PINKY PROMISE: THE UNTOLD

3 1 0
                                    

"I, Arron Mae D. Roma, will taking a vow that I would never ever fall in love with my bestfriend."

"I, Kenzo C. Del Prado, will also taking a vow that I would also never ever fall in love with my bestfriend."

Nagtinginan kami ni Kenzo matapos naming mangako sa isa't isa na hindi kami magkakagusto sa isa't isa.

We smiled to each other.

"Pinky promise, Kenzo?" I led my pinky finger to him.

"Pinky promise, Mae." He smiled then we intertwined our pinkies.

"Ayan, tapos na tayong mangako sa isa't isa. Pero gusto mo bang lagyan natin ng twist?"

Parang lumiwanag ang mukha ni Kenzo at masayang sumang-ayon sa'kin.

"Sige. Pero anong twist?"

"Bloody twist." I simply answered.

"Bloody twist?"

"Yes, a bloody twist. Simple lang naman, kung sino ang sumira ng pinky promise natin, kelangang putulin ang kanyang pinky finger."

Bumakas naman sa mukha ni Kenzo ang takot. Namutla rin siya.

"P-Puputulin?"

"Yes, puputulin. 'Wag mong sabihing natatakot ka, Kenzo? Barbie ka 'ata eh."

"A-Ako? N-Natatakot? Tss."

"Ako inaamin kong natatakot at kinakabahan din ako sa bloody twist pero sinisigurado ko namang hindi ko sisirain ang pinky promise natin."

"Sige, payag ako sa bloody twist. S-Sinisigurado ko rin namang hindi ko sisirain ang pinky promise natin."

"Deal, Kenzo?"

"Deal!"

-----

"Arron Mae!" I turned my head when I heard someone calling my name. I smiled when I saw Kenzo, my bestfriend since birth. He's waving at me.

I also waved my hand at him. I saw him walking towards me.

"Kanina pa kita tinatawag hindi ka man lang lumilingon." bungad niya nang makalapit na siya sa'kin.

Naalala ko kasi kanina 'yung pinky promise namin noong mga bata pa kami.

"I just remembered our pinky promise."

"What about our pinky promise?"

"N-Nothing." I uttered. "By the way, nasa'n si Xiara? Ba't 'di ko na napapansing magkasama kayo?"

Xiara is Kenzo's girlfriend. 6 months pa lang sila. Close kami ni Xiara. Pero ewan ko ba't hindi ko na siya nakikita these past few days.

"Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa'yo na break na kami." wika ni Kenzo.

"Break?!" I screamed. Hindi ako OA, hindi lang talaga ako makapaniwalang hiwalay na sila eh botong-boto pa naman ako sa kanilang dalawa tapos malalaman kong break na sila? Sayang kaya yung anim na buwang pinagsamahan nila. Ghad.

"Yeah, and I am the one who end up our relationship."

"Huh? Bakit, Kenz?"

"She will study on America so para ano pa para magkaroon kami ng relasyon? So, I'll end it up. Ayoko ng LDR."

"Gago!" I cursed out.

"What?! Ba't ako naging gago?"

"Isa kang gago dahil hindi mo siya sinundan. Ba't hindi ka sumama sa kanya sa America? Ba't mo pa tinapos 'yung relasyon niyo?"

"Ha? Ba't ko naman gagawin 'yon? Ayokong iwan kita."

Ano raw? Nabingi 'ata ako ro'n.

"Ha? Hindi ko narinig yung huli mong sinabi."

"W-Wala. Sabi ko maganda ka."

"Tch. I know right." Then I rolled my eyes at him.

"It's a prank. Hahahaha." Then he laughed at bigla siyang tumakbo so I chased him.

"Humanda ka sa'kin kapag nahuli kita!" sabi ko habang tumatakbo.

-----

"Kenzo, sa'n mo ba ako dadalhin?" tanong ko.

Naka-blindfold ako ngayon. Kasalukuyan niya akong inaalalayang lumakad habang nakahawak sa braso ko.

"Basta, malapit na tayo."

"Ba't ang tahimik?"

"'Wag ka ng matanong. Ilang lakad na lang malapit na tayo."

Hindi na ako umimik pa.

"We're here!" masiglang wika ni Kenzo sabay dahan-dahan niyang tinanggal ang blindfold na nakatakip sa mga mata ko.

"HAPPY BIRTHDAY, ARRON MAE!" Isang malakas na sigaw ang bumungad sa'kin. Napanganga na lang ako sa nakikita ko. Napakaraming tao. Nasa isang bahay kami, bahay nila Kenzo.

Lumapit sa'kin si Kenzo na hawak ang isang malapad na cake.

"Blow the candles then make a wish."

Hinipan ko na 'yung kandila at saka nag-wish.

"Anong wish mo?"

"Sana magkabalikan kayo ni Xiara." Napakunot noo naman siya.

"Syempre biro lang. Hahaha. Wish ko sana makahanap ka na talaga ng babaeng makakasama mo habang buhay."

