IT WAS JUST A LIE

5 1 0
                                    

My cellular phone beeped so I got it from my pocket. Someone sent me a message.

My lips formed a curve when I saw the sender. It's Jaui, my long-time boyfriend.

'Good morning, Cindy mylabs! Don't forget to eat your breakfast. I LOVE YOU <3'

Mas lalo pang lumapad ang ngiti sa mga labi ko nang mabasa ko ang message niya.

Damn, Jaui! You always making me kilig! >////<

'Good morning too, Jaui mylabs! Always take care. I LOVE YOU, TOO <3' I replied.

Nag-beep na naman ang cellphone ko at nakitang nagreply ulit siya.

'I LOVE YOU MORE<3'

'I LOVE YOU MOST|

Natigil ang pagtitipa ko nang marinig ko ang boses ni kuya.

"Jaui Foster? Sinong Jaui?"

Agad kong naitago ang cellphone ko bago pa mabasa ni kuya yung convo namin ni Jaui.

"Wala, kuya."

"Anong wala? Boyfriend mo ba 'yan?"

"N-No, kuya.."

"Ba't ayaw mong tumingin sa'kin? May tinatago ka ba?"

Agad naman akong napatingin kay kuya.

"N-Nothing, kuya."

Damn! Ba't ba ako nauutal?

"Cindy.. I know you. Kilala kita kapag may tinatago ka sa'kin. Sasagutin mo lang naman ang tanong ko. Is he your boyfriend?"

Yumuko muna ako at saka tumango bilang tugon.

"Sabi ko na." Napapailing na sambit ni kuya.

"Jaui Foster.. name pa lang manloloko na."

"Kuya Cendric naman, he's not manloloko. I know him."

"Are you sure? Do you think, alam mo na lahat about sa kanya?"

Hindi ko alam ba't ako natigilan sa tanong ni Kuya Cendric.

Kilalang-kilala ko na ba talaga si Jaui?

"Magbreakfast na nga lang tayo." Nginitian ko na lang si kuya at saka nagsimula na kaming mag-almusal.

-----

"Cindy, kamusta na kayo ni Jaui?" tanong ni Stella, kaibigan ko.

"Ok lang naman. Kaso ilang araw na kaming hindi nagkakasama, busy siya eh. Nag-out-of-town. I really missed him."

"Busy? O baka may iba na?"

Kinunutan ko naman ng noo si Stella. Ano bang sinasabi niya?

"Haha. Ano ka ba, Stella? Hindi magagawang humanap ng iba ni Jaui. He's faithful."

"Bahala ka. Tska alam ko na alam mo, na certified playboy 'yang si Jaui."

Yes, Stella was right. Jaui is a certified playboy. Pero nangako siya sa'kin, nangako siya sa'kin na hindi siya maghahanap ng iba. And I hope hindi masira ang pangako niya.

"He promised, Stella. He promised that he would never find someone."

Napaangat naman ang isang kilay ni Stella. "I hope hindi mo bawiin 'yang mga sinabi mo. And I hope, hindi ka magsisi sa huli. Bye."

Nakatingin lang ako kay Stella habang naglalakad siya papalayo.

'Yung mga sinabi ni Stella, parang may alam siya. 'Di kaya may iba na si Jaui? At alam iyon ni Stella?

----

Dinala ako ng mga paa ko sa rooftop ng campus namin. Hindi ko alam ba't gusto kong mapag-isa. At pabalik-balik sa isipan ko ang mga sinabi sa'kin ni Stella.

"Pre, pa'no kung malaman ng Cindy na 'yon na may ibang babae si Jaui?"

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng rooftop nang bigla akong makarinig ng boses.

Napakunot-noo ako dahil narinig ko ang pangalan ko pati ang pangalan ni Jaui. Curiosity is killing me so naisipan kong mag-eavesdrop.

"Oo nga pre, sigurado akong masasaktan si Cindy. Inakala niyang busy si Jaui pero ang totoo may iba na siyang babae."

Parang nabingi ako sa narinig ko. Nag-init ang sulok ng mga mata ko at saka tumulo ang mga luha ko.

Don't tell me totoo ang sinabi ni Stella sa'kin? Na may ibang babae na si Jaui? No! Hindi 'yon totoo! Sayang yung 8 months na pinagsamahan namin, yung relasyon namin!

Hindi ko sinasadyang maitulak 'yung pinto kaya bumukas iyon, mabuti na lang at mabilis akong nakapagtago.

