33

298 33 12
                                    


Banayad ang ihip ng hangin na gumagabay sa parke. Alas kuwatro pa lang ng hapon ngunit nanatiling matingkad ang sikat ng araw, nagmukhang kulay kahel ang paligid dahil na rin sa papalapit na paglubog ng araw. Mapayapa ang ilog ang nakikita sa harapan ng parke, may iilan bangka na matatanaw sa palibot ng ilog habang may sumasagwan, may iba rin na nagtatapon ng pagkain sa mga pato at gansa na payapang namamasyal sa ilog. Makikita pagliparan ng mga ibon sa bughaw na langit at sumabay din na lumipad ang mga nabulabog na gansa at pato nang dumaan ang bangka.

Napapalibutan ang parke ng mga puno ng Jacandara at nagmukhang cherry blossoms park dahil na rin sa mga nahuhulog na bulaklak na may kulay na asul, pula at puti. May iilan din na nakalatag na kumot sa ibabaw ng damuhan para sa picnic, may mga naglalaro ng frisbee, mayroon din iilan na nag-jogging at ang iba naman ay kuntento na maupo sa bench habang kasama ang kanilang mga aso.

Maingat na inilagay ni Charlotte sa gitna ng kumot ang lalagyan ng sandwich, umupo sa tabi at inilabas ang maliliit na sandwich na pinagpatong patong. Mistulang malalim ang iniisip habang nakayuko, nilagyan ng disenyo ang paligid ng sandwich, may chips at ilang prutas sa paligid. "You could help, you know, instead of just admiring my sandwich artistry from afar," nakayukong turan ni Charlotte habang inaayos ang pagkakapatong ng sandwich sa tamang anggulo.

"I wouldn't dream of disrupting the maestro at work. Your attention to sandwich alignment might win us a prize." Nakangiting turan ni Dionne habang nakatayo at may hawak na cooler na lalagyan ng inumin.

Inangat ni Charlotte ang tingin at sumimangot sabay na rin na ngumiti. "Very funny. Maybe if you weren't so busy accepting imaginary awards, you could pass me the drinks?"

Tinawanan lang siya ni Dionne, umupo sa tabi at inabot ang malamig na mineral water. "Here you go, your highness. No need to get your royal hands dirty."

Inirapan lang siya ni Charlotte. "Oh, thank you ever so much, peasant. Your loyalty shall be rewarded with the finest crumbs of my potato chips."

Sabay na tumawa ang dalawa nang sinimulan na rin kainin ang mga ihinandang pagkain sa picnic. Nasinagan ng araw ang buhok ni Charlotte, mas lalong naging matingkad ang kulay ng buhok nito at naging mapula rin ang pisngi.

"You know, sometimes I wonder if you'd rather be anywhere else but here, dealing with my over-the-top picnic setups and bad royalty jokes," maya-maya'y sambit ni Charlotte habang pareho silang nakaupo at umuulan ng tatulot ng Jacandara sa paligid.

Tinanggal ni Dionne ang tuyong dahon ng Jacandara na dumapo sa balikat ni Charlotte. "Nowhere else in the world. These over-the-top picnics? They're my favorite part of the week. And your jokes? They're not that bad. Well, mostly," nakangiting kibit-balikat ni Dionne.

Lumalim ang dimples ni Charlotte nang ngumiti. "I'm glad. Because, well, there's something I've been meaning to say... I just... I'm not good at this stuff," nahihiyang turan nito at napayuko.

Saglit na sumingkit ang mata ni Dionne, gumuhit ang pilyang ngiti. "What, confessing your undying love for me?" panunukso rin nito. Umusog siya papalapit sa tabi ni Charlotte. "I can coach you through it if you want. Step one: Say, 'Dionne, you are the light of my life.'" Pabirong tinulak ang balikat ni Charlotte gamit ang kaniyang braso.

Mataray na umirap ang mata ni Charlotte pero hindi naitago ang lambing sa boses nito. "More like, 'Dionne, despite your terrible coaching tips, I somehow, inexplicably, find myself completely and hopelessly in love with you."

Napatikhim si Dionne, naramdaman niyang uminit ang kaniyang pisngi. "That was beautiful. Really," idinaan na lang sa biro ang kilig nang umarteng may pinahid na luha si Dionne sa kaniyang mata. "And just for the record, I love you too—your precision with picnic angles, your terrible puns, and yes, even your grumpy morning face."

Dandelions in the WindDove le storie prendono vita. Scoprilo ora