BREAKFAST

2 1 0
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock.

Tiningnan ko iyon at nakitang alas-siyete na ng umaga.

Lumabas ako ng k'warto at tumungo sa k'warto nina Angelo at Angela, my twins.

Sinilip ko sila at nakitang mahimbing pa silang natutulog.

Mamayang alas-otso pa ang pasok nila sa school kaya naisipan kong ipagluto muna sila ng almusal.

Bumaba ako at nagtungo sa kusina. Nagtaka ako nang may babaeng naghahain ng almusal sa lamesa.

"Angeline?"

Nag-angat naman ng ulo ang babae. Napangiti siya ng makita ako.

Siya nga. Si Angeline nga. Ang asawa ko. Napakaganda niya talaga.

"Magandang umaga, hon." Lumapit siya sa'kin at dinampian ako ng halik sa mga labi. "Sige na hon, maupo ka na."

Umupo sa upuan na inaalok niya.

"Nga pala, sina Angelo at Angela?"

"Natutulog pa sila eh. Teka, d'yan ka lang at ako na ang gigising sa kani--"

"Good morning, Pa!"
"Good morning, Dad!"

Bumungad sa'kin sina Angelo at Angela.

"O gising na pala kayo. Halina at kakain na tayo." Lumapit na sila sa lamesa at saka umupo.

Nilingon ko si Angeline at nakangiti lang siya. She mouthed, 'kumain na kayo at mamaya na ako'. I just smiled at her.

"Pa, mukhang masarap itong inihain mong breakfast."

"Oo nga, Dad." Angela agreed. "Hmm.. yummy!" sambit ni Angela matapos tikman ang champoradong niluto ni Angeline.

"Mga anak, ang mommy Angeline niyo ang nagluto n'yan.." Nakangiting sambit ko.

Biglang napatigil sa pagkain sina Angelo at Angela. Naging seryoso ang mga mukha nila na nakatingin sa'kin. Nabalot tuloy ng katahimikan ang kusina.

"P-Pa.. 'di ba p-patay na si m-mommy?"

"Y-Yes, dad. M-Mommy was already dead. Ba't siya magluluto?"

Para akong natauhan sa mga sinabi ng mga anak ko.

Then I realized.. Patay na nga si Angeline.. Patay na nga ang asawa ko.. She died in a car accident years ago..

Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko dahil alam kong nasa likuran ko si Angeline.

Pero nagtaka ako dahil wala na siya. Inilibot ko pa ang paningin ko sa buong kusina pero wala na talaga siya. She suddenly disappeared.

-----

E N D.

My Cup of One-Shot Stories [2019-present]Where stories live. Discover now