"Pre, may tao."

"Oo nga, tara puntahan natin."

Nakarinig ako ng mga yapak palabas ng rooftop pero bago pa nila ako maabutan, tumakbo na ako pababa. Napakahinga na ako ng maluwag nang mapagtanto kong malayo na ang tinakbo ko.

-----

Days had passed. Ilang araw akong hindi makatulog kakaisip kay Jaui. Nakailang messages na ako sa kanya pero ni isa wala siyang reply. At iisa lang ang laman ng messages ko, tinatanong ko sa kanya kung may iba na siya. Hindi ko rin kasi alam kung matatanggap ko ba o hindi.

"Cindy, kumain ka na." Boses ni Kuya Cendric mula sa labas ng k'warto ko ang narinig ko.

Tumulo na naman ang mga luha ko nang walang dahilan. Hindi ko alam ba't ang OA ng luha ko. Kahit walang dahilan bigla bigla na lang tutulo.

Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko.

"Wala akong gana, kuya.." Pumiyok pa ako nang sabihin ko ang mga salitang 'yan. Pati boses ko naaapektuhan na. Siguro dahil na rin sa kakaiyak.

Narinig ko ang pagpihit ni kuya sa doorknob at ang pagbukas ng pinto.

"Cindy, sabihin mo lang kung may problema ka? Kuya is always here. Kuya is always there for you."

"Kuya.." Sambit ko at tuluyan ng humagulgol ng iyak at saka siya niyakap. Niyakap niya rin ako pabalik.

"Shhh. Stop crying.."

"K-Kuya-a.. I r-really love J-Jaui-i.." Halos hindi ko na mabigkas 'yung sinasabi ko dahil sa paghikbi ko. "I d-don't want-t to l-lose him.."

"Niloko ka ba niya, bunso?"

"N-no, k-kuyaa.. A-ayokong maniwalang may i-iba na s-siya-a.."

"You know what, Cindy? Sometimes, kelangan nating maniwala o tanggapin ang totoo."

Kuya Cendric's words made me think. Kelangan ba talagang maniwala? Tska bago ako maniwala, gusto ko munang mapatunayan kung totoo ngang may ibang babae si Jaui.

-----

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana ng k'warto ko.

Naramdaman kong nag-beep ang cellphone ko na nasa kamay ko. Agad ko iyong tiningnan kung sino ba ang nagmessage.

'Jaui Foster..'

Biglang bumakas sa labi ko ang isang ngiti. Isang ngiti na ngayon ko lang nagawa matapos ng ilang araw.

'Good morning, Cindy mylabs! Don't forget to eat your breakfast. I LOVE YOU <3'

Nagtaka ako dahil parang ganito rin yung mga unang message niya sa'kin. Parang copypasted lang.

Nag-beep ulit yung cellphone ko at si Jaui ulit yung nagmessage.

'Nakauwi na ako sa bahay, mylabs! I really missed you so much. Gusto na kitang makita. Grabeh ilang araw akong nawala. Btw, punta ka sa bahay mamayang 10am. I will wait for you, Cindy mylabs!'

Para akong nabuhayan ng loob. Parang napawi yung pagod at lungkot na naramdaman ko this past few days.

Finally, magkikita na muli kami.

-----

Mabilis na lumipas ang 10am kaya nandito ako ngayon sa k'warto ko at nag-aayos ng sarili ko. Gusto kong maging maganda sa harap ni Jaui. Papatunayan ko sa kanya na hindi na siya dapat maghanap pa ng iba.

"Cindy, hija. Hindi ka ba tapos d'yan? Narito na ang sasakyan mo."

"Lalabas na ho, Manang Estelita."

Tumingin pa ako sa salamin at tiningnan ang itsura ko. Siguro naman hindi na maghahanap ng iba si Jaui?

"Cindy, hija. Ikaw ba 'yan?"

"Ano ka ba naman, Manang. Ako lang 'to syempre."

"Napakaganda mo naman. Parang ako noong ako'y dalagita pa."

"Nagmana 'ata ako sa inyo, manang. Nga pala, umalis na ba si Kuya Cendric?"

"Kanina pa. Yung mommy at daddy mo naman, next week pa 'ata uuwi."

"Ah gano'n ho ba? Teka, kaninong sasakyan 'to, manang?"

