MISTRESS

2 1 0
                                    

My husband arrived from his work and it's already 10pm at night.

Kanina ko pa siya hinihintay. Ba't ngayon lang siya nakauwi?

"O, darling.. ba't gising ka pa?"

I gave him a death glare.

"Eh ikaw, ba't ngayon ka lang?!" Bulyaw ko.

"Eh k-kasi.."

"Eh kasi ano?! Don't tell me may ibang babae ka walanghiya ka!" Sabay lapit ko sa kanya at pinagsusuntok siya sa dibdib.

Hinuli niya ang mga kamay ko upang patigilin ako sa pagsuntok sa dibdib niya.

"D-Darling.. w-wala akong ibang babae.."

"Liar! Edson kilala kita, alam kong may iba kang babae?!"

"Pa'no mo naman nasabi, darling? May ebidensya ka ba?"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Sa totoo lang, pinaghihinalaan ko lang siya pero wala talaga akong ebidensya.

Alam niyo yung woman instincts? 'Yung mararamdaman mong may kakaiba sa asawa mo? Feeling ko kasi may ibang babae na ang asawa ko kaya nag-iiba na siya.

Wala na kaming time sa isa't isa. Lagi siyang pagod. At laging dis-oras na ng gabi umuuwi, hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya.

"Harleign, matulog na lang tayo. Pagod na pagod ako tapos galit ang ibubungad mo sa'kin? Pinaghihinalaan mo pa akong may ibang babae eh wala ka namang ebidensya. Nakakawala ng gana." Wika niya sabay lakad patungong hagdan.

Naiwan naman akong nakatulala at nakanganga.

I won't stop, Edson. Malakas ang instincts ko. Patutunayan kong tama ang hinala ko. At ako mismo ang hahanap ng ebidensya.

-----

It's 9pm in the evening. Matagal kong hinintay ang oras na 'to.

Humanda ka, Edson.. Malalaman ko rin ang totoo..

"Ma'am, kanina pa pong 8pm umalis si Sir Edson. May nagsundo po sa kanya, nakasakay sa Lamborghini pero hindi ko po nakita ang mukha."

"Sa'n sila pumunta?"

"Sa Hotel 'ata, ma'am. Narinig ko kasi silang---"

"Sa isang sikat na hotel--"

"G-Gano'n ba? Sige, maraming salamat, Miss--?"

"Miss Darlyn po."

"Thank you, Miss Darlyn. Sige, aalis na ako."

I just smiled at her. Lumabas na ako sa building na pinagtatrabahuan ng asawa ko.

'Sabi ko na nga ba.. May iba na ang asawa ko! Humanda siya!'

-----

Ilang minuto ang byinahe ng taxi na sinakyan ko. Nasa harapan na ako ng sikat na hotel.

"Miss, nag-check-in po ba rito si Edson Villafuerte?" tanong ko sa babaeng receptionist.

"Wait lang po, ma'am.." Binuklat niya ang isang logbook 'ata na may names ng mga naka-check-in pati rin ang room numbers kung saang room sila naka-check-in.

"Edson Villafuerte.. ayun.. 6th floor.. Room 143 po ma'am--"

"Sige, thank you.."

Dali-dali akong nagtungo sa elevator. Mabuti naman at hindi gaanong puno.

Nakarating agad ako sa 6th floor at hinanap agad ang Room 143.

Agad kong binuksan ang pinto ng k'warto.. I was shocked!

"E-Edson.." sambit ko sa pangalan niya.

Sabay silang napalingon sa'kin ng kabit niya.

"H-Harleign.. L-Let me explain--"

"HOW DARE YOU?! ANONG KABABUYAN 'TO?! DON'T TELL ME SIYA ANG KABIT MO?!"

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kabit ni Edson. Kung babae lang sana siya eh sinabunutan ko na pero hindi eh.

Oo, hindi babae ang kabit ni Edson kungdi lalaki..

Mga walanghiya sila! Nagsisiping pa sila eh pareho silang may espada! Pwe!

-----

E N D.

My Cup of One-Shot Stories [2019-present]Where stories live. Discover now