I LOVE HER DESPITE OF OUR AGE GAP

9 1 0
                                    

"Flowers for you, soon-to-be my wife," I gave her a genuine smile as I led the flowers on her.

"Soon-to-be my wife ka d'yan. Eh hindi pa nga kita sinasagot." She chuckled. "Akin na nga 'yang bulaklak. Sayang naman kung hindi ko tatanggapin." Then she got the flowers from my hands.

"Sagutin mo na kasi ako. Don't worry, ibibigay ko lahat sa 'yo. Ibibigay ko lahat ng gusto mo. Pati buhay ko. Mahal na mahal kita, Lorena."

"Zyrex... Yes, you can give me all my wants. Pero ako, hindi ko lahat maibibigay sa 'yo. Especially, ang magkaroon tayo ng anak. Alam mo namang mas matanda pa ako sa 'yo. 34 years ang gap natin. You're 27 and I'm 61."

"Age doesn't matter, Lorena. I love you. I do really love you. At hindi naman anak ang habol ko sa 'yo eh. Ang magsama lang tayo habang buhay ay sapat na sa 'kin."

"Zyrex, para mo na akong nanay. Pagtatawanan lang tayo ng mga tao."

"I don't care! Sino ba sila para mangialam sa 'ting dalawa?" I blurted out. "Lorena, answer me. Mahal mo ba ako?"

She didn't answered. Napahilot lang siya sa sentido niya.

"Lorena, answer me please."

Fvck this tears! Ba't ka biglang tumulo? Nagmumukha tuloy akong mahina sa harapan ni Lorena.

"Syempre, mahal kita. Natatakot lang ako. Alam kong hindi ako tatanggapin ng magulang mo. At sigurado akong maraming hahadlang sa 'tin."

"Then akong bahala. I will fight for you. Mas pipiliin kita kaysa magulang ko. Gano'n kita kamahal, Lorena." Then I embraced her, tightly.

Weeks had passed. I'm feeling blissful. Dahil sa ilang buwan kong panliligaw kay Lorena, finally, sinagot na niya ako. Kaya hindi matutumbasan ang saya na nararamdaman ko ngayon.

"Can I kiss my girlfriend?" Binigyan ko siya ng nagmamakaawang tingin.

"Girlfriend ka d'yan. Hindi ako sanay na tawaging girlfriend, Zyrex. Tawagin mo na lang akong Nanay Lorena."

"Ano ka ba? Ang baduy kaya ng Nanay. Atsaka hindi naman kita nanay eh. You're my girlfriend."

"Oo, alam ko. Pero hindi talaga ako sanay eh."

"I know masasanay ka rin, Lorena." Sabi ko sabay kain ng hawak kong sandwich. Nasa balcony kami ngayon ng bahay niya. Naghihintay kami sa paglubog ng araw.

Malaki naman ang bahay ni Lorena. Kaso nag-iisa lang siya dahil wala na siyang katuwang sa buhay.

Matagal nang namayapa ang asawa niya. Pero hindi ko alam kung nagkaroon ba sila ng anak.

"Lorena..." Mahinang tawag ko sa kanya habang nakatingin sa kalangitan.

Napansin ko sa peripheral vision ko na lumingon siya sa 'kin kaya nagpatuloy ako sa sasabihin ko.

"Nagkaroon ba kayo ng anak ni--- ng una mong asawa."

Nag-aalangan man akong itanong ito sa kanya pero mas nangingibabaw ang kuryosidad ko na malaman kung nagkaroon ba sila ng anak.

Tumingin din siya sa kalangitan bago nagsalita.

"Oo. Nagkaroon kami ng anak ni Frederico. Isang lalaki..." Natigil si Lorena sa sinasabi niya kaya napatingin ako sa kanya. I saw her crying. Inalukan ko siya ng panyo. Tinanggap niya naman. Hinintay kong muli siyang magsalita.

"Kaso... Hindi ko alam kung buhay pa siya. Nasunog kasi ang nursery room no'n. At ilang oras pa lang bago siya nailagay ro'n." Humihikbing litanya niya.

Bigla akong napapunas sa magkabilang pisngi ko nang mapagtanto kong umiiyak na rin pala ako.

Days had passed. Mas lalo naming naramdaman na mahal namin ang isa't isa. At mas lalo pa iyong lumalalim.

Kaso nga lang, sikreto ang relasyon namin. Ayaw kasi ni Lorena na maging public ang relationship namin. Hindi rin alam ng mga magulang ko na karelasyon ko si Lorena. Ang alam lang nila na kaibigan ko siya.

Lumipas din ang ilang linggo. Napapansin kong palagi ng nagiging busy si Lorena. I'm clueless why she's busy. At hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya.

One time, I told her that she wasn't having a time with me. But she suddenly got mad and it had caused a fight between us. Hindi kami nagpansinan ng ilang araw hanggang sa umabot ang araw na hindi ko inaasahan.

"Zyrex... Let's break-up." Walang ganang sabi ni Lorena nang bisitahin ko siya sa bahay niya. Gusto ko na kasing makipagbati sa kanya.

"What? Are you kidding, Lorena? Please, tell me that you're joking!"

Pinilit kong matawa dahil alam kong nagbibiro lang siya o iniisip ko lang na nagbibiro lang siya?

"Sa tingin mo nagbibiro ako, Zyrex? Gusto ko nang makipaghiwalay sa 'yo! Hindi tayo dapat magkaroon ng relasyon." Nagsimula na naman siyang humikbi.

"Then how do you say so?! Tell me!"

"Zyrex, magsisimula ako sa una. Kaya ako naging busy noong ilang linggo dahil nag-rent ako ng investigator. Inutusan ko siyang hanapin ang anak ko. Nagbabakasakali ako kung buhay pa siya kahit alam kong imposible. Then yesterday, may maganda siyang balita sa'kin, buhay ang anak ko."

"Why do you telling me that?"

I'm confused. Bakit niya nga sinasabi 'yon sa 'kin?

Bigla siyang lumapit sa 'kin at niyakap ako nang mahigpit.

"Zyrex, hindi p'wedeng maging girlfriend ng isang anak ang kanyang ina."

I frowned. What? Gulong-gulong na ako!

"Zyrex, you're my long-lost son."

WHAT?!

I courted her. She gave her sweetest "Yes" on me. We had a relationship. A boyfriend-girlfriend relationship. We both loved each other. I LOVE HER DESPITE OF OUR AGE GAP. Tapos.. tapos malalaman ko lang na siya pala ang tunay kong ina? Oo, alam kong ampon ako at siya pala ang tunay kong ina? No, it can't be!

- - - - -

E N D.

My Cup of One-Shot Stories [2019-present]Where stories live. Discover now