"Ows? Pa'no kung nasa harapan ko na siya?"

"Ayyyiiiieeee!!" Naghiyawan naman yung mga relatives ko at relatives ni Kenzo.

Kinunutan ko rin siya ng noo.

"Syempre, biro lang din. Hahahaha." sabay tawa niya.

-----

Lumipas ang ilang buwan matapos ang birthday ko. Matapos ang pinakamasayang araw ko kasama ang family ko, mga relatives, especially Kenzo my one and only boy bestfriend.

"Years ago, simula ng huli tayong pumunta rito." sambit ni Kenzo. Nasa isang 'vow tree' kami ngayon. Yung puno kung saan nangako kami noong mga bata kami na hindi kami mahuhulog sa isa't isa. At ngayon ay sinubukan namin itong bisitahin matapos ang ilang taon.

"Oo nga eh, mas lalong gumanda ang paligid."

"Ilang buwan na rin ang lumipas simula ng birthday mo. Do you remember your wish?"

"Yes, I remembered. Na sana mahanap mo na yung babaeng makakasama mo habang buhay." sabi ko habang nakatingin sa kanya. Wala namang reaksiyon ang mukha niya.

"I think, that girl is my best friend." I frowned then my facial expression became serious.

"HAHAHAHA!" Tumawa ako nang malakas dahil alam kong nagbibiro na naman siya. 'Di ba joker siya? Malamang biro na naman 'yan.

Tumigil ako sa pagtawa dahil napansin kong seryoso pa rin si Kenzo habang nakatingin sa kawalan.

"Promises are always meant to be broken." wika niya.

"Yeah I know." Hindi ko alam pero kusa kong sinagot ang sinabi niya kahit na hindi naman iyon tanong.

I heard him sobbing so I immediately averted my gazed at him.

He's crying?

"I... Kenzo C. Del Prado... will cut my pinky finger because I broke---"

"Kenzo! What are you saying?!" Hindi ko siya pinatuloy sa sasabihin niya. Kinakabahan na ako.

Bigla siyang tumingin sa'kin. I saw his teary-eyes. And it can't help my heart to ached.

"Mae, I broke the pinky promise! So, I will do the bloody twist!"

"No, Kenzo!"

"Gusto ko ng tapusin ang pagkakaibigan natin, Mae. I want more than friendship. You know what, Mae? Elementary pa lang tayo gusto na kita. Doon nagsimulang gustuhin kita. Hindi ko sinabi sa'yo dahil natatakot ako sa bloody twist."

"Pero ngayon, matured na ako kaya napagtanto kong kaya kong isakripisyo ang daliri ko para sa'yo. Ngayon na ako nagkaroon ng guts para mag-confess sayo."

"Mae, mas ginusto kita kesa kay Xiara. Pinilit kong magkaroon ng girlfriend para mawalan ka ng puwang sa puso ko pero putek ba't may space ka pa rin?"

"Mae, ang tanga ko. Ang tanga tanga ko. Nangako pa akong hindi mahuhulog sa'yo pero ba't gano'n, hindi mapigilan ng letcheng puso 'to? Hindi mapigilang tumibok sa'yo?"

Nakatitig lang ako sa kanya habang sunud-sunod na dumadaloy ang mga luha ko.

"Mae, ako ang sumira ng pinky promise kaya kelangan ko talagang putulin ang right pinky finger ko."

"No.." Medyo paos na sambit ko habang umiiyak.

Biglang may inilabas na matalim na bagay si Kenzo mula sa bulsa niya.

Knife?

Itinaas niya ang kanang kamay niya. Itinikom niya ang iba niyang daliri at tanging ang pinky finger niya lang ang nakataas.

"NO!" Malakas kong naibulyaw matapos niyang putulin ang pinky finger niya.

"AAAHH! ACCKK!" hiyaw niya sa sobrang sakit.

"Ohmyghad!" sigaw ko. "I think I deserve to cut my pinky finger, too."

Tumingin sa'kin si Kenzo kahit namimilipit siya sa sakit.

"Kenzo.. I think I am the first one who broke the pinky promise."

Hindi ko siya inantay na sumagot at nagpatuloy lang ako.

"Kasi alam mo, since bata pa tayo crush na kita. Ako yung nag-isip ng bloody twist kahit na alam kong ako na talaga ang dapat na gumawa no'n. Ako na talaga dapat ang pumutol sa daliri ko."

"Aamin na sana ako sa'yo na gusto kita kaso.. kaso nagkaroon ka ng girlfriend kaya umurong ako at itinago ko na lang ang nararamdaman ko para sa'yo."

"I also deserved to cut my pinky finger."

"No, M-Mae!"

Agad kong kinuha ang knife na nasa bermuda grass na may bahid pa ng dugo at mabilis kong pinutol ang right pinky finger ko.


“THE UNTOLD STORY ABOUT PINKY PROMISE.”

- - - - -

E N D.

My Cup of One-Shot Stories [2019-present]Where stories live. Discover now