagsasalita nung bigla siyang mapasapo sa ulo niya. Muntikan na nga siyang matumba buti na lang nakahawak siya sa upuan na malapit sa kanya.

"O-okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko.

"S-sumakit lang bigla yung ulo ko pero I'm okay. Sorry miss, pero wala akong kilalang Jehan. At wala rin akong makilalang kababata ko. At hindi ko alam yung pinagsasasabi mo. I'm really sorry miss." At tuluyan na siyang naglakad palabas. Naiwan naman akong puno ng pagtataka. Bigla namang tumulo ang mga luha ko.

Feeling ko nanghihina ako. B-bakit hindi niya na ako kilala? Bakit hindi na ako nakikilala ng ng lalaking una kong minahal.

He's Yuhan Dela Vega, my primo amore, my first love. Pero bakit ganon? Nangyare na nga ang gusto kong mangyare, pero hindi niya naman ako maalala?

- - - - -

E N D.

My Cup of One-Shot Stories [2019-present]Where stories live. Discover now