21

380 33 8
                                    


Nahimasmasan na rin si Dionne mula sa sunod-sunod na paglunok. Agad niyang binuksan ang nakahandang bottled water at uminom. Nang matapos, nanatili pa rin siyang nakatitig kay Charlotte, naguguluhan sa nangyayari.

Tumayo si Miranda. "We're glad you're here, Miss Del Pierro. May I introduce to you, Mr. Ramon Yulo as the resident lawyer of Flavell Museum." Iginiya ni Miranda ang kaniyang kamay sa dako ng abogado. "Nice to meet you, Attorney Yulo." Malugod na inabot ni Charlotte ang kaniyang kamay. Kung kanina ay kulang na lang ay humilik si Ramon Yulo sa sobrang antok, ngayon ay napakasigla nito at agad inabot ang kamay ni Charlotte. "It's an honor to meet you, Miss Del Pierro. I heard a lot of great things about you." Tuluyan naging maliit ang singkit na mata ni Attorney Yulo sa sobrang lapad ng ngiti at masiglang tumayo. "I was there when you won the case against Morten Industry, I'm so impressed. You're a brilliant lawyer!" hindi mapigilang sambit ni Attorney Yulo, inabot ang kamay ni Charlotte at nakipagkamay.

Mahinang napatawa si Miranda. "I guess, you have a fan. Miss Del Pierro," natutuwang pagpuri nito na agad naman sinang-ayunan ni Attorney Yulo. "She's a brilliant lawyer. I wish she were my daughter." Nanatiling nakangiti si Attorney Yulo at binitawan na rin ang kamay ni Charlotte.

"I'd like you to meet our director, Miss Dionne Lucas," pagpapakilala ulit ni Miranda. Agad tumayo si Dionne at hindi maiwasang uminit ang pisngi nang magtagpo ang kanilang titig ni Charlotte. "Nice to meet you, Miss Lucas," napaka-propesyunal na pagbati ni Charlotte, walang bahid ang tono, at nanatili ang pagiging poker face nang inalok ang kamay. Kinakabahang inabot ni Dionne ang kamay nito. "I-it's good to see you, Char—-uhm...Miss Del Pierro," muntik nang nadulas ang dila ni Dionne ngunit agad din naagapan. Naramdaman ang init ng kamay ni Charlotte nang hinawakan niya ito, tila napaso at agad binitawan ni Dionne.

"So, shall we start," panimulang pahayag ni Miranda at umupo na rin.

Napasandal si Dionne sa kanyang kinuupuan, hindi pa rin maalis ang pagtataka sa isipan kung bakit kasama nila si Charlotte. "If I may ask, where's Attorney Castelo?" hindi na napigilan ni Dionne ang magtanong.

"I hired Charlotte's law firm before I started working here in Flavell. Attorney Castelo is one of her lawyers," tugon ni Gwynett, lumingon siya sa dako ni Charlotte at ngumiti.

"Oh, okay," tipid na wika ni Dionne, iniwas ang tingin kay Charlotte.

Tumikhim si Miranda para simulan na ang pag-uusap. "We are gathered here because there has been a significant revision of contract on your part," panimulang pahayag nito. "Your latest installation not only exceeded the budget but also deviated from the agreed theme. This has put the museum in a difficult position, both financially and reputationally," turan niya at tumingin sa dako ni Gwynett.

Napatango si Gwynett bilang pagsang-ayon. "With all due respect, the essence of art is to evoke emotion and provoke thought. The changes I made were necessary to convey the message accurately." Napasandal siya sa kinauupuan at hinawakan ang papeles na nasa harapan. "I was under the impression that this museum valued artistic freedom."

Pasimpleng pinagmasdan ni Dionne ang abogado na nasa harapan. Ngayon niya lang nakitang nakasuot si Charlotte ng business suit. Is it Chanel? Or Prada? panghuhula ni Dionne sa kanyang isipan. Bumagay ang puting long sleeves ni Charlotte sa suot na gray vest na pinatungan ng itim na blazer. Parang laging may nakapatong na libro sa ulo ni Charlotte na hindi puwedeng mahulog dahil sa tuwid na pagkakaupo nito. Nakatali ang alon-alon na buhok at matingkad ang pagiging blonde nito. Nabanggit na noon sa kanya ni Marcus na laging may naipapanalong kaso si Charlotte at sa nakikita ni Dionne, hindi malabong sumuko na agad ang makakalaban dahil sa natatanging aura nito. A woman in a power suit who can kick your ass. A lawyer and a ballerina, what a deadly combination, hindi maiwasan ni Dionne ang mapangiti sa kanyang isipan. Napabuntonghinga na lang, pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagiging high school dahil sa girl crush. Uminit tuloy ang magkabilang pisngi ni Dionne at pinagtuunan na lang ng pansin ang nakalatag na papeles.

Dandelions in the WindWhere stories live. Discover now