"Kay Jaui raw, hija. 'Yan daw ang sasakyan mo papunta sa kanila."

"Si Jaui talaga, sobrang sweet."

"Mag-iingat ka, hija."

"Opo, manang. Ba-bye na po."

"Ba-bye rin, hija."

----

Pumasok ako sa mala-palasyong bahay nila Jaui. At hindi ko maiwasang mamangha sa loob ng bahay nila. Grabe, napakaganda.

"Magandang umaga, Miss Cindy. Ako nga pala si James, butler ni Sir Jaui."

"Magandang umaga rin po, Butler James."

"Yup. Anyway, nasa k'warto po si Sir Jaui at kanina pa po siya naghihintay sayo."

I just smiled at Butler James then he smiled back.

Nakarating agad ako sa taas. Nasa harapan na ako ng k'warto ni Jaui.

Inhale..
Exhale..

Pipihitin ko na sana ang doorknob pero napansin kong medyo nakaawang pala ang pintuan. I slowly open the door.

Isang hindi inaasahang pangyayari ang bumungad sa'kin.

I saw Jaui and Stella, kissing with each other.

"Jaui? Stella? A-Anong ibig sabihin nito?"

Lecheng luha 'to, ba't bigla na namang nagsilabasan?

Sabay silang lumingon sa'kin. Nakita kong ngumisi si Jaui sa'kin at saka tumayo at lumakad palapit sa'kin.

"Buti naman pumunta ka dito."

"H-How dare you?! P-pinapunta mo ba 'ko dito para--para--"

Shit!

"Oo! Pinapunta kita rito para makita mo kami ni Stella!"

Biglang lumapit sa'kin si Stella at binigyan ako ng isang malakas na sampal. Nalasahan ko naman ang dugo mula sa gilid ng labi ko.

"Sinampal kita dahil tanga ka!"

Pinilit kong humarap kay Stella kahit sobrang sakit ng pisngi ko. Binigyan ko rin siya ng isang malakas na sampal.

"Sinampal din kita dahil traydor ka! Walang hiya ka, Stella! Isa kang ahas na kaibigan! Mang-aahas ng boyfriend!" Pumiyok pa ako pero balewala lang sa'kin 'yon.

"CINDY, ANO BA! BAKIT MO SINAMPAL SI STELLA?! BAKIT MO SINAMPAL ANG BABAENG MAHAL KO?!" Nanggagalaiting sabi ni Jaui.

Ano raw? Babaeng mahal niya? So, ako hindi?

"CINDY, MATAGAL KO NG GUSTONG MAKIPAGHIWALAY SAYO! PERO HINDI KO KAYA DAHIL NAKAKAAWA KA! NAAAWA AKO SAYO!"

"HINDI NAMAN KITA MINAHAL EH! PINAGPUSTAHAN KA LANG NAMIN NG MGA BARKADA KO! EH IKAW NAMAN EH NA-FALL SA'KIN! KAYA WALA AKONG KASALANAN KUNG BA'T MINAHAL MO 'KO!"

Feeling ko nanghina ako sa mga narinig ko. Feeling ko isang galaw ko lang sa kinatatayuan ko eh matutumba ako.

"Oo, Jaui. Hindi mo nga kasalanan kung ba't kita minahal! Eh ang tanga ko eh! Ba't ba ako na-fall sayo!"

"At ikaw naman, Stella. I think you deserve this!" Binigyan ko ulit siya ng isang malutong na sampal.

"Para 'yan sa ahas na kaibigan!"

Binigyan ko rin ng malutong na sampal si Jaui.

"Para 'yan sa manlolokong boyfriend!"

Pagkatapos niyon ay mabilis kong nilisan ang k'warto ni Jaui.

"Miss Cindy--"

Hindi ko pinansin si Butler James at dere-deretso lang ako palabas ng pesteng mansyon nila Jaui.

Pagkalabas ko ng gate ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pati ulan nakikisama sa nararamdaman ko ngayon.

Wala akong pake kung mabasa man ako ng ulan.

Biglang nanumbalik sa alaala ko ang mga moments namin ni Jaui. At hindi ko mapigilang mapahagulgol ng iyak.

'Yung mga I LOVE YOUs niya, yung mga ka-sweetan niya ay napagtanto ko na isa pa lang..

kasinungalingan!

IT WAS JUST A LIE!

- - - - -

E N D.

My Cup of One-Shot Stories [2019-present]Where stories live. Discover now