18

359 30 6
                                    


"She's not coming for breakfast?" nagtatakang tanong ni Dionne habang pinapahid ang strawberry jam sa tinapay. Lumapit si Clarissa sa kaniyang dako at nagsalin ng mainit na kape sa tasa. Nakitaan ng manipis na usok na mistulang sumasayaw at nalalanghap ang bango ng kape. "Thank you." Nakangiting pasasalamat ni Dionne. Yumuko lang si Clarissa at pinagpatuloy ang pagsalin ng kape sa tasa ni Margaret.

"She caught a cold. Charlotte told me na ayaw niya makahawa, that's why she's staying at the cabin." Tugon ni Marcus, nilagyan ng cream ang kape at saglit na tinikman. Nang hindi makuntento sa lasa ay nagbuhos ng kaunting cream at hinalo gamit ang maliit na kutsara. Maririnig ang mahinang taginting ng kutsarita nang inilapag niya ito sa platito.

Saglit na natigilan si Dionne at binaba ang hawak na tinapay sabay kinuha ang table napkin at pinunasan ang daliri. "But it didn't rain last night, and the weather has been quite warm. Didn't you tell me she's particularly susceptible to colds when caught in the rain?" pag-usisa ni Dionne, may bahid ng pag-aalala sa boses nito.

Kumuha rin si Marcus ng tinapay at pinalamanan ng corned beef. Nalalanghap ang amoy ng karne nang sinabay sa tinapay. "There's a lot of people last night, siguro nahawa siya," paglalahad niya ng opinyon.

"How bad is it?" tanong ni Margaret at eleganteng uminom ng kape, pansamantalang hinaplos ng manipis na usok ang pisngi nito, maingat na inilapag ang tasa at sabay pinunasan ang labi gamit ang table napkin.

"Her eyes are slightly red, but thankfully not swollen. She's been sniffing a lot while talking. She made her way to my room early this morning just to inform me she'd be staying in the cabin. It seems she didn't get much sleep at all," pagkukumpirma ni Marcus.

"Poor Charlotte. She really had a bad cold, she must be so tired." Napailing na saad ni Margaret. "Clarissa, did you send her breakfast this morning?" Napabaling siya sa kinatatayuan ng mayordoma.

Umiling si Clarissa. "Ayaw niya po maistorbo. Nag-iwan na lang ako ng pagkain. Gusto niya daw po magpahinga."

"If that what she wants, let's give it to her," malumanay na pahayag ni Margaret at tumango na lang ito.

Uminom na lang si Dionne ng kape at hindi maiwasan mag-alala. Gusto niyang itanong kung bakit kailangan pa manatili sa cabin, sadyang napakalaki ng mansyon para hindi makahawa sa simpleng sipon. Ngunit sumagi sa kaniyang isapan ang isa pang dahilan. Iniiwasan na naman siya ni Charlotte. May kumirot sa puso ni Dionne, tila nawalan na ng ganang kumain at uminom na lang ng kape.

"Did you tell her?" matamlay na tanong ni Dionne kay Marcus.

Nagsalin si Marcus ng tubig at tumango. "Yes, I told her last night after I received your text. She just ask me this morning kung anong oras ka aalis. She's sending her regards and she's sorry for not being able to see you today," walang anumang pagbabalita ni Marcus at hindi napansin ang tuluyang paglamlam ng mga mata ni Dionne. Mistulang nakatanggap ng masamang balita at napabuntonghininga na lang ito. "That's unfortunate, I hope gumaling siya agad," malungkot na saad ni Dionne.

"You can always visit this Villa anytime you like, Dionne. It's quite sad your vacation was cut short, dear," malambing na pahayag ni Margaret. "You're always welcome." Magiliw niyang hinawakan ang kamay ni Dionne.

"T-thank you, Margaret. I will surely miss this place." Tila may nakaharang sa lalamunan ni Dionne at nahirapan siyang magsalita. Pakiramdam niya ay hinaplos ang kaniyang puso sa pahayag ni Margaret, sa maikling panahon na nakasama niya ang pamilya Del Pierro ay hindi maiwasang maramdaman ang init na pagmamahal ng isang ina. "I will surely visit you someday." Napayuko si Dionne at tumikhim.

"Just mom? What about me?" Nakangiting panunukso ni Marcus.

Itinago ni Dionne ang lungkot sa kaniyang mga mata at matamis na ngumiti. "Well, I can no longer get rid of you. So, yeah...you'll be seeing a lot me and I will annoy you for sure." Tumatawang turan nito. "I will always love the Villa. I'm going to miss this place," dagdag pa nito at iniwas ang tingin. Uminom si Dionne ng kape para pigilan ang nakatagong emosyon na nagbabadyang kumawala. Napabuntonghininga na lang at inamin sa isipan ang pangungulila. I will surely miss your sister.

Dandelions in the WindWhere stories live. Discover now