34

262 26 2
                                    


"Good afternoon, Dionne. I wanted to update you on the new pieces of art we've acquired for the museum's collection," bungad ni Tracy nang pumasok sa opisina at may dalang portfolio.

Inusog papalapit ni Dionne ang swivel chair sa mesa at ngumiti. "What have we acquired this time?"

Marahang inilapag ni Tracy ang porfolio at umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ng mesa. "We've acquired a series of contemporary sculptures by a renowned sculptor from Japan, Hiroshi Takahashi. They're abstract yet thought-provoking, and they'll add a dynamic element to our exhibits." Binuklat ni Tracy ang portfolio at tinuro ang picture ng art piece.

Nakayuko lang si Dionne tila malalim ang iniisip, nasa harapan niya ang portfolio ngunit nasa malayo ang kaniyang isipan. Napatikhim na lang si Dionne nang mapansin ang iba pang pictures na tinuturo ni Tracy. "Hiroshi Takahashi? His work is always innovative. What's the theme of this series?"

"The series is titled "Harmony in Chaos." Each sculpture explores the balance between order and disorder, capturing the beauty found within the chaos of life," tugon ni Tracy at napatingin kay Dionne. "Are you okay?" dagdag na tanong ni Tracy. Ilang araw na niya napapansin ang pagiging matamlay ni Dionne.

Tipid na ngumiti si Dionne. "I'm fine, Tracy. Thank you for asking." Napatuwid siya sa pagkakaupo. "Have we received any other notable acquisitions?" agad na binago ni Dionne usapan.

Napatango na lang si Tracy, hindi na siya nagtanong dahil halatang umiiwas si Dionne na pag-usapan. "Yes, we've also acquired a collection of traditional paintings by a local artist, Tamara Natividad. Her artwork beautifully depicts scenes from Hiligaynon folklore and nature, adding a touch of nostalgia and cultural richness to our museum." Isa-isang inilatag ni Tracy ang hawak na papeles para mabasa ni Dionne.

Napabuntonghinga si Dionne habang nakasandal sa upuan. "Wonderful. It's essential to showcase both contemporary and traditional art forms." Malumanay na turan nito at pinaikot ang dulo ng buhok gamit ang hintuturo habang nakayuko. "How do you propose we exhibit these new acquisitions?" Itinuro ni Dionne ang mga pictures gamit ang hawak na sign pen.

Kinuha ni Tracy ang isang polaroid picture at inusog palapit kay Dionne. "I suggest creating a dedicated space for Hiroshi Takahashi's sculptures in the contemporary art section." Inilagay din ang polaroid picture na naglalaman ng obra ni Tamara. "As for Miss Natividad paintings, we could integrate them into our existing art exhibit to provide visitors with a comprehensive experience," paglalahad ni Tracy.

Napatango si Dionne habang pinagmamasdan ang pictures at sinara ang portfolio. "Agreed. Let's ensure these new acquisitions are displayed with care and attention to detail. They represent the culmination of artistic talent and creativity."

"I'll coordinate with the curatorial team to finalize the exhibition plans and ensure a seamless integration of these new artworks into our museum's collection," tugon ni Tracy, "I believe they will greatly enhance the cultural experience for our visitors and contribute to the museum's mission of promoting artistic diversity and dialogue," dagdag nito.

"Thank you for bringing these acquisitions to my attention. Let's ensure they are displayed prominently and receive the recognition they deserve." Nakangiting pahayag ni Dionne, kinuha ang papeles na nakalatag sa mesa at pinirmahan pagkatapos basahin.

"I'll make sure everything is arranged for their unveiling to the public—-" napatigil magsalita si Tracy nang biglang bumukas ang pinto.

"We need to talk!" agresibong bungad ni Georgia nang pumasok sa opisina.

"I'm sorry, Miss Lucas! I told her to wait!" tarantang sumbong ng receptionist na nakatayo sa likuran ni Georgia.

Agad napatayo si Dionne, gulat na nakatingin lang si Tracy at naramdaman ang nabubuong tensiyon.

Dandelions in the WindOn viuen les histories. Descobreix ara