THE BEGGAR

2 1 0
                                    

Nandito kami ngayon ni mama sa isang public market dito sa lugar namin.

Mahilig kasi akong isama ni mama kapag namamalengke siya. Binata na ako pero ewan ko kay mama ba't ginagawa niya pa rin akong bata.

"Billy, anak, d'yan ka lang at bibili lang ako ng gulay."

"Sige, ma." Tugon ko. Naglakad na si mama patungo sa di-kalayuang vegetable market.

Nakatayo lang ako rito sa harap ng botika habang bitbit ang ibang pinamalit namin ni mama.

Inilibot ko ang paningin ko. Pinagmasdan ko ang mga taong nandito ngayon sa public market.

Isang pamilya ang nakapukaw sa atensyon ko. Masaya silang kumakain sa isang canteen. Hindi ko naman maiwasang mainggit.

'Sana all complete family,' naisambit ko na lang sa isipan.

17 years old na ako. Lumaki ako nang walang ama. Ni hindi ko alam kung sino ang ama ko. Ni hindi ko alam kung anong itsura niya. Pero sabi ni mama, matagal ng patay ang ama ko. Nakakalungkot lang dahil hindi ko siya nasilayan.

Napunta ang atensyon ko sa isang mamang pulubi na nakaupo sa gilid ng isang bakery. Nanlilimos siya.

Hindi pa siya gaanong matanda pero halata mong mahina na siya.

Tumawid ako at tumungo sa bakery kung saan nakapwesto si mamang pulubi.

Bumili ako ng 50 pesos na pineapple pie at ibinigay kay mamang pulubi.

"M-Maraming salamat, hijo.."

"Walang anuman po."

Alam kong hindi sapat ang ibinigay ko kay mamang pulubi pero sapat naman iyon upang maibsan ang gutom niya. Halata kasing wala pa siyang kain.

Tinitigan ko si mamang pulubi. Kahit na puro dumi ang mukha niya hindi mo maitatangging gwapo siya. Matangos din ang kanyang ilong.

"Napakaganda niya talaga.." wika ni mamang pulubi.

Sinundan ko ang tingin niya, nakatingin siya kay mama na bumibili ng gulay.

"Sino ho?" tanong ko, gusto ko kasing kumpirmahin kung si mama nga ang tinitingnan niya.

"Siya, hijo.." Nakumpirma kong si mama nga ang tinutukoy niya dahil tinuro niya ito.

"Kilala mo po siya?"

"Oo, hijo.. siya ang asawa ko.. matagal na kaming hiwalay.. nakikipagbalikan ako sa kanya dati dahil gusto kong makita ang anak namin p-pero.. ayaw niyang ipakita.. Kaya simula no'n, nawalan na ako ng gana sa buhay at nagpalaboy-laboy na lang.."

Nagsimula ng tumulo ang mga luha niya. At hindi ko napansing tumutulo na rin pala ang mga luha ko.

Hindi ko alam ba't pakiramdam ko sobrang saya ko.. Feeling ko napunan 'yung kulang sa'kin..

"P-Pa.." sambit ko at saka siya niyapos ng yakap.

Hindi ko akalain na sa ganito pa kami pagtatagpuin ng tadhana.

Hindi ko akalain na mahahanap ko ang papa ko..

And I realized, hindi pa patay ang ama ko.. buhay na buhay siya at nakayakap ako ngayon sa kanya..

And this beggar, is my father.. And this is unexpectedly..

-----

E N D.

My Cup of One-Shot Stories [2019-present]Onde histórias criam vida. Descubra agora