13

336 30 10
                                    


Iminulat ni Dionne ang kaniyang mata. Tiningnan din ang suot na relo, ala una pa lang ng umaga. Napansin niya ang isang kamay na nakayakap sa kaniya at may hita na rin na nakapatong. "You're very possessive." Naaliw na bulong nito sa katabi. Mahimbing na natutulog si Charlotte at ginawang unan ang katawan ni Dionne. Saglit siya napaisip, madalas ayaw niyang may kasama kapag natutulog ngunit sa hindi malamang dahilan ay nagustuhan niyang matulog na may katabi at tanging si Charlotte lang ang nakatulog na kasama si Dionne. Marahan niyang tinanggal ang kamay ni Charlotte, dahan-dahan din inalis ang hita na nakapatong. Kinuha rin niya ang damit na nasa ibaba ng kama. Nagpunta na muna si Dionne sa banyo at nag-ayos ng sarili. Nakasuot na siya ng puting oversized t-shirt na abot lang hanggang sa hita nang lumabas sa banyo. Nanatili pa rin mahimbing ang tulog ni Charlotte.

Umupo si Dionne sa kama at pansamantalang pinagmasdan ang pagtulog nito. Napakunot ang magandang mukha nang mapansin ang ilang kiss marks sa hita ni Charlotte. "Oh, shit!" nahihiyang bulong nito. Napahilamos na lang sa mukha si Dionne, kailanman ay hindi niya matandaan kung naging agresibo ba siya sa sex. Siya ang tipo na madalas inuutos pa ang dapat gawin para makuha ang kiliti niya ngunit kay Charlotte, wala pang limang minuto ay kayang patirikin ang kaniyang mga mata nang hindi inuutusan. Napangiti na lang si Dionne sa naiisip. Kinuha niya ang kumot at itinakip sa hubad na katawan ni Charlotte.

Napagpasiyahan na lang ni Dionne na pumunta sa kusina at uminom ng tsaa. Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos din at pinagkaabalahan niya tingnan ang cellphone. Binasa ang ilang messages at may text galing kay Marcus: Can't wait to see you. Limang oras na ang nakalipas na text. Nag-reply lang si Dionne ng smiley emoji.

"Do I have to check myself for a breast ultrasound?" tanong niya sa sarili. Sinilip ang loob ng t-shirt at hindi maiwasang matawa. Namaga yata ang nipples niya sa sobrang gigil ni Charlotte. Napaisip tuloy si Dionne kung normal ba talaga sa dalawang babae na inaabot nang mahigit na apat na oras. Napatanong tuloy sa google si Dionne at walang makuhang matinong sagot. "I look like a fool," naaliw na turan niya sa sarili at binaba ang cellphone. "Just an intense sex, that's it."

Pumunta si Dionne sa sala at binuksan ang telebisyon. Hindi niya binuksan ang ilaw sa sala dahil umabot naman ang liwanag mula sa kusina. Tanging ang ilaw na nagmumula sa screen ng telebisyon ang nagsisilbing gabay at ang makulimlim na ilaw sa kusina ang tumatanglaw sa kinauupuan ni Dionne. Naka-register sa account ni Charlotte ang screen ng telebisyon. Tiningnan niya rin ang mga napiling papanoorin at binasa. "Carol, The portrait of the lady on fire, Killing Eve, and Saving Face?" Tuluyan nang nawala ang antok ni Dionne sa mga nakikitang palabas. "This is all sapphic shows? Hmm...interesting," naaliw na wika nito.

Pinili niyang panoorin ang NCIS: Hawaii at sinimulan ang episode one. Sa sobrang pagkaaliw ay nakaabot siya sa episode two, natatawa pa siya sa mga pinagagawa ng bida at hindi rin maiwasan kiligin kina Kate at Lucy. Hindi niya namalayan na nakalabas ng kuwarto si Charlotte at nakasuot din ng puting oversized t-shirt. Mataman pinagmamasdan si Dionne habang nakasandal sa pintuan. Lumapit ito sa sofa. "I see you're beginning to become a fan of Kate and Lucy." Nakangiting turan ni Charlotte at umupo sa tabi. Agad napalingon si Dionne. "Did I wake you up? I'm sorry, I can't sleep and I didn't mean to look into your viewing history."

"It's fine. I can see that you already like them." Sumandal si Charlotte sa sofa at nakisabay na rin manood. "Ang cute ni Lucy," pag-sang ayon ni Dionne, "napanood mo na ba?"

"I think I watched episode five? I haven't finished it yet. I'm too busy. And I don't want to be attached, I'm still on the fence," tugon ni Charlotte.

Napakunot ang noo ni Dionne. "Still on a fence? Should I stop watching? Will it give me a heart break?" Napasandal tuloy siya sa sofa at napabuntong hininga. "I hate tragedy."

Dandelions in the WindWhere stories live. Discover now