15

303 32 1
                                    


"She looks pretty." Pinakita ni Dionne ang picture ng mestisang babae kay Marcus. "Do you like her?" tanong nito. Sabay pinakita ang bagong cellphone at ibang picture na nasa dating app.

Nakahiga si Marcus sa sunbed, nakasuot lang na swimming trunks. Lumingon siya sa dako ni Dionne na nakahiga rin sa sunbed at nakasuot ng red bikini. "She's fine," halatang walang interes sa boses ni Marcus. "Why you're looking on a dating app?" tanong nito.

Bumagay ang itim na sunglasses kay Dionne at naaninag ang screen ng cellphone sa suot na sunglasses. "Don't you want to date again. Meet someone you like? I've been getting a lot of messages, I might pick one," kaswal na sambit ni Dionne.

Napalingon si Marcus at napakunot ang noo. "You're looking for a date? Why?"

"Why not? It's not that I'm in relationship or anything?" Inilapag ni Dionne ang cellphone sa kaniyang tabi at ininat ang buong katawan sa sunbed. Tumingin sa langit at hinayaan ang hangin na haplusin ang kaniyang mukha.

May bumahid na pagkadismaya ang gumuhit sa mukha ni Marcus. "So, you'll meeting someone?" tanong niya.

Saglit lang na lumingon si Dionne kay Marcus at ibinaling ulit ang tingin sa langit. "Yes, I can even even sleep with someone I like if I wanted to."

"Oh?" Maikling sambit ni Marcus, mistulang hindi niya inaasahan ang sagot ni Dionne. Napahaplos ito sa noo.

"Tell me...do you really see me as a friend?" walang lingon tanong ni Dionne.

"Yes, of course," tugon ni Marcus, nanatiling nakatingin siya sa katabi.

Maririnig ang malalim na buntonghininga ni Dionne. "Then don't fall in love with me. I don't want you acting like my boyfriend." Lumingon ito. "You're a great guy, Marcus. Any girl would want to have you. I don't think I'am that girl," seryosong turan niya. "I can only be your friend. That's all I can give."

"Why you're being serious?" Pinili ni Marcus na pagaanin ang usapan, kahit may bumahid na lungkot sa mga mata nito. "Is it the time of the month?"

Kahit natatakpan ang mga mata ng shades ay napapikit si Dionne. "Someone told me, I hurt people even if I don't intend to. Don't be one of those people I---" saglit na napatigil magsalita. "Don't expect too much from me. I just can't love. That's it," mahinang sambit nito.

Saglit na binalot ng katahimikan. Tanging ang sikat ng araw at ang simoy ng hangin ang nanatiling gumagabay sa pagitan nila.

Maririnig ang malalim na buntonghininga ni Marcus. "Love sucks," mahinang wika nito.

"Yes, it is," pag-sang ayon ni Dionne.

Bumangon si Marcus at umupo sa sunbed. "I think I need to go. I have things to do. Are you going to stay here?" tanong nito at sinampay ang puting tuwalya sa balikat.

"Yes, I'm going for a swim," tugon ni Dionne, saglit lang lumingon sa dako ni Marcus at idinako ang paningin sa langit.

"Okay. See you, later," matamlay na paalam ni Marcus at tuluyang umalis.

Napahaplos na lang sa buhok si Dionne, bagama't napansin niya ang bumahid na lungkot kay Marcus, wala rin siyang magagawa. Kailangan niyang gawin ang nararapat. Kaya niya naisipan mag-download ng dating app at ipakita kay Marcus na wala talaga siyang interes kung anuman ang gustong ipahiwatig nito.

Kinuha ni Dionne ang cellphone sa tabi at binuksan ang dating app. Ang kaniyang profile picture ay isang kabayo. "Seriously? They want to date someone with a horse picture?" Naaliw na turan niya sa sarili, isa-isa rin niyang tiningnan ang nasa inbox. Hindi man lang nag-abalang basahin ang mga texts. "Nope, I'm not going to reply. It's already my biggest achievement if I can text in one paragraph. God, I hate texting!" Tumatawang saad ni Dionne at isa-isang binura ang nasa inbox. Binalak na rin niyang tanggalin ang dating app. Mahinang tumatawa si Dionne habang tinitingnan ang picture ng kabayo.

Dandelions in the WindWhere stories live. Discover now